KABANATA 10
BALI-balita parin sa lugar nina Ianna ang tungkol sa malaswang video niya. Kahit matagal na itong nangyari ay ngayon lang ito naikalat ng husto sakanila. Paano ba naman ay hindi gA anong ma-social media ang mga kapitbhay nila kaya naman nahuhuli ang mga ito sa balita. Hindi gadget ang gamit ng mga ito sa pagkakalat ng balita, kundi bibig.
“Mga chismosang iyan! Huwag mo nalang silang pansinin, anak, ako na ang bahala sa mga yan!” Naiinis at galit na turan ng ina ni Ianna habang nag-lalaba ito ng kanilang mga damit.
“Ma, ‘wag niyo nalang pong pansinin.”
“Hindi! Masyado na silang madaldal, ano bang gusto nilang gawin ko sa mga dila nila? Putulin at ipakain sa mga hayop?” galit na talaga ang ina nya. “Sarap nilang patayin, eh!”
“Ma, huwag po kayong magsasalita ng ganiyan. “ Baka kasi ay may makarinig sa sinasabi ng ina at magkaroon nanaman ng mga tsismis. Laganap pa naman sa lugar nila ang mga natatagpuang patay.
Simula kasi nung lumipat sila sa lugar na iyon ay parating may nawawala at namamatay. Natatakot siya na isang araw ituro sila ng mga kapitbahay at mapalayas nanaman kagaya ng nangyari noon.
***
“HINDI nanaman umuwi ang papa mo kagabi, Shatile!” padabog ang bawat paggalaw ng nanay niya, habang naghuhugas ito ng mga plato.
Ilang gabi narin kasing hindi umuuwi ang ama. Wala naman ito sa sabungan sa tuwing hinahanap niya ito doon. Malakas talaga ang kutob nila may babae ang ama niya. Parati narin kasing nag aaway ang magulang niya na dati naman ay hindi, at hindi niya iyon nagugustuhan.
Noong mga nakaraang buwan ay madalang na talagang umuuwi ang ama, uuwi lang ito kapag gutom o di kaya’y wala ng pera.
“Naku, kapag nalaman ko talaga kung sino ang babae ng ama mo! Mapapatay ko talaga!” galit pang turan ng ina. Minsan kasi ay nahuli ng nanay niya na may underwear ng babae na nakalagay sa bulsa ng pantalon nito.
Maging siya ay nakakaramdam ng galit sa ama niya pati narin sa kabit nito. Hindi pa man niya kilala ang kabit pero oras na makilala niya ito ay sinisiguro rin niyang magbabayad ito. Abala narin ang nanay niya sa pag lilibot sa lugar nila at inaalam talaga kung sino ang babaeng kinakabaliwan ng ama.
***
“LOOK guys, nandito nanaman ang malanding si Ianna!” pag yapak palang ni Ianna papasok sa gate ay may grupo nanaman ng babaeng humarang sa kaniya. Parati na itong nangyayari. Hanggang ngayon ay hindi parin talaga siya tinatantanan ng mga taong judgemental.“Ano may naka sex ka na naman ba?” kay dali talaga nilang mag sabi ng mga salitang walang katotohanan. Kung alam lamang ng mga ito ang totoo. Kahit naman magpaliwag siya, wala rin naman mangyayari. Walang maniniwala sakanya.
“YUCK! ‘Di kana nahiya girl!”
“AKALA MO KUNG SINONG MAHINHIN YUN PALA NASA LOOB ANG LIBOG!”
“Kaya nga e. Kakadiri! Sayang idol pa naman kita dati pero ngayon….iwwww yuck!”
“Malandi ka!”
“NAPAKALIBOG MO GIRL!”
“Mukbang pa ng t*ti! Gaga!”
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon apektado parin siya. Itinulak niya ang mga babaeng humarang sakaniya at nagtatakbo siya patungo kung saan walang tao. Heto nanaman ang mga luha niya. Bakit ba ang bilis manghusga ng mga tao sa paligid? Inalam ba nila kung tama ang mga bali-balitang kanilang naririnig o umaayon na lamang sila kung ano ang opinion ng iba?
BINABASA MO ANG
GRADUATION DAY|COMPLETED
Mystery / ThrillerKapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman. Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala? "HA...