KABANATA 15

211 15 1
                                    

KABANATA 15






FLASHBACK
(Kabanata 11: From the day na nagsabihan ng sikreto si Ianna at Shatile)

“ANO ba kasing problema, Shatile?”

“Makakapagtago ka ba ng sikreto, Ianna? Okay, mag-promise ka na huwag na huwag mo itong sasabihin kahit kanino itong sasabihin ko…”

“Promise, Shatile.” Itinaas pa nito ang kanang kamay.

Ramdam naman ni Shatile ang sinseridad ni Ianna, ngunit ang totoo niyan ay kinaibigan lang naman niya ito dahil gusto niyang malaman ang mga sikreto nito at kung papano ba maging isang Ianna. Kung papano maging maganda.

“Si mama kasi, ex-convict…Ten years old palamang ako noon, Ianna. May sira kasi sa utak ang nanay ko noon at hindi sadyang nakapatay ito ng tao…”Totoo rin ang mga ikwinento niya kay Ianna, nagbabakasakali kasi siya na kapag nagsabi siya ng malalim na sikreto ay magsasabi rin ang dalaga.

“So, murder ang kaso ng mama mo?” kitang kita niya rin sa mga mata nito ang takot.

“Makukulong na dapat noon panghabang buhay si mama, dahil hindi lang isa ang pinatay niya, Ianna. Marami! Sa manila iyon noon, mabuti nalang at may lolo akong may kaya sa buhay, humingi si papa ng pera sa lolo ko para may pambayad sa mga namatayang pamilya. Binigyan naman si papa ng pera kaya may naibayad ito sa mga naulilang pamilya ng dahil kay mam, naurong ang kaso, kaya umuwi kami dito sa probinsya Ianna. Walong taon na rin ang lumipas simula noon.”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak, Shatile? Nalulungkot ka ba sa nakaraan ng mama mo?”

“Hindi iyon ang dahilan, Ianna, tanggap ko na ang mama. Ang iniiyakan ko lang ay ang pag-aaway ng magulang ko, dahil sa kabit ni papa. Gusto ko lang talaga malaman Ianna kung sino ang kabit na iyon. Gusto kong makausap para sana tigilan na niya si papa.”

“Oh Ianna, bat ka natulala?”

“A-ano k-kasi Shatile. Ano—“

“May sasabihin ka ba?”

“Alam mo kasi Shatile, hindi lang naman ang mama mo ang may madilim na nakaraan eh, ang mama ko rin.”

“Anong ibig mong sabihin, Ianna?”

“Pokpok ang mama ko sa isang club noon, Shatile. Mahirap ang pamilya ng mama ko kaya doon siya sa pagbebenta ng katawan nakakakuha ng malaking halaga.”

“Noon lang naman yun ‘diba?” Nagkaroon na siya ng kutob. Hindi kaya ang nanay nito ang kabit ng ama niya?

“Ang totoo niyan Shatile, h-hanggang ngayon nag-popokpok parin ang m-mama. Sana Shatile, h-huwag kang magagalit, pero kilala ko ang kabit ng papa mo…”

“S-sino?”

“Ang mama ko ang kabit ng papa mo, Shatile. Sorry…”

“A-ano?”

Parang gusto niyang sabunutan si Ianna ng mga oras na iyon ngunit nagpigil siya, hindi ngayon ang tamang panahon para makaganti, isa pa kapag ito ang nauna ay malamang na magagalit na naman si Teacher Zeffy at baka si Ianna naman ang gawin nitong valedictorian, hindi siya papayag doon.

“Lagi ko silang nakikita sa bahay Shatile at pangako ko saiyo, pagsasabihan ko ang mama ko. Sorry Shatile, sana magkaibigan parin tayo.” Nag ngingitngit na siya sa galit, kaya lahat ng pagtitiis ay ginawa niya huwag lang mahalata ni Ianna na galit siya. Pinilit niyang ngumiti.

GRADUATION DAY|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon