Chapter 34

14.7K 315 8
                                    

Nasa gitna kami ng ballroom habang hawak-hawak ni Jacobo ang beywang ko kasabay ng mabagal na pagsayaw sa saliw ng musika. Hindi ko akalain na sa gabing iyon ay pormal na akong ipinakilala sa lahat bilang future Mrs. Villafuerte. Hindi ko alam paano ko natagumpayan ang gabing iyon dahil kanina palang ay para na akong mahihimatay sa nerbyos. Mabuti nalang at hindi ako inihiwalay ni Jacobo sa tabi niya kaya sa kalaunan ay naging palagay na ako.

"Jacobo, kailangan kong mag CR" hindi ko napigilang sabihin kahit nasa kalagitnaan kami ng isang romantikong gawa. Nakita ko ang pagkawala ng tawa ni Jacobo.

"Okay, should I go with you?" tanong niya sa akin, napailing ako. Kailangan siya doon at isa pa, mag c-CR ako, ano ba.

"Hindi na, i-entertain mo nalang muna ang mga bisita ha"

hinalikan niya muna ako bago niya ako bitawan. Kilig na kilig naman ako habang naglalakad papasok sa Ladies Room. Walang tao kaya pumili nalang ako basta-basta ng cubicle. Nasa kalagitnaan na ako ng may narinig akong mga pumapasok sa loob ng ladies room. Hindi ko na sana bibigyan ng pansin ngunit napatigil ako ng marinig ang isang pamilyar na boses.

"Fuck Jacobo, he sure knows how to pissed me off" anang isang boses na pamilyar sa akin.

"Why Carly? matagal naman na kayong break and I thought you already moved on"

"I should be but I cannot just accept na basura ang ipinalit niya sa akin, Him of all the people? I know Jacobo is a proud man and I am sure he just do that to tell on my face. Well, If his a jerk, I am a bitch, tingnan lang natin if that woman can survive my bitchyness"

Tumawa ito at napa tsk tsk naman ang kasama nito.

"Alam mo Carly, I am your friend but I won't support you on that. My family's business depends on the Villafuerte's power and I cannot mess with that. Remember, your father also are indebted with their power, so act smart Carly"

"You think Jacobo love that woman?"

Mabilis akong lumabas ng CR ng masigurong presentable na ako at walang lingon likod na nagtungo sa lavatory. Nakita ko sa peripheral vision ko ang shock ng dalawa.

Basura ako? oo mahirap ako pero hindi ako naging basura. Pinahalagahan ko ang sarili ko dahil pinapahalagahan ako ng taong nagpalaki sa akin. Hindi man sa karangyaan, puno naman ng pagmamahal.

Matapos akong makapaghugas ng kamay ay lumapit ako sa dalawa. Magaganda sila, at matatangkad. Nagmukha nga lang akong bubwit ngunit mataas ang kompyansa ko. Alam kong may karapatan akong ipagtanggol ang sarili ko.

"Kung may duda ka kung mahal nga ako ni Jacobo, tara itanong mo sa kanya" mabilis ko siyang hinawakan sa braso ang hinila.

Napapiksi siya ngunit ginamit ko ang aking lakas para mailabas siya sa ladies room.

"Bitiwan mo ako, ano ba!" sabi nito sa matinis na boses, nakakabwesit.

"Hey Miss, you are harassing her" anang kasama niya. Mabilis ko siyang tinapunan ng masamang tingin kaya napatikom ito ulit ng bibig.

Nahihirapan ako dahil nagpupumiglas si Carly ngunit determinado ako. Kung magiging skandalosa man ako sa paningin ng mga tao ay wala na akong paki. Sobrang naapakan niya na ang pagkatao ko. Civil naman ako sa kanya ngunit napaka betchessa parin ng babaeng ito.

Nakita kong lumabas si Maddie sa hall kaya mabilis ko siyang tinawag.

"Maddie! Tulungan mo ako dito"

Nanlaki ang mga mata ni Maddie dahil sa nasaksihan pero imbis na lumapit sa akin para tumulong ay mabilis itong nawala. Bumalik ito sa hall kaya napa mura ako ng kaunti. Lintik na babaeng iyon. Nangiiwan.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon