The Agreement 43

4.6K 84 6
                                    

Amanda

Hindi kami magkapatid masaya ako doon pero yung malaman na hindi ka anak ng isang Nellisa Alia at Daniel Huge yun ang masakit, ngayun naiintindihan ko na kung bakit hindi ako kayang mahalin ng Mama ko,  ngayun alam ko na bakit wala siyang pakialam sakin,  simula ng mamatay si papa pinabayaan niya ako na parang wala siyang pakialam,  lumaki akong daddy's girl dahil si papa lang ang nagmahal sakin ng totoo,  pero mas ginusto ko rin naman na ampon ako dahil hindi kami magkapatid ni Sykes o Damian o Brysen,  bata pa ako laging si kuya Brysen ang laging bukang bibig ng mama ko,  ni kahit ni minsan wala siyang pakialam sakin at minsan hindi pa nga niya naaalala ang pangalan ko kaya inggit na inggit ako kay Brysen dahil minahal siya nito habang akong nasa tabi hindi ako binigyan ng pansin, 

Amanda 7 years old

"Mama gutom na ako" tumingin sa kanya ang mama niya.

"LUMAYAS KA NGA SA HARAP KO NAKAKABWESIT KANG BATA KA SANA IKAW NALANG ANG NAMATAY BWESIT" galit na sigaw nito sa kanya kaya nagsimula ng umiyak si amanda

"ALIA ANO BA,  BATA LANG YAN" Sigaw din ng ama nito sa asawa.

"EDI SANA KUNG SINAMA NATIN SI BRYSEN EDI SANA KASAMA NATIN SIYA HINDI YUNG IBANG BATA ANG PINAPALAKI NATIN" agad kinarga ng ama si amanda..

"Anak anong gusto mo? bibilhin ni papa" napangiti naman ito.

"Gusto ko po fried chicken" galak na sabi nito.

"Sige ipagbibili ka ni papa" saka siya nito inilabas sa kwarto at inamo ng ama,  boung araw na nasa tabi niya ang ama niya at hindi siya nito iniiwan. 

Nasa playground sila ng mapatingin si amanda sa mga batang naglalaro at binabantayan ito ng mga ina nito kaya nalungkot siya.

"Papa bakit galit si mama sakin? Kasalanan ko po ba kung bakit nawala si kuya brysen? " biglang nalungkot ang ama niya saka ito lumuhud sa harap niya at ngumiti.

"Anak wag mo yang isipin,  intindihin mo nalang si mama namiss niya lang si kuya kaya pag wala ako isipin mo nalang na namiss ni mama si kuya ha at wag kang magalit sa mama mo" tumango siya at ngumiti

"Promise mo yan kay papa ha" tumango siya ulit at nag pinky promise silang mag ama.

Simula nun kahit gusto niyang lapitan ang mama niya ay umiiwas nalang siya,  pero sa tuwing nasa trabaho ang papa niya pinapalo siya ng mama niya at paulit ulit na sinasabing kasalanan niya.

"BWESIT KA SA BUHAY KO"

"Mama tama na po" Umiiyak niyang pakikiusap dahil pinapalo siya ng hanger nito sa kung saan saang parte ng katawan niya hanggang sa napaupo siya at nagmamakaawang itigil na pero hindi ito tumigil hanggang sa napagod.

"Dahil sayo kaya nagkaganito ang buhay namin,  bwesit yang kapatid ng ina mo bwesit ka sa buhay ko,  alam mo ba kung bakit kita tinanggap? DAHIL IPAPATIKIM KO SAYO KUNG ANONG GINAWA NG AUNTIE MO SA BUHAY KO"

"Mama" umiiyak niyang sabi at iniinda ang sakit.

"Kung hindi iniwala ni theresa ang anak ko sana kasama ko ang anak ko,  kaya sayo ko ipapatikim ang galit ko dahil magkadugo kayo ng bwesit na babaeng yun" saka siya nito iniwanan at wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito at umiyak lang ng umiyak hanggang sa nakatulog,  pag dating ng ama niya at gulat na gulat ito sa nakita at agad siyang kinarga.

"Amanda anak" nagsimula na itong umiyak ng makita ang kalunos lunos na dinanas ng anak sa kamay ng asawa kaya agad niya itong dinala sa hospital. Iniwanan niya muna ito sandali at binilin sa mga nurse para harapin ang asawa,  ng makauwi ay isang sampal ang ibinigay niya sa asawa.

"Hindi ko aakalaing ganito kang klaseng ina,  HINDI KASALANAN NG BATA KAYA UMAYOS KA ALIA" umiiyak itong tinignan siya.

"Alam mo bang nag aagaw buhay na ang anak natin? Alia wala ka bang awa? Bata lang yun at alam mo bang pwede kang makulong sa ginagawa mo? Nakulong na si theresa at kahit anong gawin mo hindi na babalik satin si Brysen at isa pa anak si amanda ng kaibigan mo,  gusto mo bang multuhin ka nun? Pinagkatiwalaan ka niya sa anak niya" hindi ito sumagot sa kanya.

"Kung ipagpapatuloy mo pa to hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan ka dahil wala akong asawang demonyo" sabay talikod nito ng yakapin siya ng asawa.

"Sorry,  hindi ko sinasadya" umiiyak nitong sabi.

"Isa lang naman ang hiling ko sayo alia kung hindi mo matanggap ang anak kong si Amanda wala akong pakialam pero wag na wag mong sasaktan si Amanda dahil siya ang tumulong sakin para palitan ang anak nating nawala,  sana maalala mo ang mga panahon na inalagaan natin siya habang masaya tayong dalawang buhat buhat siya,  ang makita ang ngiti niya napapangiti din niya tayo kaya sana maalala mo yan" hindi ito sumagot.

"Nalaman mo lang na kadugo siya ni theresa nag iba ang ugali mo sa bata," at tuluyan na niyang iniwan ng asawa at binalikan si amanda.  Dahil sa nangyari ay na trauma si amanda kaya isang buwan itong nasa hospital para sa therapy,  nagbago na rin ang kinikilala niya ina pero wala itong pakialam sa kanya pero hindi na siya sinasaktan,  kahit saan mag punta ang ama niya ay sinasama siya dahil natatakot itong iwanan baka saktan ulit ng ina, 

Lumipas nag panahon at desi-syete anyos na si Amanda ng mangyari ang hindi niya inaakalang mangyayari,  biglang inatake ang daddy niya sa sakit nito hanggang sa kalaunan ay namatay kaya gumuho ang mundo ni Amanda, 

Habang ang ina niya naman ay hindi makapaniwala na lahat ng ari-arian nila ay iniwan sa pangalan ni Amanda kaya doon nagbago ang isip ng ina niya,  para magkapera siya ay dinala niya ng maayos si Amanda para may access siya sa yaman nito at iniiwan siya ng ina niya sa tuwing nakakadala ng pera at mga ilang buwan itong hindi nagpapakita sa kanya hanggang sa nasanay na rin si Amanda na walang presenya ng ina niya hanggang sa lumaki siya,  nag tetext lang ito pag kailangan ng pera at binibigyan niya naman. 

Sa tuwing naalala ko lahat lahat ng nangyari noon. Ngayun alam ko na kung bakit.

Ampon lang pala ako kaya hindi niya ako kayang mahalin.

To be continue....

TheMirrorPrincess

The Agreement (18+) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon