KABANATA 6
“ANAK, na i-upload mo na ba iyong video?”
“Opo ma. Mag-antay nalang ho tayo sa makukuha natin. Sa ngayon ma, ikaw muna ang bahala sa gatas ni Woni,” Sagot niya. Tumango naman ang ina. “Hayaan niyo nay, makakabawi naman tayo dito sa next video ko.”
“Sige anak. Mag-iingat ka sa pag-pasok.” Hindi niya talaga kayang bitawan ang pagyu-youtube, tinitiis niya nalamang ang maruruming kinakain niya alang alang sa mga gastusin.
Konti nalang naman at makakapag tapos na siya. Naisip niya rin na mamasukan munang katulong kapag naka graduate siya para makapag ipon muna sa pag kokolehiyo. O di naman kaya’y, pipilitin niyang maging valedictorian para maraming posibilidad na makakakuha siya ng scholarship. Kaya lang ay mukhang mahirap talunin si Shatile, ito kasi ang candidate para sa naturang puwesto.
Walking distance lamang ang school mula sa kanila kaya sulit rin ang pag lipat nila doon. Hindi na niya kailangan pang mamasahe lalo na at gipit siya. Habang nag-lalakad ay nakita niya si Shatile na kakalabas lang sa isang 2-storey na bahay malapit sa bahay nila. Halos magkapitbahay lang pala sila. Ngayon niya lamang nalaman.
“Shatile!” Napalingon naman ito kaya nginitian pa niya pero tila hindi siya nito nakita. Tumalikod lamang ito at binilisan ang lakad. Hahabulin niya sana ito ngunit naisip niya na baka mag amoy pawis siya pag pasok.
Bakit ba nahihirapan siyang kausapin ito? Hindi niya namalayan na nasa harap na siya ng gate sap ag iisip kung bakit parang iniiwasan siya ni Shatile.
“GREEN HILLS ACADEMY” Basa niya sa nakasulat sa itaas ng gate. Luma na rin ang pintura ng mga letra nito at yung iba nga ay kinakalawang na. Bakit kaya hindi nila ito inaayos? Naalala niya uli ang kinukwento nina Elai at Lynna, totoo kaya iyon? O mga gawa gawa lamang?
“Gawa pa noong 1940’s ang paaralang ito.” Napalingon naman siya sa nagsalita.
“Naku po! Ginulat mo naman po ako manong guard.” Saad niya sa gwardiyang naka duty doon sa gate nila. Mukhang nasa late 70s na si manong guard. Sa kabila ng edad nito ay mukha pa naman itong malakas.
“ACADEMIA DE LAS COLINAS VERDES ang dating pangalan ng paaralan, hija. Isang British noon ang may ari ng paaralan na ito, ngunit mga hapon ang mga taong gumawa ng mga buildings at facilities dito. Marami nang napagdaanan ang paaralan. Maraming tinatago, maraming sikreto.” Kinilabutan siya sa sinabi ng gwardya. “Alam mo ba kung bakit hindi pinapaayos lahat ng sira dito?”
“B-bakit po?”
“Sa dami ng namatay dito, ganoon din karami ang mga espiritong naninirahan dito. Bawat parte at sulok na ito may nakatira. “Napalunok siya sa narinig. “Natatakot ang mga teachers dito na baka magambala nila ang mga espirito at mawala ang swerte.”
“S-swerte? Hindi po ba ay maraming namamatay dito? P-paanong naging swerte ang ganon?”
“Simula kasi nang bilhin ng pamilya Teologo ang paaralan na ito, para bang nadagdagan ang mga matatalinong nakakapagtapos dito. Kaya naman kinikilala ang paaralan na ito sa ibang lugar. Ang hindi lang alam ng mga taga ibang lugar ay maraming namamatay dito tuwing graduation day. Kaya hija, mag-iingat k—”
“IANNA! Halika na, malelate na tayo.” Halos mapasigaw siya ng tapikin siya ni Marco. “Sinong kausap mo?”
“Ah.E s-si manong guard.” Sagot niya sabay lingon at turo sa kinaroroonan ng gwardya ngunit kumabog ang dibdib niya ng makitang wala ito. Tiningnan niya pa sa loob ng guard house pero wala.
“Sinong guard? Walang guard ang school na ito Ianna.” Natatawa nitong saad.
“Ibig sabihin ay kahit na sino pwedeng makapasok rito?” Tumango lamang ang binata saka ito naunang maglakad. Sumunod nalamang siya kahit na gulong gulo pa siya. Eh sino yung kausap niya kanina? Eh kung ganong walang nagbabantay, nakakatakot pala talaga ang school na ito.
BINABASA MO ANG
GRADUATION DAY|COMPLETED
Gizem / GerilimKapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong maghahatid sakanila ng kadiliman. Paano kung ang mga tinuturing mong kaibigan ay mga demoniyo pala? "HA...