Chapter 23

16.8K 374 26
                                    

Alam mo 'yun? Yung atlast nagka-aminan na kayo. Sana gagaan ang nararamdaman ng puso ko kaso hindi. Mas lalong bumibigat. Naaalala ko ang babaeng kasama niya sa restaurant at halatang mahal na mahal siya nito. At... wala akong karapatang hadlangan sila. Sila ang nababagay.

Mabilis akong lumayo sa kanya.

Tiningnan niya lang ako. At alam kong nasasaktan siya. Parang pinipiga ang puso ko, gusto ko siyang lapitan ngunit ayaw kong maging instrumento ng pagtataksil niya.

"Jacobo, matagal na panahon na ang lumipas na ikaw lang ang laman neto" itinuro ko ang puso ko "ngunit nasa dulo na tayo. Maging masaya ka sana sa taong nasa buhay mo na ngayon. Wag mo siyang saktan"

Tumayo siya at marahang humakbang papunta sa akin. Atras ako ng atras hanggang sa pader na ang nagpahinto sa akin.

"I don't understand Crisanta, ano ba ang ibig mong sabihin? b-bakit mo ako susukuan?" nagsusumamong tanong niya sa akin.

Nanghihina na ako dahil nararamdaman ko ang init mula sa kanya. Ayaw kong i-estima ang nararamdaman ko para mapanindigan ko ang desisyon ko. Nahihirapan na din ako.

"Noong isang araw, n-nakita kita sa isang restaurant, m-may kasama ka. Nakakahiya mang aminin ngunit naiingit ako dahil ang ganda niyong tingnan dalawa. Bagay na bagay kayo sa isa't-isa. Kahit nasasaktan ako ay masaya ako para sa iyo. Kaya please, hayaan mo na ako" masaganang tumulo ang mga luha ko. Ito na talaga iyon. Ang huling pamama-alam.

Nakita kong nagbago ang uri ng pagtingin niya sa akin. Naging mas malalim. Para akong hinihipnotismo.

"Ikaw ang mahal ko Crisanta, gagawin ko ang lahat magiging akin ka lang"

"Hindi mo ba ako narinig? May jowa ka na, ano ang gusto mong gawin ko? magiging kabit mo?" Mas pumait yata ang panlasa ko dahil sa huling sinabi ko.

Mabilis siyang umiling at tiningnan akong maigi

"No, I can't make you my mistress because initially, you are my woman and you will always be, My Woman. Tori and I are aware that we are just fooling ourselves"

umiling ako. Hindi, base sa sinabi ng babae ay malalim ang nararamdaman nito kay Jacobo.

"Please Jacobo, itigil mo na ito, w-wag mo na akong pahirapan!" pagsusumamo ko. Hindi parin nagbago ang tinging ipinukol niya sa akin.

"Crisanta, tell me you don't love me and I'll be gone forever. Just tell me"

Umiling ako.

"Tell me, please!" at napatigil ako dahil may tumulong luha sa mga mata niya.

Iniiyakan niya ako?

Wala akong masabi. Para akong nilamon ng guilt. Okay lang naman na ako ang masaktan. Pero hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

"Bakit ka umiiyak? iyakin ka narin ngayon?"

muntik ko pang mabatukan ang sarili ko sa sinabi ko.

"I can cry you a river if that what makes you stay Crisanta and I will never felt sorry"

Tumiim ako. Paksheyt. Marupok ba ang tawag sa akin? mukhang napipinto na kasing mawasak ang paninindigan ko sa harapan ng taong ito.

Hinawahan niya ang pisngi ko at madam-damin akong tiningnan.

"Maybe you are confused, I won't ask you again today. But I will come back and I will prove to you how deep this fucking love I felt for you. Rest now Crisanta" at mabilis niya akong hinalikan sa labi.

Hindi pa ako nakahuma ay mabilis na siyang lumabas ng kwarto. Biglang huminto sa pagproseso ang utak ko. Bago pa ako makahuma ay narinig ko ang pagsigaw ni tatang sa baba.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon