Aenna's POV
Pabalik na sana ko sa room, tutal di natuloy ang dapat sanang paguwi namin ng biglang nagtext si Meeana..
Message:
Hey, asan ka? 10 minutes nalang bago pumasok ulit si Maam Jill.
From: Meeana
Hayy! Kahit ayoko, sige babalik nako, ayokong ipakita sakanyang mahina ako. Infact, nakapagmove on na ako.. Or not? Gaaaaaahd! Ayoko sa lahat ang nafufrustate ako.
Nang nasa harap na ko ng pintuan ng classroom. I take a deep sigh first, before pumasok, at agad hinanap ang dalawang kaibigan ko at umupo.
"Girl, you alright?" May halong pagaalalang pagtatanong ni Jemicka pero nanatili akong tahimik at di umiimik.
"Friend, what happened to you? Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lup--" Hindi na natuloy ni Meeana ang sasabihin nya dahil pumasok na si Maam Jill at kaylangang ipag patuloy ang 'pagpapakilala' kanina.
Pag orientation kase. 3 or 5 hours kaming nandito sa school na puro pagpapakilala lang para daw sa simula ng klase, may mga kaibigan na lahat.
"Okay, so let's continue what we have started a while ago.. Jessica? Are you now, ready?" Pagtatanong nito sakin na tila ba nagaalala
"Yes maam.." Sabi ko saka tumayo at pumunta sa harap para magpakilala
"Hello, I'm Aenna Jessica Butch. I'm 15 years old.we can be friends if you want! Di naman ako nangangain *laughs* kidding! And before I forgot, I accept suitors *smile*" Pagpapakilala ko. Oo. Sinadya ko. Hahaha. Maraming nanliligaw sakin pero ngayon lang ako magpapaligaw ulit.
Nagpatuloy ang pagpapakilala at napaka boring na dahil wala nakong nakikitang kaaliw aliw.. Nang biglang mapukaw ng paningin ko ang isang grupo na sabay sabay daw silang magpapakilala. Palagay ko ay nagaral na din sila dito dati dahil pamilyar ang mukha nila sakin. Yung isa moreno na sakto lang ang tangkad at katawan. Yung isa unang makikita mo sakanya is yung dimple nya. May pagka chinito rin ito kung ngumiti. Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko yung mejo, moreno na pang basket ball player ang tangkad at napaka amo ng mukha nya. Tas kung ngumiti, lalo mong makikita ang kagwapuhan nya..
"Hello every one, my name is Jerome Nathaniel Pint. I'm 16 years of age *smile*" Jerome pala pangalan ng mejo maliit na yun..
"Rylee Rome. Dito ko nagaral when I was in grade 1 to 5. Since nag migrate ang family ko sa America, dun din ako nag continue ng pagaaral. And I'm 16 years old *smile*." Ah kaya pala pamilyar, mga naging kaklase ko din pala to dati. Naagaw ulit ang atensyon ko ng magpapakilala na ang lalaking may maamong mukha.
"Mikael Earon Baltazar. Turning 17." Yun na yon? Grabe! Ang mahiyain nya naman ata? Tsk. Pero bat attracted ako sakanya? Haha. Umupo na sila at saka sumunod ang lalaking katabi nila
"My name is Travis Chris Fuentes. 16 years of age and.. Boyfriend nya ko. *turo kay Jemicka* that's all." Pagpapakilala nya na nagdulot ng bulong bulungan.. NBSB kase si Jemicka. Patay ka ngayong lalaki ka. Ayaw nyan ng may umaangkin sakanya..
"Again? WHO ARE YOU!?" Pasigaw na tanong ni Jemicka. Tsk. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nanatiling tahimik ang lahat. Pati si Maam Jill.
"Tss. Are you deaf, miss? I already introduced myself." Sabay ngiti ng mapangasar.
"ALAM KO! Pero! TAMA BANG SABIHIN MONG GF MO KO? The heck! Transferee ka lang, tas biglang ganyan? Kilala mo ba kung sinong binangga mo?" Galit na sya. Mahahalata mo sa mga mukha nyang pulang pula na.
"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Uh? What now?
"Anong nakakatawa!?" Tanong ni Jemicka
"You could have seen your face pfft hahahahaah. You're so funny. Hahaha" Patawa tawang pangiinis ni Travis ba yun?
Napa awang nalang ang bibig ni Jemicka na halata mong inis na sya dito. Kaya nagsalita na si Maam Jill para ipagpatuloy na ang pagpapakilala
"That's enough. Mr. Villafuerte. Come in front" Pagtawag naman ni Maam sa isang lalaking kanina ko pa napagmamasadang tahimik lang at nanonood..
"Thankyou Maam Jill. *smile* before I start introducing myself. I just want to say that, Travis, back off.." Nagulantang naman kaming lahat. 2 misteryosong lalaki, pinagaagawan si Jemicka!?
"Hoy KUYA! Ayusin mo nga pagpapakilala mo! Para kang sira!" Sigaw ni Jemicka. What!? I mean, alam kong may kapatid si Jemicka pero di pa namin sya nakikita. As in kahit sa picture.
"Hahahahaha. 'Oryt baby. I'm Patrick Ethan Villafuerte. Step brother of that silly baby girl-" Naputol na pagsasalita nya
"I'm not a babyyyyyyy!!!!" Iritadong singit ni Jemicka
"*laughs* Ayun nga, kuya nya ko. So.. Whoever want to court her, dadaan muna kayo sakin. Walang pwedeng umapi sakanya. And oh, I'm sixteen years old." Angpoginyashet! Rinig kong bulong ni Meeana. Hindi ganun nagsasalita si Meeana about sa boys unless attracted talaga siya dito.
Lumipas pa ang isang oras bago natapos ang introduce yourself chuchu. Kaya pagtapos non ay pinalabas na kami at maari na daw kaming umuwi. I hope, this school year, will be different. But for now, I wanna go home. This day was so tiring.
(AN: Main characters for the mean chapter. May dadating pa. :) hihi and thankyou sa mga nagbabasa, kung meron. Haha. Specially kay Jgirlcrush10 :) lablab :*)