KABANATA 7
“NAMATAY na pala ang asawa ng chismosang si Puring.” Wika ng tatay ni Shatile. Nasa hapagkainan sila at kasalukuyang kumakain ng hapunan.
“Ah. Oo, last week pa yon patay, Protasio, kanina lang nahanap.” Sagot ng ina. Hindi siya umiimik.
Gusto niyang magtanong, kung papano nalaman ng nanay niya na last week pa itong patay ganong ang usapan sa labas ay sinasabing nung isang araw lang namatay. Kunsabagay ay sabi-sabi lang iyon ng mga chismosa, hindi na nga pina imbestigahan pa ang bangkay e.
Kapag usapan ng magulang niya ay hindi talaga siya nakikisawsaw, tahimik lang siya at nakikinig. Saka lang siya mag-sasalita kapag may tinatanong sakaniya ang mga ito.
“Hayon, nakita ko nga si Puring, umiiyak at naglulupasay kanina sa daan e,”
“Dapat lang ‘yon sakaniya, Protasyo. Para manahimik." Seryosong saad ng ina.
“Pero hindi mo naman kailangan gawin yun, Emalyn.” Giit ng ama. Alam niya ang ibig sabihin nito.
“Alam mo bang nilalait-lait niya itong anak natin? “ Turo ng ina sakaniya kaya naman napayuko siya. Hindi na sumagot ang ama. Nagkaroon ng mahabaang katahimikan. “Ano, may padala na ba muli iyong tatay mong mayaman?”
Dito sila magaling. Hindi marunong tumayo sa sariling mga paa, laging umaasa sa iba. Sabungero at walang trabaho ang ama, samantalang ang ina ay wala ding pinagkaka abalahan sa buhay kung hindi ang magluto ng kinakain nila at ipagtanggol ito sa mga nanlalait sakaniya. Kahit walang trabaho ang magulang ay hindi sila nawawalan mg pera, gawa nang mayroon siyang lolo na mayaman.
“Eh, wala pa nga e, mukhang kailangan ko na namang takutin ang matandang iyon.” Seryosong saad ng ama. Anak lang ng lolo niya sa labas ang ama at walang nakakaalam sa legal na pamilya ng lolo niya na nagkaroon pa ito ng anak. Kabit lang ng lolo niya ang nanay ng kaniyang ama.
Bonifacio Laurito Uy Teologo daw ang pangalan ng lolo niya, sabi ng ama niyo. Ayon dito kilalang tao raw ito sa kanilang probinsya. Hindi niya alam kung totoo ang pinagsasabi ng ama pero wala na siyang pakealam doon. Ang mahalaga lang naman ay may pang paaral siya galing dito.
Kapag hindi nagpapadala ang lolo niya ay tinatakot ito ng kaniyang ama. Sinasabi ng ama na guguluhin daw nito ang legal na pamilya ng lolo at dudungisan ang pangalan. Kaya naman ang lolo niya ay nagpapadala nalang para iwas sa gulo.
***
PAGPASOK ni Shatile sa classroom ay nasira agad ang araw niya, nakita kasi niya sina Kit at Ianna na matamis na nag-ngingitian. Halos isang buwan na rin pala ang mga itong magkasintahan. Laging magkasama ang mga ito. Laging sabay pumasok, sabay umuuwi at pati lunch at break time ay magkasama ang mga ito.
Gaya ng nakagawian ay nagmadali siyang maglakad patungo sa upuan nito. Wala pa naman ang teacher kaya inilabas niya ang libro para mag advance reading. Gustong gusto niyang maging valedictorian.
Nagpasalamat siya at busy si Elai sa pakiki paglandian sa nobyo nito. Napairap nalamang siya nang palihim ng…
“Shatile, gusto mo sabay na tayong umuwi nila Kit mamaya? Dala kasi nito ang auto niya, magkapit bahay lang naman tayo—”
“May lakad pa kasi ako Ianna.” Iyon na siguro ang pinakamahabang salita na sinabi niya dito. Nakita naman niya ang pagkadismaya sa mukha ng dalaga rinig pa niya ang pagbuntong hininga nito.
Minsan nga ay naiinis siya sa sarili at na gi-guilty na rin. Wala naman kasing ginagawang masama si Ianna sakaniya, pero ganon nalang ang pagkainis niya dito.
BINABASA MO ANG
GRADUATION DAY|COMPLETED
Mystery / ThrillerKapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman. Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala? "HA...