The Agreement 54

2K 55 0
                                    

Amanda POV

Bigla akong nagulat ng may nagbukas ng pintuan, napatayo ako at napatitig sa Dalawang lalakeng nakangiting nakatingin sa akin.

"Sino kayo?" Nanginginig kong tanong pero ngumiti lang sila sa akin kaya paatras ako ng paatras

"wag kayong lalapit sa akin" nanginginig kong sabi habang sila ay papalapit sa akin.

"Isa" agad kong kinuha ang isang kahoy sa gilid ng tinawanan lang nila ako.

"Come on miss sasaya ka naman, we can have fun here" sabay kindat sa akin kaya natatakot na ako.

"Wag kang lalapit ang kapal ng mukha mong sabihin niyan" natatakot kong sabi  kaya tumakbo ako palayo sa kanila ng biglang may humarang sa akin, napatingin ako sa likuran ko at takot ang nananaig sa kalooban ko hanggang sa tanging sigaw nalang ang lumabas sa bibig ko lalo na ng hinigit ako ng dalawang lalake sa kwarto at marahas na itinulak sa kama, nagmamadali akong umupo at tanging iyak nalang ang nailabas ko ng magsimula na silang apat mag hubad sa harap ko, natatakot ako sa kakahinatnan ko ngayun.

"Sino may utos nito?" Lakas loob kong tanong at tumawa silang apat.

"Walang iba ang mommy mo" dahil sa sinabi ng lalaking yun na may balbas sa dibdib ay napailing iling ako, hindi ako naniniwala na magagawa to ni mama sa akin.

"Sinumaling kayo" napailing iling ako lalo na at hubut hubad na sila sa harap ko, tanging pag hikbi at pag iyak nalang ang nagawa ko.

"WAG KAYONG LALAPIT" sigaw ko sa maabot ng makakaya ko, ng hinigit ng dalawang tao ang paa ko kaya mas lalo akong naiyak,

"Please wag po please po" pagmamakaawa ko lalo na nung hawakan ng dalawa ang kamay ko kaya hindi ako makagalaw, umiiyak ako ng malakas nagbabakasaling may makarinig sa akin, nadidiri ako ng simulang halikan ng dalawa nag binti ko.

"TULONG" pagmamakaawa kong sigaw pero tanging tawanan lang nila ang naririnig ko, ng maramdaman ko ang halik nila sa hita ko ay napapikit akong umiiyak ng biglang may dalawang putok ng baril ang narinig ko, nagulat ako kasama na ng dalawang humawak ng kamay ko, dahil doon nabitawan nila ang kamay ko habang ako hindi makapaniwala sa dalawang taong patay sa harap ko, nanginginig akong umupo ng makita ang dugong lumusaw sa sahig, may tama ang dalawang yun sa ulo.

"Amanda okay ka lang?" Ng marinig ko ang boses ni sykes doon ako nakahinga ng malalim, nakatakbo na pala ang dalawa kaya agad akong yumakap sa kanya at napahagulhul ng iyak, inaalo naman niya ako at agad niya akong kinarga, nanginginig ang boung katawan ko lalo na nung makita ko ang dalawang taong namatay sa harap ko.

"Im sorry" paghihingi niya paumanhin at tumango tango lang ako sa kanya. Hanggang ngayun nanginginig pa rin ako, nandito kami ngayun sa likod ng ambulance habang siya hinuhugasan ang binti ko dahil sa dugo, nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun, lubos lubos akong nagpapasalamat dahil nandyan siya palagi sa tabi, hindi niya ako pinababayaan. Dahil sa kanya nakatakas ako sa masasamang damo na ngayun dinadampot na ang pulis ang dalawa habang ang dalawa ay inilagay sa malaking black bag.

"Babe" tawag ko sa kanya kaya napaayos siya ng tayo at napatingin sa akin. Tinuro ko ang baril na nasa bulsa niya, natatakot kasi talaga ako sa tuwing nakakakita ako ng baril.

"Did you kill that two?" Tanong ko at napahinga naman siya ng malalim at hinalikan ang dalawa kong kamay, saka ako tinitigan.

"Nagdilim ang paningin ko ng makita ko kung anong ginagawa nila sayo, basta ko nalang sila pinutukan kasi buhay niyong dalawa ang mas inuuna ko" biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya saka tumulo ang malutong kong luha, marahan naman niya itong pinunasan.

"Si mama ba?" Nahihirapan kong tanong sa kanya, kasi hindi ko lang kayang tanggapin na si mama ang may gawa ng lahat ng ito.

"She's in jail now, don't worry i just do whatever i can do to save you" saka ako niyakap kaya napayakap din ako sa kanya ng mapansin ko si Aaron na nakatingin sa amin, ngumiti siya kasabay ng pagtulo ng luha niya, ng humiwalay si sykes ay napatitig kami kay Aaron at hinaplos haplos ni sykes ang likuran ko.

"Kasama ka dito?" Takang tanong ko pero isang mahigpit na yakap niya ang natanggap ko, napatingin ako kay Sykes dahil naguguluhan ako pero ngumiti lang siya,

"Amanda" biglang napahiwalay si Aaron sa akin at tinignan ang mga magulang ni sykes, natatawang kinurot ni Aaron ang pesnge ko pero naguguluhan ako, dahan dahan akong tumayo nang alalayan ako ni Aaron sa bewang kasabay nun ang pagyakap ng dalawang tao sa amin ni Aaron, umiiyak sila habang nakayakap sa amin, ganun na rin si Aaron at ewan ko ba bakit ganun na rin ako, napaiyak ako sa braso ni daddy wonryu habang si sykes ay nakatingin lang sa amin, matagal tagal kaming nagyakapan apat ng humiwalay sila at hinaplos haplos ni mommy ang mukha ko habang si daddy wonryu ay ganun ang ginagawa kay Aaron.

"Im sorry" umiiyak na sabi ni mommy kaya naguguluhan ako.

"Im sorry for everything, im sorry for not taking care of you, im sorry if we both lose you" napatitig ako kay Aaron ng hawakan niya ang kamay ko at idinikit niya ang braso namin saka siya may itinuro kaya tinignan ko ito, nakita ko ang balat ko at balat niya na naging heart napatitig ako sa kanya pero hinalikan niya lang ako sa noo saka siya tumititig sa mga mata ko.

"Hello again my long lost twin sister" masayang sabi niya saka niya inakbayan si daddy wonryu.

"Sila yung mga magulang natin" dahil sa sinabi niya napatitig ako sa kanilang tatlo at ganun na rin kay sykes.

"Did you know this?" Ngumiti siya at marahang tumango.

"Hindi lang katagalan na malaman kong sila ang totoo mong mga magulang" nakangiti niyang sabi, napatitig ulit ako sa dalawang tao sa harap ko.

"Amanda" umiiyak na sabi ni mommy sa akin, nasanayan ko siyang tawaging mommy dahil sa pagkakaalam kong ina siya ni sykes, napatitig ako kay sykes, hanggang huli nawalan pa rin ng mga magulang si sykes.

"Hindi ko po naiintindihan, ang alam ko anak niyo si sykes" tumango si daddy wonryu saka nila hinawakan ang kamay ko.

"Ipapaliwanag namin" tanging sabi nila at inalalayan naman ako ni sykes na makapasok aa kotse niya.

"Sykes" ngumiti siya sa akin.

"Name is Brysen babe" natatawa niyang sabi pero umiling iling ako.

"Anong gagawin natin? Kung sakaling sila ang totoo kong mga magulang?" He just kiss my hand.

"Well talk about it, sa ngayun magpahinga ka muna" tumango nalang ako at hindi nangulit sa kanya.

To be continued...
TheMirrorPrincess

The Agreement (18+) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon