Chapter 6

210 10 0
                                    

Nakapasok na kami lahat-lahat sa kwartong binigay sa akin hindi pa din matanggal ang tingin nitong kapatid ni Miss V sa akin sinusundan ang bawat galaw ko hindi tuloy ako maka kilos ng maayos.

"H-hindi pa din ako makapaniwala i thought--" Naguguluhang sabi niya. Hindi ko siya pinansin pagkatapos kasi ng yakapan session sa hallway kanina bigla kaming hinatak ni Miss V at pinapasok sa kwarto.

"Yeah! But she's not." Agad na putol ni Miss V sa kapatid pinaliwanag niya dito lahat kong sino ako at kong saan ako nanggaling.

"Except your eyes, The color of Roshica's eyes is Gray. But yours is color Silver, Wala pa akong nakikitang silver na mga mata, Which is weird." Wala sa sariling sabi nito.

"Hey! Stop that she's not comfortable." Sabi ni Miss V sa kapatid na sinusuri ako.

"Girls i have to go, My meeting pa pala kami ng mga teacher's." Tumingin si Miss V sa Wallclock na nandito sa kwarto habang sinasabi niya ito.

Napatingin siya sa kapatid niya. "Vien ikaw na ang bahala sa kaniya." Tumango ito sa kapatid at Tumingin ito sa akin at tumango na lang din ako sa kaniya at lumabas na ng pintuan.

"Hi Roshica, From now on sanayin muna ang sarili mo sa pangalan ng matalik kong kaibigan." Sumandal ako sa sofa at nag cross arm at pumikit nakakapagod na araw.

"Hey girl listen to me. Hangga't wala si Roshica kailangan mong matutunan at makabisa ang mga pangalan ng mga taong makakasalamuha mo." Paliwanag nito.

"Spell it." Walang ganang sabi ko.

"Here." Napamulat ako sa sinabi niya. May inabot siyang isang larawan mukhang anghel na babae maganda ito at maputi mahaba ang Brown na buhok nito at straight na hanggang bewang.

"Sa picture na yan, Yan ang nakakatanda mong kapatid si Saritha Moorsel, Ang Anghel ng Campus. Isang taon lang ang pagitan mo sa kaniya pero hindi kayo close, Lalong lalo na hindi kayo magkamukha." Ani nitong babaeng kaharap ko na hanggang bewang ang mahaba niyang copper na buhok. "Kasama siya sa Top 6." dugtong niya. "Yon naman ang kabaliktaran ni Roshica gusto niya yong tahimik lang na buhay habang nag-aaral at ayaw niya sa attention hindi katulad ng Ate niya." Sumandal siya sa upuan at tumingin ulit sa akin.

"Here." May panibago siyang inabot sakin. "That's your Mother." Parang nanghina siya sa sinabi niya "S-she's dead."Dugtong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "Kakagulat right? 5years ago ng mamatay si Mrs. Sirene Moorsel, Ang totoo niyong Nanay dahil sa sakit na hindi na kayang lunasan." Naging emosyonal siya sa sinasabi nito sino bang hindi? Kahit ako na hindi niya kaano-ano feeling ko ay biglang kumirot ang puso ko.

Pinasadahan ko ulit ito ng hawak ng mga kamay ko napakaganda niya at ang amo ng mukha niya lalo na ang mga ngiti niyang nakakatunaw at nakakahumaling, Napansin ko ang mga mata niya na nagpaganda lalo sa kaniya. Hindi ko namalayan na napangiti ako.

"Kahit ikaw napangiti niya." Natigilan ako at nag make face. "Napakabait niya, Kahit sino ay hanga sa kaniya napakabusilak ng puso nito." Dugtong na sabi niya.

Inabot ko na sa kaniya ang picture at inabot niya sa akin ang isa pang picture ang Step Mother ni Roshica.

Pinagmasdan ko ito seryuso ang mukha niya dito, Parang totoong kaharap ko lang siya dahil sa sopitikadang mukha nito at mukhang masungit nakadagdag pa ang lipstick nitong maroon ang kulay. Parang ayuko siyang makita.

"That's your Step Mother sunod sunuran si Roshica dito dahil sa takot." Magaspang daw ang ugali nito maraming ayaw sa kaniya. At ayaw nito sa totoong Roshica. Dahil ang paborito nito ang nakakatandang kapatid niya lahat ng gusto nito ay nakukuha. 2years ago ng magpakasal sila matagal na din daw silang magkakila ng Dad ni Roshica at naging kaibigan pa nito ang Mom niya. Ayaw sana ni Roshica magpakasal ito kaso ay kaligayahan ng Ama nito ang nakasalalay kaya wala itong nagawa, Lalo na't boto rin daw dito si Saritha. Mahabang paliwanag niya sa akin ano ba ito parang minime ni Ms. Cynthia kahit saan ako magpunta nakakasagupa ako ng kasing gaspang ng ugali niya.

 Into the New World: Alcuero AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon