NICOLE can't find any answer right now because she's bit curious and bit scared. Sinong hindi? Ang ama lang naman ni Rein ang nagpaparamdam sa kanya ng ganun.
Dapat wala siyang ikatakot pero may parte talaga sa kanya na hindi niya maintindihan kaya iniisip nito ay baka natatakot siya sa isang nirerespetong tao. Kahit matanda na ito ay perpekto pa rin ang katawan niya. He have muscle, nice jaw and also face. Maiisip mo talagang nasa 30 palang siya kahit na nasa 50 na talaga yung edad niya.
Sobrang ganda siguro ng genes nila. Isip niya.
"Uhm, bakit niyo po pala ako hinahanap? Akala ko po next week pa po kayo uuwi?"pag-uumpisa niya upang mawala ang kaba na nadarama habang kaharap ito.
"I saw what happened with that man. Tell me who you really are, Maria. I'm getting curious with your personality. Masyado kang matapang at marami kang nalalaman sa pakikipaglaban. Sino ka ba talaga?"diretso nitong tanong sa kanya.
Halos mapasikdo naman siya sa gulat ng tanong nito ang nangyari kanina. Masyado na ba siyang halata?
"I don't know what your saying, Sir Drick. Kung sinasabi niyo ay ang nangyari kanina, wag niyo pong ibasi doon ang katauhan ko. I just save my fr- neighbor."
Gumalaw naman ang kanyang panga ang panga ng kausap niya. Ano ba kailangan niya? May nalalaman na ba siya sa totoong pagkatao niya? She should ask her partner, after this.
"Kamusta na ang anak ko? Wala naman siyang inaway na kaklase diba?"tanong nito.
She smirked as the thought popped out of nowhere. Nang nakaraan kasi may nakaaway ito sa bar na pinuntahan nila at hindi niya naman pinigilan kasi ayaw nitong pinakapakailaman siya, so she just followed his order. Matapos niyon ay nakipagbasag ulo na naman ang binata sa kaklase nito. "Wala naman"
"Matanong kita. Kaano ano mo ang mayamang anak ng mga Varine? Nakita kita kani-kanina lang sa coffee shop. Nagdalawang isip pa ako pero tindig mo palang ay ikaw na, so why your with her?"
Bakit niya alam yun? "Sir, I don't really know what your saying"
"Every roses have it's thorn. Naniniwala ka bang sa kasabihan na yun? Miss. Maria Manish, born 1996. Birth place, Mateo Hospital, Quezon City. It's weird when I check your birthplace. Alam mo ba sinabi nila sa binigay kong files? They said that Maria Manish didn't born in that place. Or should I say, Maria Manish don't exist" kalmado nitong sabi sa kanya. "So, tell me. May dapat pa ba akong malaman maliban sa hindi mo totoong pangalan ang Maria at pagsisinungaling mo sa aking anak?"
Hindi na nagulat si Nicole sa sinabi ng ama ni Rein. Mayaman sila at kahina hinala naman ang galaw niya. Hindi na nakakagulat kung ipaiimbistiga siya dahil nakikitira siya sa bahay nila. Hindi niya man kilala ng lubusan ang ama ni Rein, alam niya naman na mausisa itong tao. Kung sa business ay dapat niya munang kilalanin ang mga taong kasosyo nito. Nakakatuwa lang isipin na mukha siyang kriminal sa mata nito. Wala naman siyang magagawa dahil kahit sino naman ay magtataka kung sakaling may makikitira sa kanila. Sana kasi nilagyan man lang ng effort ang background niya at medyo makatotohanan para hindi agad bulilyaso.
Ipinagkrus ni Nicole ang kanyang braso sa dibdib at taas noong nakipagsabayan sa kaseryosohan ng kausap niya. If he knows the real her then be it. After all, dapat niya rin malaman kung gaano kalala ang panganib na nasa anak niya. "Why don't you spilled it, Mr. De Luna. For sure, you got all the information you need"
Natawa naman si Drick sa sinabi niya. "So your Avril Nicole Varine. The second daughter of Mr. Varine. The first princess of their family. The black sheep of your family. I thought my sources are lying"mangha niyang sabi.
"Should I thank for the compliment or not?"mataray niyang sabat. Maganda na sana yung compliment kung wala lang yung negative word.
"Nah! Don't flutter your self. Hindi lang kasi tama na makita kita sa ganitong lugar. Sa aming lugar. Isa lang naman ang tanong ko sayo, Maria. Wait! Which do you prefer, Maria or Avril or Nicole?"
YOU ARE READING
Eyes On You Varine Series #2 under Editing
RomanceI born in a luxury family but I raise in slum of difficulty in life. -Avril Nicole Varine Varine Series #2 Crdts to the creator of the cover @Simplyimperfectgirl Started: April 11, 2020 Ended : November 18, 2020