Chapter 7

177 8 0
                                    

Halos mainis na ako sa araw na ito. Dahil wala akong masyadong tulog siya namang maagang nambulabog itong babaeng madaldal na ito.

Ang hirap ng pinapagawa niya sa akin pinapatandaan niya ang bawat pangalan ng Teacher's sa akin pati mga Council/Board of Trustees, Tingin niya sa akin robot. Dahil kailangan daw. Grr!

Ni hindi ko nga alam kong makakasabay ako sa pag aaral nila. Buong buhay ko hindi ako nakatapak sa eskwelahan, Nagtyatyaga lang kami ni Cairo sa mga nakukuhang libro sa mga basurahan para may matutunan.

"Ok! I don't force you na, Masasanay ka din naman siguro sa paunti-unti." Sa wakas. Pabagsak akong humilata sa sofa na malapit sa akin.

Di ako sumagot sa sinabi niya sa halip naisip kong habang naliligo kanina totoo ngang nawala ang bakat ng saksak sa akin na parang walang nangyari. Pero, hindi nun malilimutan ang ginawa sa akin ng matandang yon.

"Hoy! Nakikinig ka ba?" Napakunot ako ng noo.

"What?" Tanong ko kay Vien.

"Hays! I'm talking to the air." Inis na sabi niya.

"As what i've said, Huwag ka ng lalabas ng 9 ng gabi. Delikado." Panenermon niya.

Nangunot naman ang noo ko. Pero agad ko din naisip na. Buti na lang ay bigla siyang sumulpot kagabi, Ang dahilan niya ay narinig niya ang pagbukas ko ng pinto kaya bumangon siya at sinundan ako. Nahirapan siyang hanapin ako kaya natagalan siya. Hindi niya ako nabalaan na bawal ng lumabas ng ganong oras.

Napadaan siya sa garden at nakita niyang nakatayo ako kaharap ang lalaking tinawag niyang Gavin.

Humingi siya ng paumanhin dahil ito daw ang naatasang mag-ikot kong may gumagala o tumatambay pang estudyante sa curfew. Hinatak niya ako agad at nagmamadaling umalis. Iniwan naming walang kibo ang lalaki. Kasama siya sa Top 6. Buti na lang hindi mismo ang Presidente nila ang nag iikot na siyang Top 1. Kong hindi baka nayari na raw ako. tsk.

"Gets?" Napatingin ako sa kaniya.

"Whatever!" Balewalang sabi ko.

"Ugh!" Asar na tugon niya halos matawa ako sa reaksyon niya dahil sa pagsabunot sa sarili niyang buhok.

"I hate your guts." Inis na sabi nito, tsk! Childish.

"I love it anyway." Flat na sabi ko. Sumimangot lang ito at umirap. Haha.

Umismid na lang ako dahil hindi na siya sumagot sa sinabi ko.

Bigla siyang tumayo ng may maalala. May inabot siyang papel sa akin. Tinignan ko ito. "That's your Class Schedule tomorrow. Same as mine which means we are classmate." Ngiting-ngiting sabi nito at may paglakpak pa, Bipolar lang ang peg.

"Ok." Mas ok na yon kesa sa hindi. Ayuko ma-out of place panigurado, Maraming matang nakatingin sa akin.

Dumaan dito si Miss V kanina alam na raw ng magulang ko ng totoong Roshica pala na nakita na ako. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

"Nga pala, Pang 2nd week of class na bukas. Agahan mo bukas gumising sa Hall tayong lahat kakain, Makakasalamuha natin ang lahat kasama na ang Mag asawang Weller, Professor's pati ang Top 6." Mahabang sabi nito.

"Hindi din pala kita masasamahan sa table ng Senior's bukod kasi ang table naming Top 6." Napatingin agad ako sa kaniya at nangunot ang kilay ko kasama siya don.

"Ok! I can handle myself." Agad kong tugon alam ko namang hindi sa lahat ng pagkakataon kasama ko siya.

Napatingin ako kay Vien na tinatago na sa lalagyan ang makapal na salamin na ayaw kong suotin, Isa sa mga dahilan ng pag papasuot niya saken ay para matago ang kulay ng mga mata ko. Ang totoong Roshica naman nagsusuot lang siya non dahil sadyang gusto lang magpaka nerd.

Hinayaan niya na lang ako hindi naman nila nakita ang kulay ng totoong mata ni Roshica dahil sa kapal ng eyeglasses nito noon at Full Bangs. Kaya tumigil na siya sa pangungulit sa akin.

Pero kapag kaharap ko na daw ang magulang nito ay kailangan kong suotin ito lalo na sa Ama nito na siyang matagal kong nakasama.

Inabot niya sa akin ang eyeglasses. "Itago mo." Kinuha ko ito at nilagay sa table sa harap ng salamin na puno ng mga pang paayos.

"Alam mo, Naisip ko lang what if, Ikaw talaga si Roshica? Nagka amnesia ka lang o-or Kambal ka niya? Kasi think of it, Magkamukhang-magkamukha talaga kayo." Naguguluhang sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay pinagsasabi nito.

Bumuntong hininga ako saka kunwento ko kong ano ang buhay ko. Para naman matauhan tong kasama ko sa mga sinasabi niya.

"I'm a thief." Natigilan siya sa huling sinabi ko. At hindi makapaniwala.

"Yan ang buhay ko sa mundo namin, So stop your what if's." Malayong malayo ako sa mahinhin na Roshica.

"S-sorry!" Nahihiyang sabi niya.

"Nah! It's okay." Balewalang sabi ko.

Pagkatapos non ay hindi na siya umimik. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya saken inaalam siguro kong ano ang magiging reaksyon ko. Sanay na ako ano pa ang irereact ko kaya hinayaan ko na lang siya.

Tinuloy na lang namin yong mga dapat kong gawin para hindi ako mahirapan bukas lalo na sa mga subjects na na lesson na nila. Kumukunot na lang minsan ang noo ko yong ibang subjects familiar ako dahil nakikita ko ito sa mga estudyante sa mundo namin pero yong iba hindi panigurado dito lang yon nag eexist.

Halos gabi na ng na isipan niyang pumunta na sa kwarto niya para makapag pahinga ako ng maaga. At sa tingin ko mas ok yon, Gusto ko ng katahimikan, Gusto kong makapag isip.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ng dating Roshica at tiningnan ang mga bituin sa taas habang nangalumbaba dito, Tinangay ng malakas na hangin ang kulot kong buhok.

Palagi ko ng titingnan ang langit nagbabakasakaling bilog na ulit ang buwan, Hindi ako magdadalawang isip na umalis agad dito at hanapin ang daan na lagusan para makabalik sa mundo ko o saan man ako nabibilang kasama si Cairo at ng kambal.

Pinahid ko ang lumandas na luha sa mukha ko hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako dahil kong titingnan ay walang emosyon ang mukha ko. Bakit kailangan mangyari to sa akin, Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Bakit palagi na lang akong pinahihirapan? Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Pati sarili kong magulang ay hindi ko man lang nakilala, Malas ba ako? Kaya iniwan na lang ako kong saan. Lahat na lang napupuntahan ko wala akong lugar. Pati dito kailangan kong magpanggap bilang ibang tao. Kailan pa ba ako naging mahalaga? Kahit gaano pa pala katibay ang isang tao, there is still a weak point. Kong kinakailangan na mag pretend tayo na ok lang ang lahat gagawin natin para di tayo makaagrabyado ng ibang tao.

But still, I hate dramas. I need to calm myself down. Kailangan ko maging matatag dahil nasa lugar ako na hindi ko alam kong totoo, Ayukong tatapakan ako ng ibang tao. Dahil ako na lang mag isa sa mundong ito na walang aalalay sa akin wala si Cairo na siyang palaging nandyan para sa akin.

I had to stand on my own feet.

***

Thankyou for Reading :)

 Into the New World: Alcuero AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon