✨Chapter VI✨

22 3 0
                                    

Dean's POV

Tinapos ko lang ang first sub namin at sumunod na ako kay Jill sa MAPEH club.

Hindi sumama sina Harold saakin magpalista sa club nila Jill, 'di daw nila trip at tinatamad daw sila. Tsaka nalang daw kapag nagkainteres na sila ganun.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang Building of school clubs ay may humigit ng braso ko dahilan kaya ako napatigil sa paglalakad.

si ella.

tinignan ko lang sya."Dean" unang tawag niya. Kumunot ang noo ko."Bakit sa...MAPEH club ka sumali? I did invite you sa English Club, right?" lalaong nangunot ang noo ko at inagaw ang braso ko sa kanya.

Nakita ko syang natigilan."Hindi naman kita kailangang sundin, hindi ba?" tinalikuran ko na sya at naglakad ulit.

Bakit kailangan niyang makialam sa desisyon ko?

"Pero dean, bakit MAPEH club ang pinili mo? I thought-" inis ko syang nilingon.

"You thought what?!" inis na inis talagang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong tantanan nito ni ella, e.

tinignan niya ako sa mata. Namumula siya. Hindi niya matagalan ang tingin sakin."I thought..."

"Dean!" sabay kaming napalingon sa tumawag saakin.

Jillien. May dala na naman siyang mga papel.

lumapit siya saakin at kumunot ang noo ng makita ang nasa harapan ko."Ella? Bakit magkasama kayo?" takang tanong niya.

umiling agad si ella."Wala, Jill. Sige una na 'ko" aniya at tinalikuran kami.

hinawakan naman agad ni Jill ang kamay niya."Teka, Ella. Sabay ba tayong kakain mamaya?" tanong niya.

napaismid ako at tumingin sa malayo.

"Sorry. 'Di kasi ako gutom, Jillien." si ella at narinig ko ang mga yapak niya palayo.

saka ako tumingin kay Jill. Parang nabigla siya sa inasta ni ella.

ako hindi ako nabigla e kasi 'di ko naman 'yun kilala, basta sya si ella at naiinis ako sa kanya. 'Yun lang.

"Uh, Jill. Tara na?" niyaya ko sya. Tumingin naman siya saakin at nakangiting tumango.

"S-sige. Tara"

tahimik lamang kaming naglakad papunta sa Club room. Mejo madami na ang tao dun nang dumating kami. Buong MAPEH club pala 'yon.

umupo kami sa mga monobloc chairs na nandun. Tumabi ako kay jill, syempre.

Tumayo sa unahan sa gitna 'yung Club President.

"Wala na tayong Evaluation sa lahat ng Department. Lahat nang nandito ay Considered ng CLUB MEMBERS. So bale, ang gagawin nyo nalang kapag club hours ay mag practice, practice, practice at mag-practice. May mga magaassist naman. Sisiguruhin ng Club na Magiging magaling kayong mga musikero pagtapos ng taong ito. Ayos ba?" sabi nung Club President.

lumingon saakin si Jill."Dinig mo 'yun? Dinig mo 'yun? Haha" nakangiti at natatawang bulong niya saakin at muling tumingin sa harapan.

-__-

kaya ko syang pagmasdan ng nakangiti habang buhay. 

"May I have here in front all the department representatives. Jillien Peroa, Ruzzel Medina, Cyfher Abad and Margo Asuncion," tumayo si jill at 'yung mga tinawag at tsaka pumunta sa harapan.

"Si cyfher ba 'yung sa P.E?"

"Oo yata. 'Di ko alam e. Wala naman akong balak sumali dito talaga. E, sumali si dean kaya ayun~hihi"

No Way (SUBJECT FOR EDITING AND REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon