Chapter 29

32 5 0
                                    

TULUYAN NA SILANG nakaahon ni Rein mula sa tubig at agad niyang tiningnan si Nicole na ngayon ay hindi na humihinga. Inumpisahan niya ng gawin ang CPR sa dalaga habang hindi pinapansin ang paligid.

Nang makaahon siya ay nakita niyang nagsidatingan ang mga pulis habang hinuhuli si Jonathan at ang mga kasamahan nito. Naroon din ang mga Varine na hindi niya pa tuluyan nakikilala maliban sa ama ni Nicole at siya.

Nakailang ulit na siya ng pagpapump sa dibdib ng dalaga ngunit hindi pa rin iyon sapat upang marinig niya ang paghinga nito o ang paggising nito mula sa pagkakatulog.

Ibunuka niya ang bibig ni Nicole sabay takip nito sa ilong dalaga at nagbigay hangin sa dalaga. "Wake up, please don't do this! Wake up."

Ang akala niya kanina ay mamamatay na siya sa loob ng drum dahil wala ng hangin ng mga oras na lumulubog ang drum sa ilalim ng tubig. Pero hindi niya inaasahan na darating ang dalaga upang sagipin siyang muli sa kamatayan. Ngunit heto siya ngayon sa harap ng dalagang pinakamamahal niya at hindi man lang humihinga. Wala na siyang ibang maisip kundi ang isigaw ang pangalan nito habang paulit- ulit na ginagawa ang CPR.

"Gumising ka, Nicole. Please don't do this! Wake up! Wake up!" pagsusumamo niya dito

Lumapit sa kanya ang isang lalaki na nakasuot ng white T-shirt at itim na pants. "Ako na ang bahala sa kapatid ko."saad nito na ikinataka niya. Sumunod namang lumuhod sa harap ng dalaga ang isang babae na nakauot din ng puting t-shirt at itim na pants. "Kuya, kamusta si Ate?"tanong nito.

"Sino kayo?"takang taka niyang tanong. Katulad niya kanina ay ginagawa rin lahat ng lalaki na iligtas si Nicole ngunit hindi talaga ito nagreresponse.

"Wag kang mag-alala sa kanya. Pumunta ka na sa ambulansya para magamot ka. Kami na ang bahala, De Luna."saad ng babaeng kararating lang na umaako din na kapatid niya daw si Nicole.

May dumating din na dalawa pang lalaki at ang isa sa kanila ay si Kris na ama ng dalaga na kanyang nakilala noong nakaraang mga araw lang. Susubukan niya sanang makisali sa pagtitipon na ginagawa ng mga Varine sa katawan ng dalaga ngunit hinila na siya ng kanyang ama na kararating lang din.

"Dad, she's not responding!"mangiyak ngiyak niyang sabi sa ama na nag-aalala na rin sa sitwasyon.

Medyo nahuli siya ng dating para sa anak ngunit alam niya namang hindi pababayaan ng dalaga ang kanyang anak ngunit hindi sa ganun na paraan na halos magkumpulan lang ang mag-aama sa tabi nito. Niyakap niya ang kanyang anak na paulit- ulit na sinisisi ang sarili dahil sa nangyari. Paulit-ulit niya rin sinabi na hindi dapat ganun ang kalalabasan ng kanilang plano dahil mula umpisa palang ay wala sa planong may mamamatay sa kanilang dalawa.

"Shh! She will be fine."pagpapakalma niya kay Rein.

"Dad, hindi ko kakayanin na mawala siya. Hindi ko kakayanin, Dad. Dapat ako nalang. Dapat ako yung nakahiga ngayon at hindi siya."

Hinawakan ni Sir Drick ang magkabilang balikat ng kanyang anak at tiningnan ng maayos. "Don't ever say that. Hindi mo kasalanan na naiipit ka sa ganitong sitwasyon. Hindi mo ginustong magkaganun ang plano niyong paghuli sa kriminal at wag ka ng mag-alala. Dumating na ang mga Varine hindi nila kakayanin na may malagas sa pamilya nila dahil lang sa ganitong bagay. Makinig ka sa akin. Everything will be fine. Everything will be okay."aniya

Tuluyan ng pumasok si Rein sa loob ng ambulansya kasama ang kanyang ama at nakikita niya naman mula sa labas si Nicole habang nakahiga sa stretcher habang nirerevive pa rin ng lalaking nagsabi na siya na ang bahala sa dalaga dahil kapatid niya ito. Nang maisara na ang pinto ng ambulansya ay ipinikit niya ng mariin ang kanyang mata habang na nanalangin na sana ay maging maayos si Nicole at maging katulad lang iyon ng sinabi ng kanyang ama sa kanya.



Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now