✨Chapter V✨

23 3 0
                                    

Dean's POV

Tanghali na akong nakapasok sa school dahil tinanghali ako ng gising. Ewan ko. Dahil yata sa pag-iisip ng kung-ano-ano kaya ako napuyat.

"Goodmorning, Dean!"

"Goodmorning Dean Aries Nueva De dios!"

binabati ako ng mag kasabayan ko papunta sa building na mga late din. Pero...'di ko na sila pinansin.

"Oy...Dean!" pero 'yung boses na 'yun ang nakaagaw ng atensyon ko. Mabilis pa sa alas-kwatro akong napalingon.

si jillien. At...hinihingal siya. Nauna pa ako sa kanyang pumasok?

hinintay ko sya sa hagdanan at sabay kaming umakyat."Nasamahan nyo ba si Ella?" ella na naman. bumuntong-hininga ako at tumango.

"Ba't ka na late? Ngayon lang kita nakasabay, ah" tinignan ko sya. sya lang ang gusto kong dumadaldal saakin.

"Bakit? gusto mo ba akong kasabay lagi?" tanong ko. Kasi kung gusto niya, edi magpapalate ako araw-araw.

ngumiti sya at umiling-iling."Hindi, ah. Ang ibig kong sabihin ay ngayon lang kasi kitang nakitang na-late. Araw-araw kasi akong late na nakakapasok, e" sabi nya.

kumunot naman ang noo ko at napatingin muli sa kanya. Tumigil ako sa pagakyat. ganun din siya.

"Bakit ka late araw-araw?" tanong ko. Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad.

"Hinihintay ko kasi si ella sa gate. Lagi ko syang pinapaalalahanan na antayin ako pero lagi syang nauuna sa room. Umaasa lang naman ako na baka hintayin niya ako e kaya...ayun...late ako tuloy kasi nasa room na pala sya. Hehe" napahawak ako sa isang strap ng bag ko ng mahigpit. Bakit ba sya ganyan kay ellang 'yun?

nagpatuloy sya sa pagakyat, sumunod ako, hanggang marating namin ang floor namin.

Nung papasok na sya sa room nila ay hinawakan ko ang bag niya. Napatingin siya saakin."May sasabihin ka?" tanong niya.

tumingin ako sa kaliwa, sa gawi ng tapat ng room namin."Ano...ako nalang maghihintay sa'yo sa gate bukas." dean...anong sinasabi mo?

"ha?" tinignan ko ulit sya.

huminga ako ng malalim."Hihintayin kita sa gate para may kasabay kang ma-late pagpasok. Kuha mo?" sabi ko.

tumango nalang sya."Sige, ba. Ang weird mo minsan dean, Sorry hehe" aniya at ngumiti. Nginitian ko din siya at binitiwan ang bag niya.

"Gurllll si dean nakangiti!"

"Wahhhh pede na akong mahimatay~"

"AaaaHhhh ampogi niya talaga huhu"

agad akong napasimangot sa narinig. Sabay kaming napatingin sa loob ng room nila. Pati pala 'yung Ma'm nila ay nakatingin saamin.

"Ayyy. Sige na, dean. Pasok na 'ko" si Jill at nag-wave pa saakin. Tumango ako at hinintay siyang makapasok."Goodmorning Miss. Sorry I'm late" aniya at umupo sa upuan niya.

naglakad nadin ako papunta sa room namin. Simula na ng klase. Si Ma'm Math na.

Napatingin sya ng tumapat ako sa pinto."Excuse me, Miss" sabi ko. Tumango nalang siya. Pumasok na ako sa loob at umupo sa upuan ko.

"Bakit na-late ka?" bulong ni harold saakin habang naglelecture si ma'm.

umiling lamang ako."Sa na late ako e, ganun lang" sagot ko sa kanya.

Nalaman ko rin na hindi na itutuloy ang report namin kasi may nai-handa na daw na Powerpoint presentation si Miss.

Patuloy si harold sa pagdadaldal saakin hanggang sa...

No Way (SUBJECT FOR EDITING AND REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon