Anonymous' POV
Noong bata palang ako, masaya ang pamilya ko. We have our own school, magkakasama kaming gawin lahat ng bagay at nabibigay nila ang mga pangangailangan ko. Nasusunod ang mga luho.. Hanggang sa nag Grade 6 ako.
*Flashback*
"ANO BANG SINASABI MONG NA BANKRUPT TAYO!?" Dinig kong sigaw ni Mama
"OO. NA BANKRUPT ANG KOMPANYA NATEN DAHIL SA MGA BUTCH!!!!" Sagot naman ni Papa"Mama? *hik* Papa? *hik* bakit po kayo nagsisigawan?" Humihikbi kong tanong. Ever since bata ako, never kong nakitang nag away si Mama at Papa. Palaging sweet, nagkukulitan at sobrang bait nila..
Nakita kong lulumo lumong umupo si Mama at nilapitan naman ako ni Papa..
"Anak, na bankrupt ang kompanya naten.. Hindi na sa atin ang eskwelahan. Naibenta ko iyon para makapaginvest sana para di lumubog sa utang ang kompanya naten.. Pero, masyadong mapera ang mga Butch at nakuha nila ang hati natin sa kumpanya" Pagpapaliwanag ni Papa na siyang nag dulot ng tuluyan kong pagiyak.
"Ma-mama? *singhot* paano na tayo?" Tanong ko.
"Doon na muna tayo mamalagi sa America para makapagsimula ulit. Bukas na bukas ay aalis na tayo" Sabay alis ni Mama derecho ng kwarto.*End of Flashback*
Simula ng araw na iyon, hindi ko na nakita si Mama at Papa na laging naguusap, hindi na rin sila naging sweet katulad ng dati. Bihira na kaming lumabas ng buo simula ng araw na iyon.
Bumalik kami dito dahil nakapagpundar na kami ng sarili naming negosyo, na syang pinagkukunan na namin ngayon ng panggastos. Nagkaroon na din kami ng maraming branch kaya napalago ito at lumaki. Pero gaya ng sinabi ko, hindi na maibabalik ang dati.
Pagkabalik namin dito, gabing gabi na lagi umuuwi si Papa, si Mama naman palaging ala sa bahay. Hanggang sa.. Nalaman kong isang araw, may ibang babae na pala si Papa. Si Mama naman kaya laging wala dito ay nagpapakalasing kasama ng mga amiga nya dahil siguro sa pangbabae din ni Papa.
Ako? Magisang namumuhay. Tuwing uuwi ako, lagi kong naabutang umiiyak at nagpapakalasing si Mama. Si Papa? Ayun! Tuluyan na kaming iniwan at sumama na sa kabet nya. Pero, tuloy pa rin ang sustento nya samin ni Mama.
Naalala ko pa din noong bata pa ko.. I believe in fairytales, in happy ending, sa love at sa forever. Pero lahat ng iyon ay nawala sa kin simula ng mangyari ang lahat ng iyon.
At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Aenna! Kaya, kaylangan nyang maghirap. Hindi ko hahayaang maging masaya siya!!!!!
Aenna's POV
*tounge bite*
"ARAY!" Maiyak iyak kong sabi.
"Oh sis? Anyare sayo?" Tanong naman ni Meeana
"Ang sakit ng dila ko, nakagat ko eh.." Sabi ko naman.
Kasabay din ng pagkakakagat ko ng dila ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko. Masama yung kutob ko e. Para bang.. Aish! Guni guni mo lang yan Aenna.
"Guuuuys! May isusuot na kayo for the ball the next day?" Biglang pagsuot ni Jemicka
Oonga pala! I almost forgot. Hahahaha. Ball na nga pala sa susunod na araw. Nakakaexcite tuloy dahil si Mikael ang partner ko at masquerade pa ang theme.
"Ako? Wala pa! Pero, may date na koooo!!! KYAAAAH! Hahahaha. Inaya ako ni Ethan!!!!!!!" Kinikilig na sigaw ni Meeana
"Seriously? Si Kuya? Inaya ka? For real? Eh wala pa namang inaaya yun sa pagkakaaalam ko eh?" Sabi naman ni Jemicka.
"You mean?" -Meeana
"Uh-huh" Pagtugon ni Meeana.
"Kyaaaaaaaaah! I can't breath. Hahahaha. Anyway, bye guys. Aayusin ko muna yung cocktail dress ko. Hahahaha. Kaylangan dyosa ko dun. Si Papa Ethan yuuuuun!" Kulang nalang maging puso ang mata ni Meeana.
May date na si Meeana at Ako. Si Jemicka kaya?
"Sissy, may date ka na ba? Para sa ball?" Tanong ko.
"Huh? Eh kase, si Travis inaaya ako eh may transferee student sa kabilang section.. Si.. Si.. A- A- ADRIEN! Ayun! Eh diko alam kung sino pipiliin ko." Sabi nga
"Haba ng buhok sissy ah? Hahaha. Nako! Ingat ka! Baka makasakit hahaha! Piliin mo yung gusto mo. :)" Sagot ko naman.
Sana maging maayos na nga ang lahat.. :)
Anthony's POV
Malapit na ang ball. Pero, wala akong kadate at wala kong gustong makadate kundi si Aenna lang. Pero lintek, naunahan ako ng Mikael na yon!
Kaylangang maging ako! Hindi pwedeng si Mikael! Bakit kase hindi nalang ako, ulit? Bakot ba ayaw nya kong bigyan ng Second chance!? Bakit ba kase ganyang kayong mga babae, magkamali lang kami ng isang beses, uulitulitin at di nyo na makakalimutan ang worst pa, pinapamukha nyo pa samen (AN: Aba! Gumawagawa kayo ng kalokohan samin nyo isisisi?) Intindihin nyo din naman kami.
Tapos pag nabroken kayo sisisihin nyo lahat ng lalake, kesyo manloloko, kesyo gago, kesto ganito kesyo ganiyan. Langya! Sino bang nagsabing shotain nyo lahat ng lalake? Hay nako! Minsan di namin kayo maintindihan eh..
Pero sana, sa kabila ng lahat, intindihin nyo kami kase sa oras na may tumanggao sa isang lalakeng katulad ko, pagiging prinsesa lamang ang mararanasan mo habang magkapiling tayong dalawa. Hahahaha (AN: SALITAANG BABAERO)
Pwera biro.. Sana maging okay na kami ni Aenna! At sana, ako na ang piliin nya.
(AN: End na muna. Hahaha. Currently typing the next chapter. Will update before Feb. 14 :D loveyoumuch!)