The Agreement 44

4.9K 110 8
                                    


Humingi ng isang linggo si mama na makasama ang anak niya kaya pumayag ako at iniwanan nalang sila, 

"Nasaan ang papa ko? " tanong ko sa kanya.

"Ang pagkakaalam ko namatay ang papa mo sa gira at habang pinapanganak ka naman ng mama mo namatay siya at sakin ka niya iniwanan"

Napangiti nalang ako ng mapakla,  si sykes lang yata ang swerte sa buhay ko.

Napabuntong hininga ako habang nagmamaniho pauwi ng mapatigil ako saka may naisip,  agad akong tumawag sa lawyer ni papa.

"Hello Amanda? " sagot niya sa tawag ko kaya napahinga ako ng malalim.

"Nakita na po ang anak ni papa at mama na si Brysen kaya po gusto ko po sanang ilipat ang lahat ng iniwan ni papa sakin na kayamanan sa pangalan ng totoo nilang anak,  satingin ko po kasi ito ang dahilan kaya galit na galit sakin si mama,  kaya po ilipat niyo agad at ipadala sa kanila ng malaman na nilang wala na akong pinang hahawakan ni kahit centimo na yaman sa pamilya nila" umiiyak kong sabi.

"Sigurado ka ba? Malaking halaga to baka gusto mong hati kayo" umiling iling ako.

"Wag po,  ibigay niyo po lahat sa totoo nilang anak,  wala po akong panghahawakang kayaman kaya sana po maintindihan niyo ako" sabay baba ko ng tawag at umiyak ng umiyak. Kagat labi akong nagmaniho pauwi pero hindi ko naman alam kong saan ako uuwi,  una wala akong pamamahay pangalawa wala akong pamilyang uuwian na sasalubong sakin kung okay lang ako.

Kaya pala nung mga panahon na kailangan ko ng kalinga ng ina wala siya sa tabi ko,  kahit sa pag akyat ng stage para isabit ang medal ko wala siya,  simula palang walang Alia na ina naging mabuti sakin at para maging ina sakin,  bata pa ako kinakamuhian niya ako sa tuwing makikita niya hindi niya ako pinapansin at kung ano ano ang inuutus sakin,  nung 18 birthday ko kahit happy birthday man lang na card wala,  ni hindi nga niya maalala ang birthday ko,  talo ako sa pagmamahal niya kay Brysen,  maswerte pa nga si Brysen eh kasi nawala nga siya may nag alaga sa kanya sa bahay ampunan at minahal siya at inalagaan habang akong lumalaki sinasaktan at ama lang niya ang nag mahal sakin,  Inampon siya ng isang pamilya at minahal siya nito kaya ang swerte swerte niya kaya naiinggit ako ngayun sa kanya.

Ang sakit malaman ang katutuhanan dahil bakit kailangan kong masaktan? Kahit sa kanya dumaan ako sa karayum para mahalin ako pero sabihin man nating ginawa niya yun para tulungan ang umampon sa kanya sinaktan niya pa rin ako,  namuhay ako sa mundong dumaan sa masasakit na pagsubok, 

Napahinto ako sa pag dri-drive at doon umiyak ng umiyak,  natatakot at walang mukha na akong maihaharap,  hindi ko nga alam kung saang angkan ako nanggalin at anong klaseng tao ang ina ko at ama ko, 

Akala ko noon kaya ganun si mama dahil sa pagkawala ni kuya pero hindi ko lubos maisip na kaya pala ang layo ng loob niya sakin dahil hindi niya ako anak,  hindi sumagi sa isip ko ang ganun pero wala na akong magagawa,

Gusto kong malaman kung anong totoong pagkatao ko kaya umuwi ako sa bahay ng umampon kay Sykes saka ako nagpaalam na aalis muna at iiwan ang muna ang mga anak ko dahil sandali lang akong aalis at babalik agad,  habang nagmamadali akong lumabas nabangga ako sa isang malusog at mabatong katawan at muntikan na akong matumba pero agad niya akong nayakap.

"Saan ka pupunta? " takang tanong niya saka ko napag tanto na si sykes ito.

"Bakit ka nandito? " takang tanong ko.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Ang pabayaan ka? Amanda magiging asawa kita at hindi magbabago yun saka mas pinili kita kasya sa ina ko" nagulat ako sa sinabi niya.

"Per---

"I read your diary akala mo ba hindi ko malalaman lahat lahat ng ginawa niya sayo? " napakagat labi ako dahil sa sinabi niya saka niya ako niyakap ng husto.

"Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang buhay ko ngayun,  ikaw ang bumuo sakin kaya kahit sino pa yan ikaw ang uunahin ko" napahagulhul ako sa sinabi niya at niyakap ako ng husto.

"Sana hindi ko na inalam, sorry baby" he keep kissing me kaya gumaan ang loob ko, 

"So ako ang pinili mo at hindi si mama? " tinignan ko siya at ngumiti lang siya at hinaplos ang pesnge ko.

"Sympre ikaw ang uunahin ko hindi ibang tao"

"Pero mama mo siya"

"Alam ko pero hindi siya nagpakananay sayo yun ang masakit para sakin,  sarili kong ina ang bumugbug sayo kaya ako ang nahihiya sayo ngayun" halos hindi ako makasagot sa sinabi niya.

Naiwan na kaming dalawa ay panay haplos siya sa pesnge ko at niyakap ako,  ng masigurado kung wala na si amanda inilayo ko siya sakin kaya nagtaka siya.

"Bakit? " tanong ko sa kanya kaya naguguluhan siya.

"Brysen? " takang tanong niya sakin

"Sykes,  yan na ang pangalan ko ngayun" napakunot noo siya.

"Pero anak kita,  tignan mo may balat ka nga sa braso mo eh,  ito ang palatandaan ko sayo" napatingin naman ako sa braso ko na may kulay itim na akala mo tattoo dahil naghuhugis ito ng parang mapa ng isang bansa pero hindi ako natinag sa kanya.

"Bakit mo pinabayaan si amanda? Bakit hindi mo siya minahal? Bakit mo siya sinasaktan noon? Hindi mo ba naisip na hindi naman niya kasalanan kung bakit ako nawala?  Bakit sa kanya mo sinisisi? " hindi siya makasagot sakin..

"Brysen minahal ko na naman si aman--

"Talaga? Bakit nandyan ka ba sa tabi niya nung mga panahon na nilalagnat siya? Yung panahon na kailangan niya ng ina,  yung panahon ng birthday niya? O yung pag sama man lang sa kanya na umakyat ng stage? Alam ko si papa lang ang nagmahal kay amanda pero kahit ni minsan hindi mo siya minahal"

"Brysen nagsisi naman ako diba? Bumabawi naman ako sa kanya"

"Wala akong matandaang bumawi ka sa kanya"

"Brysen anak pag aawayan pa ba natin yan? Hindi naman siya kasali sa pamilya natin eh" bigla akong napakunot noo.

"Ano sabi mo? " napatayo ako dahil doon.

"Brysen satingin mo kaya kong mahalin ang kadugo ng babaeng gumawa ng lahat ng to kaya ka nawalay samin ng daddy mo" napailing iling ako.

"Your unbelievable anong hindi pamilya?  Baka nakakalimutan mong ina siya ng mga anak ko at ikakasal na kami kaya panong hindi siya parte ng pamilyang to? " hindi siya makasagot.

"Alam ko lahat ng pinagdaanan ni Amanda dahil fiancé ko siya kaya sana mapatawad mo ako kung hindi ko kayang tanggaping maging ina ka sa buhay ko dahil ni kahit ni minsan hindi ka nagpakananay at sinaktan mo ang babaeng mahal na mahal ko,  kahit man lang sana minahal mo si amanda edi sana maging masaya pa ako pero yung nagpakasasa ka sa luho at pinabayaan si amanda'ng namuhay mag isa yun ang hindi ko matanggap,  kinakahiya kita bilang ina ko alam mo ba yun? Si daddy siya lang ang totoong nagmamahal kay amanda at wala kang kasali doon kaya salamat at iniluwal mo ako pero hindi ako babalik sayo pasensya na"

"Brysen wag mo namang sabihin to,  mag ama talaga kayo nagagalit agad kayo" napangiti ako at tinignan siya.

"Pasensya na nasa dugo natin ang lumilingon sa kapwa kaya sana dumating ang panahon na humingi ka ng patawad kay amanda" and i walk away leaving her speechless.

I shouldn't find the truth. I shouldn't

To be continue...

TheMirrorPrincess

The Agreement (18+) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon