"JACOBO, MAPAPATAY KITA TALAGA! BWESIT KA" Galit na galit ako habang nagdudusa sa sakit. Hindi ko alam na darating kami sa punto na gusto kong mapatay ang lalaking nasa tabi ko. Mahal ko siya pero hindi ko alam ganito pala kasakit, kung alam ko lang. Hindi nalang sana.
Malambing niyang ginagap ang kamay ko habang hinahaplos ang noo kong basang-basa dahil tagaktak ang pawis. "I am sorry love, If possible lang na ako ang sasalo sa labor pains mo, I will do it. Nahihirapan din ako when you are in pain" ramdam ko ang paghihirap niya pero mas lalo akong nang-gagalaiti sa kanya.
Hirap na hirap na ako tapos nakuha niya pang mang guilt trip. "Kung alam ko lang, painless birth nalang sana kagaya ni Pauleen Luna, alam ko namang afford mo iyon. Pero nandito na ito, kaya ikaw, lagot ka sa akin pag nakaipon ako ng lakas" humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na mukhang wala na din siyang alam na gagawin dahil sa pag-alala.
Pumasok ang OB ko at dalawang nurse, kinuha na nila ako at isinakay sa stretcher para ipasok na sa labor room. Hindi na nakasama sa loob si Jacobo kahit nagpumilit siya.
3 point shooter nga talaga ang kumag dahil kahit isang beses lang iyon nangyari ay bulls eye agad. Naging challenging sa kanya ang paglilihi ko. Naging errand boy ko siya ng wala sa oras dahil gusto kong makita na siya ang naghuhugas ng pinagkainan ko, naglalaba ng damit ko, nagtatalop ng mangga o nagluluto ng mga cravings ko, pero wala siyang reklamo. Kahit tapos na ang paglilihi ko at pinababalik ko na siya sa trabaho ay umayaw siya. Ako pa lang ang nakakapag utos ng isang bilyonaryo.
"Push" anang OB kaya sumunod ako. APAKA SAKIT! Parang pinupunit ang katawan ko sa gitna,
Kahit nahihirapan ako ay naging masunurin naman ang baby namin ni Jacobo dahil hindi na niya ako pinahirapan, nararamdaman ko pa ang pagsipa niya sa loob upang makalabas na siya.
Malakas na iyak ng sanggol ang nagpagising ng diwa ko, akala ko kasi ay mahimatay ako. Hindi ko mawari kung ano ang maramdaman, ang iyak na iyon ay dritsong tumatak sa puso ko.
"Here's your healthy baby boy Mrs. Villafuerte, he weight 8 pounds. Malaking bulas, katulad ng ama" at tumawa ng mahina ang OB. Kahit nagdurugo parin ay napangiti narin ako habang kinulong ko sa aking bisig ang bunga ng pagmamahalan ng isang maralita at isang maharlika.
"Baby Jak-jak, Papa is here!" Narinig ko ang boses ni Jacobo na siyang nagpalundag sa tatlong taon na si Jakjak mula sa sinasakyan nitong inflatable na kabayo. Tumakbo ito sa entrance door at mabilis na binuhat ni Jacobo. Minsan nakakaramdam ako ng inequality sa dalawa. Ako ang naghirap, nagluwal at nagpuyat sa pagpapa breast feed sa batang ito pero ni isa ay walang minana sa akin. Mula sa kulot nitong buhok hanggang sa porma ng kuko ay kuhang-kuha ng kay Jacobo.
"Ang bango naman ng baby ni papa, what did you do today?" tanong ni Jacobo kay Jak-jak habang pinupog ang anak namin ng halik sa kili-kili. Tawang-tawa naman ito dahil na kiliti.
"I watch K-drama with mama" sagot nito. Mabilis akong umiwas ng tingin at tumayo mula sa sofa at nagkunwaring may gagawin sa kusina.
Naramdaman ko ang pagsunod nila Jacobo sa akin kaya nagpatay malisya ako at nagpapanggap na busy.
"Love, sino na naman ang oppa mo ngayong araw na ito?" seryosong tanong ni Jacobo. Ewan ko sa kumag na ito, ayaw niya akong manonood ng k-drama dahil nagseselos siya tuwing kinikilig ako sa mga male lead. Alam niya namang siya lang ang number 1 oppa ko.
"Wala, sige na magbihis ka na para mag dinner na tayo" kinuha ko si Jak-jak mula sa kanya ngunit imbis na ibigay niya sa akin si Jak-jak ay mabilis niya akong hinapit at mabilis na hinalikan sa labi. Sumigaw naman ang anak namin at mabilis na tinakpan ang mata.
BINABASA MO ANG
I hate you Boss
Non-FictionHindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bago pa ito dumating sa opisina.