✨Chapter XXXIII✨

12 1 0
                                    

Jillien's POV

ARAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY.

Agad akong napamulat at napaupo dahil sa sakit ng ulo.

huhu. Ansakit po lord.

"Edward?" napalingon ako kay Cyfher habang hawak ko ang ulo ko.

agad siyang tumayo mula sa sofa na inuupuan niya tsaka dali-daling lumapit saakin.

teka nga...

napatingin ako sa paligid at sa Dextrose na nakakabit sa braso ko.

nasa...OSPITAL AKO?! HALA! HALA! HALAAAAA! BA'T AKO NASA OSPITAL?! HUHU.

"Hey...hey...what are you feeling? ha? Tell me immediately." nag-aalalang sabi ni Cyfher kaya naman napatingin ako sa kanya.

ba't muna ako nasa ospital, mahal kong pinsan?

"A-ansakit lang ng ulo ko." sagot ko sa kanya at humiga muli sa malambot na unan.

"M-masakit pa rin? tatawag lang ako ng doctor." halatang natatarantang sabi niya at lumapit sa telepono na nakakabit sa pader ng kwarto.

"Huy. 'wag na. Ayos lang. Normal lang naman 'to sa'kin, e. May migraine ako, 'di ba?" paalala ko pa sa kanya pero hindi siya nakikinig.

Aish. Tsk tsk.

Hinayaan ko nalang siya at umayos nalang ako ng higa. Hihilutin ko na sana ang ulo ko ng biglang...

*Clack*

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n sina Dean, Jeorge, Harold at si Troye.

Agad na napatingin sa kanila si Cyfher."Hoy! Ginagawa n'yo dito?!" gulat na tanong niya dun sa apat.

Hindi pa sya nakakatawag sa mga doctor n'yan, ah.

"Kalma ka lang, Abad. Nandito kami para kay Jillien." natatawang sabi ni Troye habang papalapit sila saakin.

umupo sina Troye, Jeorge at Harold sa kanang bahagi ng kama ko habang nanatili namang nakatayo si Dean sa kanang gilid ko.

"How are you feeling?" tanong ni Dean habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

Pinagmasdan ko rin siya. Galing nga pala siyang practice. Unang araw ng practice nila ngayon para sa Interhigh, e. Halatang pagod sya pero bakit...wow, ang gwapo niya pa din.

sanaol.

kapag kasi ako ang pagod, para akong naghihingalong butiki. Ano daw? HAHAHA.

"'Wag nga kayong umupo jan! Baka masikipan siya!" nakapamewang na suway ni Cyfher kina Jeorge na tinawanan lang siya.

"nyenyenye hahahaha" dinig ko pang sabi ni Troye. Mapang-asar talaga.

"Jill...answer me, please," hinaplos pa ni Dean ang ulo ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

'di ko pa nga pala nasasagot 'yung tanong niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang..."Hindi ka niya masasagot dahil 'di ka niya kilala. May amnesia si Edward," singit ni Cyfher! LUH?! ANONG AMNESIA?! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya at dahil na rin sa ekspresyon ni Dean!

"What?!" si Harold.

"La gago!" si Jeorge.

"Ay weh?! totoo?!" si Troye naman.

"Yea. Panandalian lang naman daw sabi ng Doctor." seryosong sabi ni Cyfher at bumuntong-hininga pa bago bumalik sa Sofa.

No Way (SUBJECT FOR EDITING AND REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon