Intro

420 62 51
                                    

A/N:

Plano ko sanang ipahuli ito sa Varine Series kaso wala pa akong maisip para sa tatlo niya pang kapatid at medyo excited ako sa story ni Nicole.

Sana magustuhan niyo at supurtahan.

The second story of Varine Series which never been trusted men. Hope you like it!

***

"Hon, please huminahon ka"rinig kong pagmamakaawa ni Mama kay Papa na ngayon ay galit na galit ng mabasa ang isang piraso ng papel sa kanyang harapan.

Nasa likod ko ngayon si Kuya habang nakikinig sa kanila. Wala dito ang dalawa naming kapatid at kung sakali man na narito sila. Hindi iyon makakatulong para maayos ang gulo.

"This is a total shit, Fe. Who is the father of this? Sinong gago ang tatay niyan"sigaw ni Papa na mas ikinakabog ng dibdib ko. Hindi ko nakitang magalit ng ganito si Papa.

Lumuhod si Mama sa harap niya at pilit na pinapakalma si Papa pero itinulak niya lang ito at hinawakan sa braso na may panlilisik sa mata. Napatayo ako ng marinig ko si Mama na sumigaw dahil sa sakit. Sinubukan ni Kuya na pigilan ako sa pagbaba ng hagdan pero hindi ko na iyon hinayaan.

"Umamin ka, Fe. Please! Umamin ka. Sinong gago ang bumuntis sayo? Dahil papatayin ko siya, papatayin ko ang batang yan sa tyan mo"

"Magpapaliwanag ako, Hon. Please huminahon ka, nandito ang dalawang bata"muli niyang pagmamakaawa pero hindi iyon pinansin ni Papa at akmang sasampalin niya na dapat si Mama buti nalang at naiharang ko ang sarili ko sa kanya.

"Pa! Ginahasa siya. Narape po siya kaya wag mo siyang saktan" Mangiyak ngiyak kong hinarap si Papa. "Pa! Stop. Don't hurt her. Ako nalang. This is all my fault. Natakot ako sa pagbabanta ng lalaking yun. Natakot akong baka balikan niya si Mama. Natakot akong baka mapahamak ka dahil sa nalaman ko. Pa, sorry"namamaos kong sabi sa kanya.

"You know? Alam mo at hinayaan mong tumagal? Pinalaki kitang matalino, Avril! Pinalaki kitang matapang at sasabihin mo sa aking natakot ka? Alam mo ang tama sa mali. Bakit ka pinangunahan ng takot" He hold my shoulder and shake my head. He's crying infront of me, while Mama is telling that it's not my fault. "Sino? Sinong demonyo iyon? Sabihin mo sa akin"

***

"Nicole, don't be mad to your Papa. He's just worried"sabi ni Mama

Nandito kami ngayon sa Guidance Office dahil may sinapak akong kaklaseng lalaki. "Sa bastos siya e"asik ko habang nakatingin sa lalaking ito na nambastos sa akin sa hallway. Ikaw ba naman pagnasaan ng senior year edi nakatikim.

Matapos iyon iyon ay agad kaming umuwi ng bahay, pero hindi ako nakaiwas kay Papa na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

"Who told you to act like that, Avril?"sita sa akin ni Papa habang nakaupo sa paborito niyang single sofa.

I just rolled my eye's on him. He told me not to act like a kid anymore and be mature, so I did. But when I did, he will act like this, like that, like he didn't told me not to fight back. "Lagi namang mali ang inaasta ko e'. Kailan ba ako naging tama"

"Wag mo akong sinasagot ng ganyan, Avril"baritono niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako kay Mama habang buhat buhat ang bunga ng panggagahasa sa kanya. Tanggap na iyon ni Papa dahil wala rin naman siyang magagawa pero sa tuwing naalala ni Papa yung pagkakamali ko na hindi ko sinabi sa kanya. Ako lagi ang pinag-iinitan niya. Kung hindi daw dahil sa akin dapat nahulu na ang gagong yun. Kung hindi dahil sa akin dapat nakakulong na yun ngayon.

Sinubukan kong pigilan ang luha sa aking mata habang nakikipagtitigan sa bunso ni Mama. "Sorry, Pa" ayun nalang ang sinabi ko kay Papa dahil ayoko ng pahabain iyon.

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now