Hindi ako makapaniwala sa nabungaran ko sa araw na ito. Nasa kalagitnaan ako ng beauty rest ng tinawag ako ni Tatang na may bisita raw ako. Wala akong iniexpect. Si Jacobo ay may out of town business trip at dalawang araw siyang hindi makaka-uwi. Si Mommy Mavic naman ay tatawag iyon sa akin kung gusto niyang gumala. Kaya napanganga nalang ako ng mapagsino ang taong nakaupo sa sofa ng sala namin.
"Crisanta, kumusta ka na?" anang tao na akala ko ay hindi ko na makikita pang muli. Ngumiti ako sa pagbati niyang iyon. Matagal-tagal na rin pala mula nung huli ko siyang nakita.
"A-arnel?"
Ewan ko pero naluluha ako habang tiningnan siya. Siya pa rin naman ang Arnel na nakilala ko anim ba buwan ang nakalipas. Ang Arnel na tinuring akong kaibigan, ang unang taong nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako.
"Oo, ako nga"
Iginiya ko siya upang maupo uli. Tumango muna siya bago naupo.
"A-ano pala ang sadya mo?" hindi ko napigilang itanong ng makaupo na rin ako sa tapat niya.
"Wala naman, nadaan lang ako dito kaya naisipan kong bumisita sa inyo at i-congratulate ka" aniya at ngumiti uli.
Napabuka ang bibig ko sa huling sinabi niya. So, alam niya? Hindi naman sa ayaw kong ipa-alam sa kanya kaso nakakahiya din naman. Matapos ko siyang mabasted dahil nalaman kong hindi pala ako nakakamove-on kay Jacobo ay nahihiya na akong kontakin siya. Alam ko kasi ang pakiramdam na masaktan. Char! daming drama.
"Pero okay na ako. I just want to see you and I see you are happy kaya happy na din ako"
Ayan, tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Ang buting tao talaga ni Arnel. Sana makahanap na siya ng babaeng totoong magmahal sa kanya...
"Actually, I also came to tell you I am happy right now..." tumawa si Arnel at yumuko " I... came here for Maddie"
"Maddie?" teka, naguguluhan ako.
"Yes, si Maddie"
Hindi ko alam kong guni-guni ko lang iyon pero nanlaki ang mata ko at hindi ko na inalintana kong tumulo ang laway ko dahil sa laki ng buka ng bunganga ko. O to the M to the G!
"Wag mong sabihing..."
"Oo... akala ko noon confuse lang ako, alam kong gusto ko siya because she is your friend but then I see through her, when I see her again after healing from a broken heart... things have change"
Napatili ako ng wala sa oras sa sinabi ni Arnel dahil sa kilig. Hindi ako makapaniwala at ang bruhilda...
"Ang bruhilda! lagot ka sa akin mamaya" akala ko ay sarili ko lang ang kausap ko ngunit napalakas pala ang pagkasabi ko kaya nagulat si Arnel.
Mabilis ko siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. Ewan ko. Nasisiyahan ako masyado. Ang bait kasi ni Arnel kaya bagay si Maddie sa kanya para mapalayo naman ang bruhilda sa kademonyohan ng mundo. May sa demonyo pa naman ang babaitang iyon.
"Hoy!" napatigil ako ng may malakas na boses ang sumingit sa drama ko kay Arnel. Nakita ko si Maddie na nakahalukipkip sa harapan namin. Mabilis na tumayo si Arnel kaya naiwan akong tulala sa dalawa.
"Maddie..." Rinig ko ang kaba sa boses ni Arnel kaya tumayo na ako at hinila si Maddie.
"Ikaw ha, may landi ka na rin sa katawan at balak mo pang itago sa akin?" mabilis ko siyang binulungan at napahagalpak ng tawa dahil sa reaksyon niyang mukhang natatae.
"Infairness, pinasaya niyo akong dalawa" nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na mukhang nagkailangan pa rin "Iiwan ko na kayo dito at magbu-beauty rest pa ako"
BINABASA MO ANG
I hate you Boss
Literatura FaktuHindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bago pa ito dumating sa opisina.