KABANATA 2
"UMALIS kayo rito!", mas lalong humigpit ang yakap ni Ianna sa kaniyang sangol na kapatid na si Woni habang akap akop naman sila ng kanilang ina. Pinagbabato ang kanilang maliit na tirahan na gawa lamang sa pinagsama samang yero at mga pira pirasong plywood.
"Ma, umalis na tayo..." iyak niya. Maging ang kaniyang kapatid ay umiiyak na rin.
"LUMABAS KAYO DIYAN MGA SALOT!"
Nakarinig pa sila ng malalakas na pag kalampag sa kanilang pintuan na gawa sa yero. Mga kapitbahay nila iyon na gusto silang paalisin sa lugar. Kaunti nalang ay magigiba na ang kanilang munting bahay.
Kakamatay lang ng kanilang ama. Noong ipinanganak si Woni ay siya namang pag atake ng sakit ng kanilang ama. Namatay ito sa sakit nitong highblood at ibat ibang komplikasyon dala ng marami itong bisyo.
British ang ama nila, ngunit walang kapera-pera. Akala kasi nang nanay niya noon, porke foreigner, mayaman na. Nagtatrabaho noon ang ina sa isang bar at isa itong GRO. Doon nga nito nakilala ang tatay niya na akala ng nanay ay mayaman. Yun pala ay isa itong construction worker na nag hihirap din dito sa pilipinas. Sugarol at lasingero ang ama, nambubugbog pa sa tuwing walang makain at alang maipambili ng bisyo nito. Kaya heto walang nangyari sa buhay nila.
Kaya naman tatatlo nalamang silang pamilya at ayos na iyon. Kahit papano nabawasan ang gastos nila sa bisyo ng ama.
"MGA HAYOP KAYO! LUMABAS KAYO RIYAN!"
Halos masasakit na na salita ang mga naririnig niya sa mga kapitbahay. Sigawan at puro kalampagan sa kanilang pinto at sa pader nilang mga yero. May iba pa ngang sinusubukan ng kalasin ang mga ito dahil mabilis lang namang masira.
"Ianna, tara na! Kunin mo ang mga gamit mo. Dun tayo sa likod dumaan." Natataranta siyang inipon lahat ng gamit nila. Kakaunti lang naman iyon kaya wala silang masyadong hahakutin. Tanging mga kailangan lamang nila.
"PAPATAYIN KO KAYONG MGA SALOT KAYO!"
"MGA HAYOP!"
"ANAK KAYO NG DEMONYO! MGA PUTA!"
"HAYAAN NIYONG MAKAPASOK KAMI DIYAN NANG MAPATAY KO NA KAYO!"
Tuloy tuloy parin ang sigawan. Panay rin ang iyak ng kapatid niya kasabay ng kaniyang pag iyak rin. Natatakot siya sa maaring gawin ng kanilang mga kapitbahay.
Ang likuran ng bahay nila ay tambakan ng basura sa buong lungsod. Pinapaalis na nga sila doon ng mga otoridad ngunit nagmamatigas lamang sila. Kaya naman walang nang ahas na doon sa likod mag iingay ay dahil mahirap dumaan doon dahil bukod sa madumi ay napakabaho pa.
Nang mahakot na nila ang kanilang mga gamit ay agad nilang binuksan ang pintuan sa likod. Pagkabukas na pagkabukas nila ng pinto ay gayon nalamang ang panlalaki ng kanilang mga mata.
"Saan kayo pupunta?" Ngisi ng taong nasa arapan nila.
"IANNA? Ayos kalang anak?" Nabalik siya sa kasalukuyan ng kausapin siya ng kaniyang ina. Nakatulala na pala siya. Naalala nanaman niya ang nangyari sakanila sa dati nilang tirahan. Hindi na siguro iyon mawawala sa kaniyang isip, nakatatak na ang pangyayaring iyon.
"O-opo ma." Sagot niya sa kaniyang ina, na naglilinis ng kaniyang mga kalat. Kakatapos lamang kasi nilang gawin ang pag vi-video.
"Oh mag ayos kana. Pumunta ka sa bayan at i-upload mo na itong video." Utos ng kaniyang ina. Bakit ba kailangan niyang gawin ang bagay na iyon? Bakit ba siya pinanganak na mahirap lang? Bakit?
BINABASA MO ANG
GRADUATION DAY|COMPLETED
Детектив / ТриллерKapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman. Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala? "HA...