Chapter 9

174 5 0
                                    

Pigil hininga ako nun sa sinabi ni Gavin. Napag alaman ko din na siya ang palaging nagtatanggol kay Roshica pag nasangkot ito sa kaguluhan lalo na sa pang bubully. Sabi pa ni Vien na gusto ito ni Roshica napa facepalm na lang ako doon. Akala ko talaga kahapon ay mabubuko na ako pero iba ang sinabi niya sa iniisip ko.

Ang mga mata mo! Ang ganda mo lalo kapag wala kang salamin. Ngayon ko lang napagmasdan ang mga matang yan, Kakaiba.

Pagkatapos non ay nakita ko ang nakakaakit niyang mga ngiti mabait si Gavin siguro kaya nagkagusto ang isang Roshica sa kaniya.

"Hoy, Tulala ka na naman." Napatingin ako kay Vien. Inirapan ko na lang siya.

Nasa Hall kami ngayon at kumakain. Siya lang yong kain ng kain habang ako ay sinisimsim ang dutchmill na binili ko buti nga ay masasarap din ang pagkain nila dito, Nakikita ko lang ito dati sa mga mayayaman na kumakain sa restaurant. Sila Cairo kaya? Nakakain kaya sila ng maayos.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng biglang tumahimik sa paligid gayundin ang kaharap kong babaeng madaldal.

Pumasok lang naman ang mga taong hinahangaan nila dito. Pinagmasdan ko sila isa-isa, Natigilan ako ng nakatingin sa akin ang babaeng mala anghel ang mukha at kong paano ito kapino maglakad. Saritha.

Himala magkakasama sila ngayon maliban sa Presidente nila.

Nabalik naman ang tingin ko sa babaeng dumighay. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Inosenteng tanong nito.

"Wala kumain ka pa baka gutom ka pa." Sarcastic na pagkakasabi ko parang sa aming dalawa siya dapat turuan kong paano umayos, Makadighay wagas.

"Ugh! Pagod na ako." Napatingin ako kay Vien na huminto sa pagtakbo at humawak sa magkabilang tuhod nito.

Nandito kami ngayon sa Open field dahil P. E ngayon.

"Kunting ikot na lang matatapos na tayo, Ang dami mo kasing kinaen kanina tsk." Tinuloy ko ang pagtakbo pero mabagal lang mamaya makita pa ko ni Sir. Kapal kilay mapagalitan pa ako naramdaman ko namang sumunod si Vien sa akin.

"Ang tabil talaga ng pananalita mo." Busangot na sabi niya. Eh totoo naman anong gusto niyang sabihin ko tsk.

"Good job class! Next meeting sa training room na tayo." Sabi ni Sir. Kapal kilay at dinismiss kami yong iba nag rereklamo lalo na ang grupo ni Lovita kaya napatingin ako sa gawi nila nagtama naman ang paningin namin tinaasan lang ako ng kilay nito, Nilihis ko na lang ang tingin ko sa kanila.

Umupo na lang ako sa damuhan at kinuha ang bottled water ko sa bag walang pag alinlangan na tinungga ko ito at inubos.

Naramdaman ko namang tumabi si Vien sa tabi ko hindi ko na lang siya tinignan at finocus ang pagtingin sa malawak na Open field. Napakunot na lang ako sa nakita, Sa dulo nito medyo madilim sa parteng yon i think kagubatan na yon. Hahanap ako ng daan para makalabas dito bago mag full moon.

"Roshica." Tumingin ako kay Vien at nag 'ano yon' look.

"Marunong kaba Makipag-away i mean Makipag laban pala?" Alalang tanong nito saken.

Tumango ako sa tanong niya bata pa lang ako sinasama ako ni Cairo. May matanda kasing nagtuturo sa kaniya ng Self Defense. Ewan ko kong saan na yon si Tatang Shindo simula ng matuto kami sa kaniya umalis na din siya. Ang sabi niya ay babalik na siya sa kong saan siya galing. At gamitin namin sa mabuting hangarin ang itinuro niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"A-ah! Kasi diba next week sa Training Room tayo, Panigurado Duel ang magaganap." Tumango na lang ako sa kaniya. Luminga ako sa paligid wala na ang iba sa kaklase namin yong ibang naririto sa di kalayuan nagkkwentuhan at nag tatawanan.

 Into the New World: Alcuero AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon