Chapter 10

169 10 0
                                    

"Grabe talaga yan si Saritha, Kay Roshica dati pa. Nagkakaganyan yan kasi palagi lang ang attention ni Tita Sirene ay nasayo este kay Roshica. Kaya ganyan ang pakikitungo niya, Gusto niya lahat susunod sa kaniya." Bulong ng katabi ko.

Hindi talaga siya maka get over sa sinabi ko kagabe sa kaniya ayuko na sanang ikwento kaso ay mapilit.

Inilipat ko sa bagong pahina ang binabasa kong libro, Dahil ang subject naming potion pinapunta kami dito para mapag-aralan ang iba pang sangkap na gagawin namin. At halos mangunot na lang ang noo ko dahil ang mga halamang gamot na nandito hindi familiar sa akin.

"Dahil dakilang mahinhin ang kaibigan kong iyon hindi niya na lang pinapatulan at sumusunod na lang naaawa na nga lang ako minsan sa kaniya, Kasi-- A-aray!" Napatingin ako kay Maryeta at nakita ko na lang na pingot-pingot na siya ng Ate niya. Pfft! si Miss V. lang naman ang Potion Teacher namin kaya balewala kong dumaldal itong kapatid niya.

"Ang sabi ko Magbasa hindi dumaldal, Hindi mo ba nakikita ang nakapaskil na yan." Tinuro ni Miss V. sa kapatid ang karatola na nakasulat na 'SILENCE'

"Sorry Ate ay Ma'am." Binitawan niya na ito at sinabing magbasa at huwag ng dumaldal na sinunod naman ng kapatid niya. "Sungit!" Bulong na habol nitong sabi sa ate niya ngumisi na lang ako at napailing.

Halos maduling na ako kakabasa ng mga potion at kinabisa ang ibang pwedeng paggamitan sa lab. Nabitawan ko to sa sahig dahil parang wala na kong lakas magbasa.

Akmang pupulutin ko na ito ng bigla itong nagpalipat lipat ng pahina sa sobrang bilis nito hindi ko na ito masundan ng tingin bakit nagkaganito ito hindi naman malakas ang hangin malamig ang loob ng library at walang bintana kaya bakit nagkaganito ang librong ito.

Nangunot ang noo ko ng tumigil ito at napunta sa blangkong pahina hahawakan ko na sana ng may biglang lumitaw na potion pero kakaiba ang laman nito parang galaxy ang uri ng kulay nito. Kasunod nun ay lumitaw isa-isa ang ingredients nito.

"puree of golden apple, water from the forbidden black river, petals of the flower in the harden of haven, drop blood of the pure heir." What the hell? Ano to? Sinabi ang ingredients pero di sinabi kong para saan tong potion na to.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko. Napatingin ako sa taong yon at nagsalubong ang kilay ko kay Maryeta.

"Anong ginagawa mo diyan? Tara na sa Hall, time na." Napatingin siya sa librong tinitingnan ko at nakita ko ang salubong niyang kilay. Liningon ko ang libro at nagulat ng wala na ang potion doon naging blangko na ulit.

"Nahulog ko kasi kaya pupulutin ko." Sagot ko bago pa siya magtanong tumango na lang siya kinuha ko na ang libro at sinuli sa dapat kalagyan nito.

Sino kaya ang pure blood na tinutukoy doon? Kakaiba ang ingredients na nandoon at hindi talaga ako literal na familiar doon, Balak ko ba talaga gawin yon? Iniling ko na lang ang ulo ko sa isiping yon.

"Sasabay nga pala satin kumain si Alora at Cael." Wala sa sariling tango ko.

Nang makarating kami sa Hall nakita kong kumaway si Alora ng makita kami sa entrance. Pumunta na kami doon nakita ko ang katabi niyang nakasalamin kahawig niya si Harry Potter so cute naman.

"Hi guys!" Bati ni Maryeta.

"Hello Vien, Hello Roshica." Tumango lang ako sa kaniya at napatingin sa katabi niyang makangiti wagas.

"Um. Si Cristoval nga pala." Pakilala ni Alora. Nangunot ang noo ko umupo na kami ni Maryeta katapat nila.

"Akala ko ba Cael ang pangalan niya?" Takang tanong ko halos mamula sa hiya si Cristoval.

"HAHAHAHA!" Nagulat ako ng tumawa ng malakas ang dalawang babae na ito napa face palm na lang ako. Mga baliw. Napatingin ako sa mga taong nakapaligid sa amin halos tumigil sila sa mga ginagawa nila at tumingin dito. Ako yong nahihiya sa ginagawa nila.

"Ahem. Tawag lang yon ni Alora sa kaniya pero ang totoo pangalan yon ng ama niya." Bulong ng katabi ko na pinipigilan matawa ulit.

"Ok!" Agad na sabi ko kay Maryeta.

"Hi Cael nice to meet you." Tumayo si Cael para maabot ang nakalahad kong kamay at ngumiti. "Nice to meet you too." Natandaan ko na ang sabi ni Maryeta saken bago siya magtransfer dito nawala na si Roshica kaya hindi niya na ito nakilala siya ang panghuling myembro ng Top 6 pinatunayan nito na karapat dapat siya sa pwestong yon kahit bago lang siya dito.

Pagkaupo niya agad niyang binatukan si Alora na siyang nagpagulat saken.

"Sabing huwag akong tatawagin sa Pangalan ng tatay ko eh." Asar na ani nito. Nakita ko na lang tawa lang ng tawa ang katabi niya.

"Ako na pala bibili ng makakain natin." Tumayo si Cael. "Sama ako." Tumayo din ang katabi ko at bumaling sa akin. "Ano sayo?" Tanong nito saken. "Kahit ano Maryeta." Walang ganang sabi ko. "A-anong sabi mo?" Napatingin ako kay Alora at Cael na siya namang tawa ng tawa anong nangyayari sa magkakaibigang ito nagkaroon na ata ng deperensya sa utak.

"HAHAHA Maryeta pala ah." Agad na sabi ni Cael. "Tumigil ka nga diyan." Inis na sabi ni Maryeta. "Ano ba yan Roshica wag mo kong gawan ng palayaw." Baleng nito saken.

"Bakit Second Name mo naman yon ah. Why not?" Walang pakealam na sabi ko. "Hmmp!" Nagtatampong nagmartsa ito palayo para umorder sumunod na din si Cael na siyang tawa ng tawa pa din.

"Problema nun." Takang tanong ko sa sarili. "HAHA! Hindi ko alam na malakas ka palang mang trip." Napatingin ako kay Alora na nagsalita.
"Nga pala, Buti ay ok ka na. Ang sabi sa amin ng Mama ni Clem ay wala kang maalala siguro ay natrauma ka sa nangyari sayo." Alalang sabi nito. Tumango lang ako sa sinabi niya kaya siguro hindi na nila ako inusisa ng tanong kinausap na pala sila.

"Nandyan na pala sila." Napatingin ako sa dalawang nag dadaldalan at may hawak na tray.

Habang kumakain nag-uusap lang sila about sa training or duel nakikinig lang ako sa kanila habang nginunguya ang carbonara na inorder ni Maryeta saken.

"Baka pagkatapos nito kong sino makapasa sa atin maaaring mabigyan na ng misyon sa labas, I'm so excited." Giggled na sabi ni Alora. Anong misyon? Parehas ba nong misyon na nawala si Roshica. Parang ayuko nun. Pero natigilan ako kong sa labas nga, May chance akong mahanap ang lagusan. At hindi ako mahihirapang lumabas ng Academy nato dahil secured ang lugar na ito.

"Ang strict pa naman nun ni Sir. Kray. For sure pahihirapan niya talaga tayo bago bigyan ulit ng misyon lalo na sa nangyari 6months ago." Napatingin ako sa kanila ng banggitin nila yon ayon yong araw na nawala si Roshica. Napatingin din sila sa akin. Sa huling sinabi na yon ni Alora. Biglang naging awkward ang atmosphere sa aming apat.

"U-um S-sorry Roshica." Alinlangang sabi ni Alora. Kinuha ko ang Dutchmill na binili ni Maryeta at ininom ito bago sumagot. "For what?" Balewalang sabi ko. Hindi naman ako naapektuhan doon porket dahil kay Roshica ay naghigpit sila sa mga misyong binibigay nila sa mga estudyante at naghigpit sa mga training sa kanila. Wala naman akong kasalanan don.

Ewan ko kong mapapasama ako dun, Pero desidido akong lumabas dito para mahanap ang lagusan na siyang maghahatid sa akin kong saan ako nanggaling.

"A-ano." Napatingin ulit ako kay Alora na hindi masabi ang dapat sabihin.

"It's okay! Huwag mo ng isipin yon." Sabi ko. Tumango naman siya at parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.

Tinuloy nila ang masayang kwentuhan minsan tatango ako at sasagot kapag tinatanong nila ako.

"Maryeta May--." She's intterupt my words. Napa facepalm ako. "Sabing--" Nilagyan ko ng tinapay ang bunganga niya para di na siya umangal pa.

Natawa naman ang dalawa sa ginawa ko. "May tanong ako." Nangunot sila sa sinabi ko. "Ano yon?" Tanong ni Cael. "Sino nga pala yong nagligtas sa akin nong araw na makita ako?" Gusto ko kasing mag Pasalamat dahil kong hindi dahil sa kaniya baka namatay na ako dahil nauubusan na ako ng dugo ng araw na yon.

"A-ah! Si Clemente, Ang Presidente."

***

 Into the New World: Alcuero AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon