Answered Questions

42 1 0
                                    

Dinilat ko na ang mga mata ko.

Mas kakaiba pala sa pakiramdam kapag nakikita mo ang isang bagay at kasabay nito ay nararamdaman mo rin ito. Tumingin ako sa taas, nakikita ko ang araw. Kanina lang, bago ako maging tao, parang wala lang sakin na naandyan si Mr. Sun. Pero ngayon, 'di ko maiwasan na hindi makialam sa kanya kasi nararamdaman ng mga balat ko ang init niya.

May bumangga sakin bigla. At napabagsak ako dahil doon.

"Paharang-harang ka sa daan! Tumabi ka nga batang pulubi!" sabi ng lalaking nakabangga sakin. Siguro nagmamadali yun kaya galit na galit sa akin. At saka ano yung sinabi niyang "batang pulubi"? Ako? Isang pulubi? Natawa naman ako doon. Isa akong Cupid kaya paano ako magiging isang pulubi?

Tumayo ako at nang subukan kong pagpagin ang mga dumi sa damit ko, nagulat ako sa mga nakita ko.

BAKIT ANG DUNGIS-DUNGIS KO NAMAN?

Yung damit ko mangingitim na sa sobrang dumi. Tapos inamoy ko yung sarili ko.

*sniff sniff*

ANG BAHO KO DIN NAMAN!

Ano ba yan! Wala akong matinong disposisyon ngayon sa estado ko. Bakit ganito ang itsura ko? Ha, Head Cupid? Bakit ganito? Dahil sa gawa naman sa salamin ang pintuan ng BonChon, tumingin ako doon at inaninag ang buong katawan ko. Mukha nga talaga akong isang batang pulubi. Ang dumi ko nga talaga tignan, may puti akong pantaas, at itim na pang-ibaba. Kulot parin naman ang mga buhok ko at ganun parin ang itsura ko. Gayunpaman, 'di naman nila mapapansin kung gaano ka-amo ang mukha ko kung sa unang tingin naman ay mukha na akong kadiri.

Kaya ko 'to. Kaya ko 'to! Iyan nalang ang mga naiisip ko. Sa ngayon, hindi ko na tuloy alam kung pagsisisihan ko ba yung kagustuhan kong maging tao. Mukhang mahirap parin kasi akong makalapit sa 11 Targets ko eh. Syempre, sino ba ang taong gustong kumausap sa mga pulubi?

Napaisip lang tuloy ako: Kung isa akong tao ngayon, paano naman kaya ako babalik sa pagiging isang Cupid?

Di ko alam. Ayaw ko na muna alamin.

Nakikita ko ang 11 Targets ko ngayon sa loob ng BonChon. Gaya lang kanina, mga nagtatawanan lang sila. Ano pa bang bago? Isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit gusto ko maging tao eh. Para makausap ko naman sila. Pero sa itsura ko ngayon, malabo na atang mangyari yun.

Susubukan ko parin. Binuksan ko ang pinto ng BonChon at lumapit sa pwesto kung saan kumakain yung 11 Targets ko.

"Uy Katrina, ayan na pala yung anak mo eh. Tinatawag ka na. Hahahaha!" sabi ni Alyson nung nakita niya akong lumalapit.

"Hala gago 'di ko kilala yan." sagot ni Katrina.

Nung nakita na nila kong lahat, wala akong masabi. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko eh. Pero ang dami kong naiisip na paraan kung paano ko sila babatiin.

Idea no. 1

"Hello! Ako nga pala si Cupid! Ako ang gagamot sa inyong mga sugatan at nangungulilang mga puso!"

Hindi pwede, baka hindi rin naman nila ko paniwalaan. Pagtawanan lang nila ko.

Idea no. 2

"Mga kuya at ate, pwede ko po ba kayong makausap isa-isa? May sasabihin lang po ako sainyong mahalaga eh."

Nako, hindi rin ata papasa yun. So baka isipin nila nagsasagawa ako ng isang seminar o nagbebenta ng produkto. Wala naman sa itsura ko ang ganoon eh.

Idea no. 3

"Kamusta buhay pag-ibig niyo?"

Argh! Hindi rin pala pwede yun. Baka matahimik lang sila sa tanong ko. Batang pulubi lang ang tingin nila sa akin, so ano ang karapatan kong tanungin sa kanila yun?

Cupid's 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon