Chapter 34

48 3 1
                                    

DIRETSONG nakaupo si Rein habang hindi inaakalang nasa tabi pala ang babaeng akala niyang ikakasal. Suot nito ang puting dress habang light make up lang ang nasa mukha. Napangiti naman siya habang iniisip kung sila ang nasa harap ng altar at parehong nagbibitaw ng mga salita.
Akala niya talaga ay tuluyan ng mawawala sa kanya si Nicole buti nalang talaga at ang panganay na Varine pala ang tinutukoy ng mga tao sa bayan ang ibig nilang sabihin. Pero para sa kanya ang mahalaga ay may tyansa pa siyang maging kanya si Nicole at hindi ang baduy na si Bean ang taong sisira sa kanyang gusto.

"Wag kang ngumiti. Iisipin ng mga kamag-anak namin na may inimbita kaming siraulo."bulong ni Nicole sa kanya na ikinagulat niya naman.

Agad siyang napalingon sa kanyang likod at halos karamihan doon ay magkasalubong ang mga kilay. Maliban sa ama ni Nicole at ang lalaking nasa altar habang ikinakasal ay ito palang ang nakikilala niya. Ang ibang parte ng Varine ay hindi pa. Ngunit kung titingnan ay agad mo ng malalaman na isa silang Varine mula sa tindig at pustura nilang mga walang buhay sa mukha. Lahat sila at seryosong nakikinig at nakatingin lamang sa harap na tila ba isa iyong mahalagang bagay na dapat pakinggan at bigyan pansin.

"Ganyan ba talaga sila tumingin? O sadyang ipinanganak na silang ganyan?"tanong ni Rein kay Nicole.

"Hindi naman."

Nanindig naman ang kanyang balahibo ng hawakan siya ni Nicole sa kamay. Napatingin siya dito at nagtatakang tinitigan ito.

"Wag mo silang tingnan sa mata. Baka maulol ka."ani Nicole

Mas lalo siyang kinilabutan sa pamilya ni Nicole ng sabihin niya ito. Kaya imbis na ngumiti at tumingin sa kung saan saan ay mas lalo niya pang inilapit ang kanyang sarili kay Nicole upang makatabi lalo. Pero kahit anong gawin niyang pagsasawalang bahala sa hindi pag-ngiti ay tila may sariling buhay ang kanyang mga labi at patuloy lang itong lumalawak sa saya.

"Wag kang ganyan, Honey. Baka isipin kong nahuhulog ka na sa akin."bulong niya kay Nicole.

" Anong pinagsasabi mo?"

"Yang pagpaparamdam mo. Alam ko yan wag mo na akong bitinin mas lalo akong kinikilig dahil sa mala-seryoso mong tinig. Baka sa susunod ay ako na ang seryosohin mo."natatawa sabi ni Rein

" Tumahimik ka nga, Rein. Nasa simbahan tayo."asik naman ni Nicole.

" At tayo na ang susunod papasok dito kasabay niyon ang pagharap sa altar."nakangiting sabi niya.

Nicole just rolled her eyes and bring back her attention to the altar.

NANG MATAPOS ang kasal ay agad na dumiretso sa hacienda ang lahat ng guess upang magsalo-salo. Hindi lahat ng parte ng Varine ay naiwan sapagkat hindi naman talaga nila planong magtagal. Ayun ang narinig ni Rein mula kay Nicole na kanina niya pa sinusundan.

Namamangha siyang napapatingin sa Mansion kung saan hindi man puno ng ilaw ay tila ba ang buwan ang katuwang nito. Upang mapaganda ang paligid. Kamangha mangha rin ang pagkakaayos ng venue dahil kahit siya ay ngayon lang rin nakaranas na umattend sa kasal. Hindi niya aakalaing ganito kasigabo at kaingrande ito.

De Luna siya at kahit na sino ay alam na nabuhay siya sa gintong kama. Sa pilak na kutsara. Ngunit kung iisipin ay walang makakapantay sa kayamanan at kaengradihan ang mga Varine.

Simple man kung titingnan pero halos mauubusan ka naman ng sasabihin. Narinig niya rin kay Nicole na karamihan sa nakikita niya ngayong dekorasyon ay nanggaling pa sa ibat ibang bansa. Hindi na nila kailangan gumastos dahil kusang nagsidatingan ang mga ito para sa kasal ng panganay na Varine.

Napabuga nalang ng hangin si Rein ng mawala na naman sa kanyang paningin si Nicole pero sa kanyang hindi inaasahan ay ang pagharap ng isang lalaking kanyang hindi magugustuhan. Ayaw niyang makita ito ngunit ama ito ng mahal niya kaya paano niya ito maiiwasan. Alam ni Rein na dapat niya itong harapin balang araw pero hindi niya inakala na ito pa ang lalapit sa kanya.

Eyes On You Varine Series #2 under EditingWhere stories live. Discover now