Mabigat ang katawan ko. Wala akong ganang gumawa sa bahay at sa Grocery. Okay lang naman dahil nandun na si Shine, at least may mature sa tatlo.
Okay naman sana iyong disposisyon sa buhay ko bago siya dumating uli. Tanga lang, matapos mag I love you ulit ay ipinamigay na ako. Mag let go na daw siya? pakshit! matapos mong guluhin ang isipan ko? susuko ka ka-agad?
Never mo bang iniisip na mahal din kita? Na nasasaktan ako sa mga panahong pinili mo akong layuan kaysa sa ipaglaban? Kung mahal mo talaga ako? dapat, dapat nandito ka lang. Hindi mo ako iiwan. Pero baka nga, mahal mo ako pero hindi ako ang taong nakikita mong babagay sa pagkatao mo. Nasa tuktok ka, nasa lusak lang ako. Pakshit na malagkit ka talaga Jacobo. Ang sakit-sakit mo sa puso.
"Ate, kumain na daw tayo sabi ni Tatang, hindi ka daw nag-aagahan kanina, baka daw mapasma ka" narinig ko si Raiko sa labas ng kwarto ko.
Isa pa tong batang ito. Hindi man lang marunong makiramdam. Ayun, nagsisigaw. Pwede namang pumasok kung may matino namang pag-iisip.
Isinungaw ko ang ulo ko at masama siyang tiningnan.
"Isa pang sigaw mo ay makakatikim ka na talaga sa akin" inis kong sabi sa kanya.
Napakamot ito sa ulo.
"Eh kanina kapa pinapatawag ni Tatang, ayaw mo namang makinig kaya sumigaw nalang ako" pumiyok pa ito. Nag-bibinata na at matigas na din ang ulo.
"Bababa naman ako kung kakain ako, nambubulahaw kalang sa mga kapitbahay. Sige na, bumaba ka na at bantayan mo ang grocery, weekends ka nga lang napapakinabangan hindi kapa cooperative, batukan kita jan"
"Mainit na naman ang ulo mo ate, mag-asawa ka na kasi" nag-aasar na sabi nito at binirahan ako ng takbo. Isinarado ko na uli ang pintuan at nahiga sa kama.
Mabigat ang puso ko, ang sarap umiyak. I guess it is goodbye, charr english. Goodbye na siguro talaga.
"Cristita, papasok na ako ha" narinig kong tumawag si Maddie mula sa labas ng kwarto ko.
Bumukas ang pintuan at narinig ko ang hakbang ni Maddie papunta sa kama. Naramdaman kong lumubog ang gilid niyon ng umupo si Maddie. hindi pa din ako umimik.
"Huy! nag hunger strike ka daw sabi ng Tatang mo? anong drama mo ghorl?" pag uusisa nito.
"Wala" tipid kong sagot.
"Iyang Wala mo, Four letter word. pero dami kong feels. Parang meron eh"
"Wala nga, kulit nito"
"Hay naku Crisanta, tayo pa ba ang maglolokohan?"
Napilitan akong bumangon. Hindi ko talaga mapaglihiman tong isang ito. Kakagigil.
"Wala, ano lang, Alam mo yun? yung at last nakita mo na ulit ang taong mahal mo tapos sasabihan kang mahal ka pa niya tapos..." hindi ko matuloy dahil masakit ang puso ko.
"Tapos? tapos na? malihim ka na talaga. Hindi ko alam na inlove ka na pala. So kailan mo sabihin sa akin?"
"Eh, ano naman yun ehh, mahal ko lang naman siya pero hindi naman naginh kami, iniwan niya nga ako sa ere tapos... ngayon, gumigive-up na siya sa akin" malungkot kong sabi.
"Sino ba yang taong yan? si Arnel ba yan?"
Umiling ako. Magkakilala na sila ni Arnel. Minsan ni rin kaming nag dinner at chinaperon ko si Maddie, nag iinsist kasi siya noon para daw makilatis si Arnel.
"Hindi na importante na malaman mo pa ang pangalan niya. Magmomove-on na ako sa kanya. Magfofocus na ako sa buhay ko, ni Arnel. Sabi nga nila, hindi na ako bumabata"
BINABASA MO ANG
I hate you Boss
Non-FictionHindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bago pa ito dumating sa opisina.