Chapter 3

232 9 0
                                    

Bumuntong hininga ako habang tinititigan ang pendant na binigay sakin inilagay ko ito sa kwentas ko para hindi mawala.

Sundin ko na lang daw ang sinabi ng babaeng naka mahabang kasuotan at malaking taklob sa ulo nito sabi ni Cairo.

"Iha ito na ang binili mo." Nabalik ako sa wisyo ng inaabot sa akin ng ale ang binili kong pasalubong sa kambal. Ngumiti ako saka inabot ang bayad sa ale.

Mabilis lang lumipas ang oras at hapon na naman napatingin ako sa kalangitan at napakanoot ang noo ko dahil sa makulimlim ito at malakas ang ihip ng hangin, Uulan ba? Pero ang buwan na ito ay araw ng tag-init.

Habang binabaybay ko ang daan pauwi na kita ko si Miss Cynthia sa di kalayuan, sa walang masyadong tao. Mag-isa ito lalapitan ko na sana siya para sabay na kaming umuwi dahil mukhang uulan ng malakas o may bagyong darating ng may biglang humintong sasakyan sa harapan niya, Napakunot ako ng noo at bahagyang lumapit sa kinaroroonan nila.

Tumalikod ako na kunyaring may binibili sa isang paninda nasa likurang bahagi ako kaya hindi niya ako mapapansin dito. Gusto kong malaman kong anong koneksyon niya sa mga malalaking mamang tao na ito.

"Nasaan ang kambal?" Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi ng isang lalaki na mukhang boss ng mga malalaking mamang tao na ito, nakipag beso ang matandang hukluban sa kaniya na nagpataas ng kilay ko.

Lumingkis pa ito sa braso ng lalaki.  "Hi Honey! Maayos lang ang lagay nila, bakit? May kukuha na ba sa kanila?" Lalong nanlaki ang dalawa kong mata sa sinasabi ni Ms. Cynthia, nabingi ata ako sa sinabi niya pero ano daw? Yong kambal kukuhain? No no no it can't be, Hindi maganda ang pakiramdam ko dito at hindi ko din alam na kahit may kalayuan sila ay malinaw pa rin ang sinasabi nila sa pandinig ko.

Sa pagkataranta ay naihulog ko ang mga paninda ni manong.

Napatingin ang mga bumibili sa akin pati na din si Manong na nagtitinda. "Ano ba yan ineng yong mga paninda ko, Kong hindi ka bibili umalis ka dito." Napapikit ako sa inis dahil sa katangahan ko baka mamaya ay mapansin na ako dito ng matandang hukluban na yon.

"P-pasensya na ho!" Nahihiyang sabi ko kay manong. Pinulot ko ng mabilisan ang mga nahulog ko at dali-daling binalik sa dating pwesto nito.

Pinulot ko ang huling paninda ni manong bago ko ilagay ito sa mga paninda niya, tumingin muna ako sa pwesto nila miss cynthia dahil hindi ko na nasundan ang pinag uusapan nila.

"Let's go naghihintay ang client natin." Ani nong parang boss, nakita kong ngumisi pa siya at sumulyap sa akin. Parang nanigas ang buo kong katawan at kumurap-kurap ng inilihis niya na ang mata niya saken masyado bang obvious ang ginagawa kong pakikinig sa kanila.

"Ineng bibilhin mo ba yan? Magsasara na ako." Nabitawan ko ang hawak kong paninda ni manong, don ko lang napansin na wala na ang mga bumibili dito kanina. Umiling ako at tarantang nagmamadaling umalis sa lugar habang papasok pa lang sila sa sasakyan nong parang boss nila at bago pa ako makita ni Miss Cynthia dito.

Hinawakan ko ang magkabilang braso ko dahil feeling ko ay nanindig ang balahibo ko ng tumingin sa akin yong boss nila.

Dali-dali kong tinahak ang short cut para makauwi agad kailangan na namin makaalis sa puder ng matandang hukluban na iyon bago makuha ng mga mamang malalaking katawan sila tami at tim.

Makalipas ng ilang minutong lakad, takbong gawa nakarating na ako sa tapat ng gate ng lumang building na tinitirhan namin. Napahawak ako sandali sa mga tuhod ko dahil sa hingal at panginginig nito dahil sa samu't saring iniisip ko na baka nakuha na ang kambal, napamahal na sila sa akin at hindi ako makakapayag na ibebenta sila na parang ganon lang.

 Into the New World: Alcuero AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon