Chapter 23

971 41 4
                                    

Third Person's POV

Ikaapat na araw...

Naalimpungatan nagising ang babae at napansin na wala na siya sa pasilyo kundi nasa isang itim na kwarto. Bumanggon siya at inilibot ang kanyang mata, agad naman siya nakaramdam ng kaba pero napatalon siya sa gulat nang bumukas ang pinto ay nakita niya ang kanyang diyos.

"Aking Diyos, bakit ako nandito?" Tanong ng babae. Tatayo sana siya nang makaramdam ng pananakit ng katawan at napahiga muli.

"A-Aray! Anong nangyari saken?!"

"Pinarusahan ka ng kapwa ko Diyos kaya kita dinala sa aking lugar."

"K-Kapwang Diyos? Sino?"

"Ang Hari ng mga Diyos, si Zeus." Natakot ng kunti ang babae nang kinuyom ng lalake ang kanyang kamao at nagtagis ang kanyang bagang sa galit. "Bakit niya ito ginawa saken?" Tanong niya habang nakatitig lang sa itim na kisame.

"Dahil binigyan mo ng gintong bulaklak ng Valescus ang pamangkin ni Zeus. Sinunod mo ng mabuti ang aking utos." Ngising sabi ng lalake.

"A-Ang sakit ng katawan ko!" Napahiyaw sa sakit ang babae nang pinilit niyang gumalaw. Lumapit ang lalake sa babae at tinapat ang kamay niya sa kanyang tiyan, umilaw ang kamay nito at lumabas ang itim na usok at pumasok sa katawan ng babae. Napahinga ng maluwag ang babae nang unti unting naghihilom ang sakit.

"Ginawa ko lang ito dahil may mission kapa at kapag hindi mo pa ito magawa ng maayos, ako ang papaslang sayo." Banta ng lalake sa babae at lumabas sa kwarto ng babae. Dahil sa takot ay napalunok ang babae at kinuyom ang kanyang kamao.

Nang marating ng lalake ang terasa ay ngumisi siya habang tinatanaw ang kaharian sa malayo. Nilisan niya ito at lumakad papunta sa basement para gawin ang kanyang ritwal. Ritwal na pagbubuhay ng mga itim na alipin.

Mabilis na tumakbo si Selene sa silid ng deliberasyon. Pagpasok niya ay lumuwag ang hininga niya nang makita ang lahat ng diyos at diyosa na nandoon. "Selene, mukhang nagmamadali ka. May nangyari ba?" Tanong ni Ares at agad na tumango si Selene at lumakad malapit sa kanila. "Nakakita ang aking seer ng isang precognition." Nang dahil sa sinabi niya ay nangunot ang noo nilang lahat.

"Anong precognition?" Tanong ni Aphrodite.

"THE LIGHT WILL SIDE THE DARK, THE DARK WILL USE THE LIGHT AND THE FOUR STONES TO WRECK HAVOC...BLOOD WILL SCATTER AND EVERYONE WILL SUFFER... A GODDESS WILL SAVE THE LIGHT AND A DRAGON WILL WAKE UP FROM ITS SLEEP.."

Nanlaki ang mata nilang lahat. "Nasa panganib si Ruby at ang apat na bato." Sabi ni Rylus. "Kung ganon dapat may poprotekta sa kanya at ng balanse ng Sylvis!" Sabi ni Poseidon at tumango silang lahat. "Selene, sasama ako." Biglang salita ni Zeus at tumayo sa kanyang trono.

"Saan?"

"Sa pagpunta mo sa akademya."

Lumitaw sa harapan ni Acantha si Selene at Zeus na puno ng pag aalala ang mukha. "Selene at Zeus? bakit ka nandito?!" Tanong ni Acantha, halatang nagulat sa presensya ni Zeus at naging pula ang mata niya. Mas lumakas na siya. Sabi ni Zeus sa kanyang isipan habang napatitig sa pula niyang mata. Si Selene naman ay nakatitig lang sa mata ni Acantha, pilit nitong hindi ipakita na nalulungkot siya.

"Acantha makinig ka samin, nanganganib ang mga bato kaya bantayan mo ito ng mabuti."

"Anong mangyayari?"

"May traydor dito sa akademya."

"Oh sige, lalagyan ko ng barrier ang silid na yun."

"Salamat Acantha. At nga pala kailangan kong makausap ang mahal na prinsipe Acantha." Sabi ni Selenw at tumango si Acantha.

Fire Heart 2: The Resurrection (Under Editing)Where stories live. Discover now