THE NIGHT IS UP, yet this man is still in watch. Kilala nito ang babaeng bumabangga sa kanila ng mga oras na iyon at ang babaeng yun ay hinding hindi niya makakalimutan. Maraming bagay na hindi umayon sa kanyang plano dahil sa pakikielam nito mula ng mga araw na yun. Ito lang naman ang may pinakamatigas na ulo at walang kwentang anak ng kaaway niyang tao. Sa lahat ng anak nito ay ang dalagang si Nicole lang ang may kakayahang hindi sundin ang kanyang ama na siya namang ikinaiinis. Mula umpisa ay wala naman talaga siyang plano na buhayin ang dalaga dahil sa mga nalalaman nito ngunit hindi niya maitatanggi na sanay talaga ito sa pakikipag-laban. Naalala niya pa ang mga oras na pinagbantaan niya ang buhay ng dalaga at umiyak lang ito sa sobrang kaba, sa kanya namang pagbabalik ay sobra itong nag-iba na tila walang kinatatakutan.
Pinagmamasdan niya ang mansion ng mga Varine habang inaalala lahat ng pasikot sikot rito. Isa siya sa nga trabahador ng pamilya kaya hindi na magiging kahina-hinala sa iba kung bakit siya magiging labas pasok sa mansion. May malaking puot ang lalaki kay Kristof Varine, ang taong walang habas na pinaalis lang ang kanyang magulang dahil lang sa wala na itong maitutulong sa kanilang mansion. Meron naman silang pinagsamahan noon ngunit para sa kanya ay kinalimutan na iyon ng tulad ni Kristof na may kaya sa buhay. Ano ba siya, isa lang namang anak ng hardinero at kusinera sa mansion. Pero dahil nga kaibigan niya ito at alam niyang may dahilan ito para gawin iyon sa kanyang magulang ay hinayaan niya lang.
Isang araw habang nagdidilig siya ay doon niya nakilala si Fe, ang babaeng pinakasalan ni Kristof na siya niya namang tinutulan. Una niyang nakilala si Fe pero parang wala lang rin iyon kay Kristof ng walang pahintulot niyang inanunsyo na magpapakasal silang dalawa.
Doon mas lalong lumaki ang puot niya sa mga Varine. Imbis na umalis ay hinintay niya nalang ang kanyang pagkakataon upang makagante. Nakipagkaibigan siyang muli kay Kristof na tila isa lang iyong normal na mga araw ng magkaibigan pa silang tunay. Malapit na rin siya kay Fe kaya mas lalo siyang ginaganahan sa kanyang mga plano dito.
Lumipas ang mga taon at nasaksihan niya ang pagbuo ng pamilya ni Kristof na nararapat naman talaga sa kanya. Nasaksihan niya din ang bawat ugaling itinatago ng bawat isa sa mga anak nila at sinubukan na kaibiganin. At sa apat na anak ni Kristof ay si Nicole lang ang kanyang nakasundo sa kabila ng pagiging sumbungera nito at palaaway sa kanyang panganay na kapatid. Aaminin niyang matalino at napakabuti nitong bata kaya nga agad niya itong nabilog sa kanyang mga gusto.
Lagi niya itong pinapakwento sa lahat ng ginagawa nila, kung anong oras sila natatapos sa paaralan at kung kailan naman sila uuwi. Hindi kasi iyon katulad ng ibang paaralan na may schedule na sinusundan sapagkat ito ay naayun sa kagustuhan ng magulang. Hindi naman naging mahirap sa kanya na makuha ang gusto niyang impormasyon mula sa paslit na Varine, iyon ay dahil nga kulang rin ito sa pansin. Napansin niyang walang inatupag ang magulang nito kundi ikumpara silang apat sa isat isa kaya nagiging marupok at mahina ito kapag siya ang kausap.
Dumating ang pagkakataon na naiwan lang sina Fe at Nicole sa mansion kaya agad niyang isinagawa ang kanyang mga plano. Mahina at wala pang magagawa si Nicole ngunit sinanay ito sa pakikipagsagupaan sakaling malagay ito sa panganib kaya hindi dapat siya magpabaya. Habang kanyang isinasara paunti- unti ang pintuan ng kwarto ni Nicole ay laking gulat niya nalang ng makita niya itong nakatayo sa kanyang harapan na may inosenteng tingin.
Naalala niya pa kung paano siya tingnan ng dalaga noon. Isa iyong puro at walang bahid ng kasamaan katulad ng kanyang ama ngunit wala naman siyang pakielam.
Kung tutuusin ay naging mabait ang kanyang pakikitungo sa mga Varine sa nakalipas na mga taon kung hindi lang talaga siya pinagtaksilan ng itinuring niyang kaibigan at kapatid.
Kinapa niya ang kanyang bulsa at kinuha ang kanyang telepono. Tinakpan niya ng mask ang kanyang bibig habang tinitingnan ang kotseng papasok mula sa gate ng mansion. Nakaupo siya ngayon sa itaas ng puno sa labas ng mansion ng mga Varine at sinisigurado niyang ito ang kotse ni Kristof.
"Hello?"bungad ni Kristof sa kabilang linya. Puno ito ng otoridad kahit na nasa telepono lang.
"Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mong anak na manghimasok sa problema ng iba, tama"aniya na may pagbibiro
"Anong ibig mong sabihin. Sino ka?"
"Ang bilis mo naman makalimut. Taon lang naman ang aking pananahimik ngunit hindi mo na ako natatandaan."
"Baka kasi kasama ka sa mga taong walang kwenta kaya hindi nakita maalala"
"Matalas pa rin pala ang dila mo kaibigan. Pero hanggang kailan kaya tatagal ang pagiging maotoridad mong tao kapag sinaktan ko ang napakatapang mong anak."aniya na may halakhak
"Jonathan"
"At akoy iyong naalala. Dapat ko sigurong dalasan ang pagbabanta sa buhay ng iyong anak para maalala mo lahat ng kasamaan mo."
"Sa ating dalawa ikaw may masamang budhi. Ano ang gagawin mo sa anak ko, tangina ka!"
Napangisi naman siya habang pinakikinggan ang tinig ng kanyang kausap na tila nag-aalala sa anak na pinalayas niya at iniwan sa kanyang magulang sa malayong lugar.
Sinong hindi matutuwa sa inaasta ng kanyang kaibigan. Akala mo isang napakabait at ulirang ama ngunit isa naman palang napakasama at walang kwentang tao naman pala. Nang magsumbong si Nicole sa kanyang pagbabalik noong mga oras na gusto niyang makuha ang sanggol ay agad niyang nalaman na hindi nakinig ang ama nito sa kanya. "Nakakatuwa kang pakinggan, Kristof. Isa ba akong banta sa anak mo? Kung tutuusin ay dapat hindi ka naman mag- alala sapagkat ang nais ko lang ay ang lumayo siya sa taong kanyang pinaglilingkuran."
"Diretsahin mo ako gago!"
"Alam kong alam mo na isang agent ang iyong itinakwil na anak na si Nicole. Kaya kung ayaw mong mangyari ulit ang mga panahon na hindi ka nakinig ay pasensyahan tayo."
Sa kabilang banda naman ay nagtangis ang baga ni Kristof ng patayin ni Jonathan ang kanyang tawag. Totoong alam niya na ang ibig sabihin nito ngunit hindi niya aakalain na muli niya itong makakausap dahil lang sa kanyang anak. Matagal na panahon na niyang hinayaan na malaya si Jonathan dahil sa nakaraan nilang dalawa at alam niyang lubos itong nagagalit sa kanya noon pero hindi niya alam na muli na namang masisira ang pananahimik nila.
Maling hinayaan niyang nasa labas lang ang taong sumira sa kanyang pamilya at sa pagkakataon na ito ay hindi na siya makakapayag na may masaktan pa dahil sa kasakiman nito.
Muli niyang kinuha ang cellphone niya at may dinael na numero. "Cancel all my meetings for tomorrow."
@naokoalliv
![](https://img.wattpad.com/cover/218126076-288-k734632.jpg)
YOU ARE READING
Eyes On You Varine Series #2 under Editing
RomanceI born in a luxury family but I raise in slum of difficulty in life. -Avril Nicole Varine Varine Series #2 Crdts to the creator of the cover @Simplyimperfectgirl Started: April 11, 2020 Ended : November 18, 2020