Aenna's POV
"Miss Aenna!! Miss Aenna!?" Naririnig kong tawag sakin ni aling Hena.
"Po? Gising na po ako!" Pupingas pungas kong bukas sa pinto..
Umaga na naman. 7:30 na class namin at 6:00 am na. Diko alam kung pano ko sisimulan ang araw na to dahil sa mga nangyari kahapon. Biruin nyo orientation palang may mga kaganapan na. Hay! Sana maging masaya tong araw na to..
(Fastforward)
*At St. Archer
Pumasok ako sa classroom ng tahimik at nababalisa. Ewan ko ba. Di ako mapakali.. Para kasing may ibang mangyayari ngayong araw. At kinakabahan ako.. Wala pa din sila Jemicka..
"Goodmorning, sweetie!" Speaking of the devil.
"Walang good sa morning, Jem. Kinakabahan ako and I don't know why.." Sabi ko
"Gagita ka. Masyado ka kaseng negative eh.." Sagot naman nya
"Oo nga naman!" Sabat naman ni Meeana na diko alam kung san sumulpot -_-
"Uh excuse me, pwede kobang makausap si Aenna?" Biglang sabi naman ni Anthony na nasa kaliwa ko..
"Aenna, can we talk!?" Sabi naman ni Mikael na nasa kanan ko.
Jusko lord! Ka aga aga naman ng stress sa buhay oh! Alam ko namangg maganda ko pero bakita kaylangang ganito? Mahirap mamili! M-A-H-I-R-A-P
"Uh! Jemicka. Diba may gagawin pa tayo? Yung para sa welcoming ball? Diba diba?" Biglang sabi naman ni Meeana
"Uh, girl-" Naputol kong sasabihin.
"AY! Oo nga Meeana! Sige! Bye guys!" Pag sang ayon naman ni Jemicka. Anak ng tokwa naman to oo!
Tss. May gagawin daw -_- eh umupo lang naman sila sa mga upuan nila. Nakita ko pa si Meeana na sinusundan ng tingin si Ethan. Tapos si Jemicka... Ang sama ng tingin kay Travis, halata mo namang may gusto din sya dun. At itong dalawa na kanina pa hinihila ang magkabila kong kamay -_-
"TEKA NGA! Ano ba kaseng sasabihin nyo? Bitawan nyo nga kong dalawa. Ka aga aga naman!" Pabulyaw kong sabi nang biglang pumasok si Maam Jill at buti nalang pumasok sya kung hindi.. Makakapatay nako -_-
"Goodmorning, class!" Bati nya
"Goodmorning Maam Jill!" Sabay sabay naming pagsagot.
"Okay! I just came here to leave some announces.. The first one is, walang magtuturo ng morning class dahil magkakaron ng meeting ang faculty at magaayos ng stadium. The second one will be.. Next week, Monday.. St. Archer Academy will be celebrating the Welcoming ball. Tradition na yon ng school every year. Para iwelcome ang mga transferees at magkaroon ng mga kaibigan. At ang huli ay.. Aalis nako. At maari nyo ng lapitan ang mga yayayain nyo sa ball. So.. One two three.. GOODBYE!" Dali daling paglabas ni Maam Jill sa pinto ng makita nyang dadagsa na ng mga estudyante sa harap..
"Aenna, date na kita wah!?" Sabay na pagsasabi ni Anthony at Mikael. Jusko! Akala ko pa naman ligtas na ko. Hay nako -_- ano bang gagawin ko.. Sa di kalayuan ng kinauupuan ko narinig ko naman si Jemicka at Travis na nagsisigawan.
"Hoy Jemicka, panget! Date na kita ah?" Pabulyaw na sabi ni Travis.
"Anong! Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? Sino ka ba sa inaakala mo ha?" Nang gagalaiting sagot ni Jemicka.
"Boyfriend mo!"
"Sino nagsabi sayo!? Aba! Kapal mo!"
"Ikaw, ako, sila, tayo. Tayo na!"
At walang katapusang pagsisigawan.. Pero napako ang tingin ko kay Meeana na nilapitan ni Ethan..
"Uh hi? *smile*" Sabi ni Ethan na tila nagpapa cute.
"U-uh? M-me? Hi?" Nauutal na sagot ni Meeana.
"Hahaha! Yeah you! :). Just wanna ask if.. May date ka na? Kase kung wala pa, pwede bang ikaw at ako nalang?"
"Ikaw? A-ako? Tayo? Date?"
"Date sa ball, sweetie :) you're cute!"
"*blush* a-ah o-onga hehe. Oo ba! Tayo nalang! >\\\\\\<"
At nagusap pa sila hanggang sa natuon ang pansin ko sa likod.. May bakanteng tatlong upuan pa at ang sabi ni Maam Jill samin. May mga dadating oa daw kaming kaklase. At di namin alam kung sino.
"AENNA!" Nagulat ako ng sabay na sumigaw ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko. -_-
"Ano na naman ba?"
"Sino pipiliin mo saming dalawa?" Magkasabay ulit nilang sabi.
"Prove to me first na dapat ko kayong maging date. You still have 6 days"
"Game! May the best man win!" At nagshake hands silang dalawa.
(Fastforward)
Natapos ang umaga ko na bwiset na bwiset dahil sa dalawang lalaking kanina pa ko kinukulit at naiinis ako! Naiirita ako! Nabubwisit ako! Natapos ang recess, lunch at afternoon class na namin. 2 subject lang naman ang afternoon class namin at uwian na naman. Ngayon, iniintay na lang namin ang magiging teacher namin sa Music..
"Goodmorning class!" Speaking of.. Si Sir Joshua pala
"Goodmorning Sir Joshua!" Pagbati naman namin.
"Okay! Before we start.. May 3 pa kayong kaklase na ngayon lang papasok dahil late enrollees daw. Three girls. Let them introduce themselves to the class" At gaya nga ng sinabi ni Sir, may pumasok na tatlong babae na napakapamilyar ng mga mukha.. Na ang dahilan kung bakit siguro ako kaninang umaga pa kabado.
"Hi I'm Haydie." Bored na sabi nya.
"I'm Raevee"
"I'm Michie!" Huwaw naman! Yun lang yon? Ganon na yon!? Nakakatawa naman sila! Late na nga silang pumasok sila pa ang walang gana. Nakakatuwa! Sobrang nakakatuwa.
"Okay class, today. Magkakaroon tayo ng activity.. At dahil Music ang subject ko magkakantahan tayo.. At by partner ito! A boy and a girl. At ako ang pipili. Walang maarte! Dahil ang pipiliin ko eh yung alam kong magkakasundo at may spark sa kanilang dalawa.. So be comfortable kahit kanino kayo mapunta, okay?" Pagpapaliwanag ni Sir! Bakit ganun? Pano kung si Anthony ang maging partner ko? Pano ko magiging komportable!?
"Okay pila na ang girls sa left at boys sa right."
"Meeana and Anthony.. Jemicka and Travis.. Michie and Rylee.. Raevee and Jerome.. Tristan and Mikka.. Blah blah blah blah ~" Sunod sunod na sabi ni Sir. At hanggang ngayon di pa napipili si Anthony at ako..
"Okay! So 4 na lang ang natitira. Haha! At nahihirapan akong ipartner kayo.. To be honest!" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Sir.
"So here it is.. Aenna, your partner will be.."
(AN: Okay bitin! Hahahaha! Thankyyy for reading! I love you all! *kiss sa pwet*)