KABANATA 4
HABANG naglalakad si Ianna, kasama sina Elai at Lynna marami silang kinukwento about sa school. Silang dalawa nalang ang kasama niya dahil nagpaalam kanina lang si Eana.
"Saan kayo mag aaral after niyo maka graduate dito?” Tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang mga ito saka ngumiti. Hindi niya alam kung totoo o peke ang mga ngiting iyon pero hinayaan nalamang niya.
"Siguro, dito parin." Si Lynna ang sumagot.
"So gusto mo ba ng mga kwentong nakakatakot about dito sa school, Ianna?" Excited na turan ni Elai. Iyon ang gusto niya ang makarinig ng mga kwentong katakot takot.
"Yah, mahaba pa naman ang oras." Dagdag ni Lynna. Kaya tumango nalamang siya. Since elementary raw kasi ay doon na talaga sila nag-aral. Kaya halos bawat parte ng school alam nila.
"Alam mo ba Ianna, na every Graduation Day sa school na ito ay may mga namamatay?" Umpisa ni Elai.
Nagsisitayuan na ang kaniyang mga balahibo sa sinabi nito. Dahil pagkasabi rin kasi ni Elai iyon ay siya namang pag hampas ng malamig na hangin sakanila. Pero hindi niya pinahalata yon.
"Bakit?"
"Sabi nila, sinumpa raw itong school. May iba naman na sinasabing may killer sa school na ito. Pagala-gala at hindi mahuli-huli. Hindi lang isa ang namamatay every year Ianna. Nakikita mo yang mga puno ng balete na mga yan? Yang mga puno ng akasya." Turo ni Elai sa mga puno sa paligid nila. "Marami ng natagpuang patay sa bawat puno na yan, Ianna. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi nila pinapaputol ang puno dahil baka magalit ang mga espirito na namatay sa mga iyan."
"Every Graduation Day, hindi masaya. Dahil laging may namamata—"
"Eh bakit dito parin kayo nag aaral? Bakit hindi kayo natatakot? At bakit marami paring nag eenroll dito? Atsaka bakit walang lumalabas na balita tungkol sa mga namatay?"
"Hindi kami takot, Ianna, dahil every graduation lang naman nang yayari iyon. At ang mga namamatay ay mga graduating students" Saad ni Lynna. "And if ever Graduation Day na natin, hindi kami a-attend para ligtas kami, right Elai?" Tumango naman si Elai sa sinabi nito.
"Actually, marami nang umalis na mga teachers and students dito, Ianna. Kung dati marami ang tumatambay dito sa mga puno, ngayon wala na. Kaya nga halos wala na tayong makitang tao, hindi ba? Iilan nalang ang nag aaral dito Ianna, kumpara noon. "Paliwanag ni Elai. "Si Teacher Zeffy ang isa sa mga matagal na dito. Ianna pagdating ng araw ng Graduation, huwag kang magugulat kapag may nakita kang nakabigti sa bawat puno na yan."
Nag simula na siyang tablan ng takot. Para bang na iimagine niya ang mga taong nakasabit sa nga puno na duguan at naka dilat ang mga mata.
"Pero paano? Sino ang pumapatay? Bakit walang mga CCTV?"
"Ianna, alam mo ba kung bakit hindi nababalita ito sa labas? Dahil pinagtatakpan ito ng mga may ari sa school. And we have a suspect..." napahinto si Elai at tumingin sa mga mata niya. "Every Graduation Day sa school na ito, lagi raw nandito ang taong yun, somebody says nakita rin daw nila itong umuwi na may mga dugo sa katawan—"
"Who?" Putol niya.
"Ang isa sa mga apo ng may ari ng school na ito ang pumapatay Ianna at kaklase natin siya, kaya mag iingat ka sa mga galaw m—"
"What are you guys doin' here? Mag ka-cutting classes ba kayo?" Halos mapalundag sila sa gulat ng may magsalita sa kanilang likuran.
"LEXI!" sabay na sigaw ng dalawa. Siya naman ay nabitin sa kung sino ba ang taong tinutukoy nila. Nakakatakot naman pala dito sa school na ito!
BINABASA MO ANG
GRADUATION DAY|COMPLETED
Tajemnica / ThrillerKapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman. Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala? "HA...