Dean's POV
Hindi ako umattend sa School ng dalawang araw matapos ng Match namin.
Ang daldal kasi ni Harold, e. Sinabi niya sa mga Ate ko ang nangyari nung Match at dahil OA sila, agad-agad nila akong pinuntahan dito sa Unit ko.
Hindi nila ako pinapapunta sa School para sa Club Week. Kung magpupumilit daw ako, sasabihin nila kay Mom ang nangyari.
Knowing mom, mas OA pa sya. Hindi ko alam ang gagawin niya pero alam kong meron syang gagawin kapag nalaman niya ang nangyari kaya naman...napilitan akong sundin ang sinabi ng mga Ate ko.
Bale, nung isang gabi pa sila nandito. Nung pagkauwi ko galing sa School nung araw ng Match, nandito na sila. Dito natutulog sina Ate Demi at ate Dani para daw mabantayan nila ako.
tss.
Ininvade nila ang buong Unit ko. Sa Cabinet ko nila nilagay ang mga gamit nila, sa kama ko sila natutulog habang ako, nasa Sofa.
Ako din nagluluto ng Breakfast, Lunch, at Dinner dahil hindi daw sila marunong. Since Independent naman ako, natutunan ko na din naman magluto para sa sarili ko.
Sabi nila, babantayan nila ako but, ako pa nag-alaga sa kanila. Tss.
Today is Friday. At...nakakainis dahil hapon na ako nagising. As in, 5:00 PM na.
Hindi na nga ako nag-Breakfast at Lunch e. Kasi talagang hapon na ako nagising.
Napuyat lang naman ako kagabi kaka-surf sa Web. Mejo nalibang lang and...3:00 AM na ako nakatulog.
Bumangon ako mula sa hinihigaan kong Sofa at umayos ng upo.
Walang tao sa Unit bukod sa Sarili ko.
Saan kaya sila nagpunta-
"AHIIIIIIII EXCITED NA 'KO!!! Ano kayang magandang suotin? Should I wear something sexy?"
"Anong Sexy? Gaga. School pupuntahan natin. Baliw ka ba? Wear a uniform!"
"Haha. So funny."
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang dalawang Ate ko. Si Ate Demi ay may dalang Paper bag.
Inilapag ni Ate Demi ang Paper bag sa mesa at tsaka dumiretso sa kama ko...pero napatingin sya saakin at...
"Ohooo! Gising ka na pala! Are you hungry na? Binilhan kita ng pagkain!!! Dali try itttt!!" hinila ako ni Ate Demi patayo at dinala sa Harapan ng lamesa. Pinaupo niya ako sa upuan na katapat nun.
"Wow, Parang ikaw nagluto, ah?"
"Shut up, Dani. At least binilhan ko si Aries ng Food! palibhasa wala kang pake sa Health niya-"
"Hey Demeter, ah! Anong walang pake? Kaya pala I bought bandages and some meds for him? Uy, mas may pake ako kay Aries kesa sa'yo. Tabi ka jan, gusto mo subuan ko pa sya e,"
"You're so competitive, 'no? Sige, suko na 'ko. Hayaan natin syang kumain mag-isa." ani Ate Demi matapos mailabas mula dun sa Paper Bag 'yung mga pagkain na binili niya."Ubusin mo 'yan, Okay?" tamad lamang akong tumango at nagsimulang kumain.
Umalis naman silang dalawa at ewan ko na kung anong ginagawa nila ni Ate Dani. Basta kinakain ko lang 'tong Japanese Food na binili ni Ate Demi.
Maya-maya pa ay...
"Hey!!! Aries!!What's this?" lumapit si Ate Dani saakin at tsaka ipinakita ang phone niya...
Dean Aries De dios
Subject [Caption] with Jillien Edward Peroa
[Insert 4 photos]
14 Hours ago. Liked by Troye Benitez and 5.7k others•654 Comments•372 shares
BINABASA MO ANG
No Way (SUBJECT FOR EDITING AND REVISION)
Ficção AdolescenteIt was raining when you left, and I stood still. I let the skies sympathize with my silent pleading, gnaw the bitter taste of betrayal you, with your double-edged sword, inflicted into me. It was raining when you left me, and It hasn't stopped sinc...