The Agreement 52

2.4K 63 6
                                    

Amanda POV

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko pero ang pinagtataka ko bakit nakabalot ang ulo ko ng itim na cellophane, huminga ako ng malalim pero mas lalo lang akong nahirapan, pinilit kong gumalaw pero hindi ko magalaw ang mga paa at mga kamay ko kaya pumikit muna ako para kumalma dahil ayokong madamay si baby sa sinapupunan ko, pinilit kong umupo ng maayos pero hindi ko kaya, nahihirapan ako sa ayos ako, ang hindi ko maintindihan bakit pati bibig ko may takip at bakit nila ako kinuha? bagohan lang ako sa korea sino naman ang kukuha sa akin? sino? napahinga ako ng malalim at pilit kong sumigaw pinilit kong igalaw ang katawan ko ng bigla akong nakarinig ng pag bukas at pagsara ng pintuan kaya napatigil ako, i heard some footsteps kaya kinakabahan ako, natatakot ako baka anong gawin niya sa baby ko, my hands are on my back sobrang hirap ng sitwasyon ko at hindi ko alam anong gagawin ko.

Pero biglang may nag tanggal ng takip sa ulo ko kaya napadilat ako at saka napatingin sa paa nito, napakunot noo ako ng makilala ko ang sandal na soot niya napataas noo ako at para akong binagsakan ng isang yelo sa ulo ng makita ko si Mama.

"Hmmmm" pilit kong mag salita pero ngumiti lang siya sa akin saka siya umupo sa silya sa harap ko, naguguluhan ako pero mama ko siya alam kong mahal niya ako. Ng hinaplos niya ang mukha ko ay sabay nito ang pag tanggal ng tape sa bibig ko kaya napahinga ako ng malalim at tinignan si mama.

"Mama anong ibig sabihin nito? Bakit? Bakit ako nandito?" Napatingin ako sa kabuoang lugar, nakikita ko na nasa isang bahay ako, hindi kalakihan parang apartment style lang siya para sa mga studyante pang single person lang talaga.

"Amanda kung gusto mong makakain just cooperate with me" napakunot noo ako.

"Mama? Bakit?" Tanong ko pero ngumiti siya sa akin.

"Bakit? Well kasalanan mo kung bakit?" Napakunot noo ako.

"Hinanap mo pa kasi yang mga magulang mo at sa tingin mo ba papayag akong magkita ulit kayo?" Napakunot noo ako sa sinabi ni mama.

"Mama hindi kita maintindihan" nawala ang ngiti niya at bigla nalang niya akong sinampal kaya natabingi ang mukha ko at napahinga ako ng malalim sabay nun ang pag hawak niya sa buhok ko. Kaya umiiyak akong tinignan siya.

"Hindi ako papayag na angkinin mo ang anak ko" napakagat labi ako dahil sa sinabi ni mama.

"Ma may mga anak na kami please po maawa ka naman po sa mga apo mo" ngumiti siya at umiling iling saka niya binitawan ang buhok ko at tumayo siya at huminga siya ng malalim at tinignan ako.

"Kaya nga tatanggalin kita sa buhay nila ng may matino namang ina ang mga apo ko" napatigil ako sandali sa paghinga ko pero agad din akong bumawi at umiiyak na umiling iling.

"No ma, hindi yan totoo" umiiyak akong nagmakaawa pero ngumiti lang siya.

"Amanda hawak ko sila sa kamay, kahit anong gagawin nila hindi ka nila mahahanap at saka wag kang mag alala makakasama mo rin naman ang kakambal mo" napakunot noo ako sa sinabi ni mama pero tinalikuran niya ako at pumasok siya sa kwarto.

Kakambal ko? Anong ibig niya sabihin? May kapatid ako? May kapamilya pa ako? Medyo gumaan ang loob ko pero hindi ito ang tamang oras para magsaya ako, ang kailangan ko ngayun ay ang makatakas. Napatingin ako sa kabuoang lugar at pilit kumalas pero lumabas siya sa kwarto kaya napatigil ako.

Tinignan niya ako ng masinsinan at tumango tango siya.

"Mama" tawag ko pero tinignan niya lang ako ng masama, masakit kasi para sa akin hindi ko kayang saktan siya kasi tinuring ko siyang ina ko simula ng pagkabata ko, hindi ko siya kayang saktan kaya hindi ko rin alam anong gagawin ko.

"Ma parang awa mo pakawalan mo na ako" umiling iling siya.

"No amanda hinding hindi ko yun gagawin" iyak lang ako ng iyak ng bigla niya akong kalagan kaya napahinga ako ng malalim, pinatayo niya ako kaya nagkatitigan kami.

"Hindi pa ito ang oras para patayin kita" nakangiti niyang sabi pero tanging nakatigtig lang ako sa kanya kasi mama ko siya.

"You have everything you needed here in one condition amanda wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo" saka siya tumalikod at iniwanan niya ako sa loob, narinig ko ang pag sara ng pintuan at kung ano pang ingay na ginawa niya kaya napatingin ko sa boung lugar at nakikita ko ang mga puting cctv camera, may tv, may sofa sa sala pero isahan lang yun, sa kusina ay may maliit na mesa at ref may plato din pero isa lang at baso at ganun na rin ang mga utensil, pumunta ako sa kwarto saka ko nakita ang isang foam sa lapag at yun lang meron sa loob kabilang sa mga damit ko. Hindi ko aakalaing plinano ito ni mama, na ikukulong niya ako at ilalayo kay sykes at sa mga bata, napahawak ako sa tiyan ko at napaupo sa lapag ng kama.

Lahat ng bintana ay nakalock at may nakaharang pang kahoy sa labas, gusto kong sumigaw at umalis pero kung gagawin ko yun mapapahawak ang nasa sinapupunan ko, kung siguro hindi ako buntis gagawin ko ang lahat para makaalis at maligtas ang sarili ko pero sa usapang ganito wala akong magawa kundi ang sundin nalang si mama, basta hindi niya kami pabayaan ni baby, basta maging maayos lang ang lahat okay lang sa akin kung ito ng kaligayahan niya, mahal ko si mama kahit na hindi ko siya totoong ina pero siya na ang kasama ko simula noong bata pa ako, kahit sino man hindi mo kayang suwayin ang mama mo. At sana matanggap na ako ni mama gaya ng pag tanggap ko ng katotohanan, ako ang mas nahihirapan dito, sinira niya ang buhay ko pero ni kahit minsan hindi ko siya sinumbatan o kinamuhian dahil para sa akin siya ang mama ko, mahal na mahal ko si mama at ito ang pinakamasakit sa akin. Na mismong ina mo ang gustong pumatay sayo.

To be continued...
TheMirrorPrincess

The Agreement (18+) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon