"Sigurado ka bang okay ka lang na mag-isa papuntang bus station? Ihatid ka na namin" paniniguradong tanong ni Tatang habang isinilid ko ang huling gamit ko sa bag.
Magbabakasyon ako sa Probinsya nila Tiya Sonya baka kailangan ko ng sariwang hangin. Ilang linggo na ang nakaraan ngunit presko pa rin sa aking ala-ala ang gabi na iyon. Pinakamasakit dahil nagawa niyang magpropose sa akin ngunit natapos din ang gabi na gutay-gutay ang puso ko. Sumpa nga talaga ang ma inlove sa gwapo na mayaman, ang dami mong kaagaw.
"Okay na ako Tang, ako na ang bahala. Kayo dito, okay lang ba kayo? Ha' mo Tang tatawag ako palagi at babalik din naman ako, mamasyal lang ako kela Tiya" pinilit kong pasiglain ang boses. Ayokong mag alala si Tatang sa akin. Sobra pa naman ang bilib niya kay Jacobo kaya mas pinili ko nalang na isekreto muna ang lahat. Tutal, puso ko naman to kaya ako na ang bahala sa pagpapahilom nito.
"Wag mo kaming alalahanin. Pinagsasabihan ko naman na ang dalawa mong kapatid na magiging responsable, mukhang nakikinig naman iyon, itatawag ko rin pag nagpapasakit ng ulo" aniya.
Bumuntong hininga ako. Ayaw ko sanang umalis kaso lahat ng sulok ng bahay namin ay naalala ko ang kumag na iyon. At masikip ang mundo naming dalawa dito. Baka magtagpo kami sa isa sa mga kalye dito at magtatakbo ako patungo sa kanya dahil gusto kong balikan siya. Ayoko na. Gusto ko ng mag move on.
"Sinabihan ko naman din si Maddie na patingnan-tingnan kayo dito, Tumawag ka rin Tang kung may dinaramdam ka sa kalusugan ha?" huling habilin ko at niyakap siya. Tinapik ni Tatang ang likod ko bago ako lumabas ng pinto.
Isang sakayan lang naman papuntang Terminal kaya madali lang. Sumakay ako ng bus na papuntang Hilaga ng Luzon. Taga doon si Tiya Sonya. Ang sinabi ko lang sa kanya ay magbakasyon, excited naman siya dahil malapit na din ang kapistahan ng lungsod nila. Natuwa naman ako kahit kaunti dahil magiging masigla doon, baka makakalimutan ko na ang mga nangyayari.
Tatlo at kalahating oras ang byahe ng bus tapos sasakay pa ng jeep papunta sa lugar nila Tiya. Pero sabi niya ay susunduin ako kaya kampante ako. Inienjoy ko nalang ang mga mata sa mga nadadaanan ng bus.
Kahit pinilit kong iwaglit ay pumapasok sa akin ang rason kung bakit ako umalis. Mukhang nakuha naman ni Jacobo ang gusto kong iparating sa kanya. Matapos ang gabing iyon ay hindi na ito tumawag, nanghingi ng tawad at nagpaliwanag. Kahit na miss ko siya ay na aapreciate ko ang ginawa niyang ganoon. Mas nalaman ko na sinsero siya sa kanyang nararamdaman sa akin sa ginta ng sitwasyong kinaharap namin.
Kumusta na kaya siya? Kumakain ba siya sa tamang oras? Ngumingiti ba siya? O tumawa. Mabilis kong pinahid ang luhang nakatakas sa mata ko. Shet naman, ayaw kong magdrama, paano ako makakamove on nito?
"Ah miss, may nakaupo ba dito?" na-agaw ng isang boses ang page emote ko. Tiningnan ko ang nagsalita at tumango.
Mabilis naman itong umupo kaya umusog ako palapit sa bintana ng bus.
Pumikit ako at nagsisimula na sanang matulog ng magsalita uli ang katabi ko sa bus.
"Ah Miss, Saan pala ang San Nicolas?" ibinalik ko ang atensyon sa kanya. Noon ko lang nabistahan ang mukha nung tao. May hawig siya kay Arnel pero mukhang mas maputi. Mukha namang mabait kaya kinausap ko nalang.
"Titigil naman ang bus sa terminal doon, malalaman mo din na San Nicolas na iyon" Balik ko sa tao tapos ay tumingin na sa unahan. Kahit pareho kami ng destinasyon ay hindi ko din naman din kasi alam kung saan nga ba ang San Nicolas kaya ay ganoon lang ang sagot ko.
Gusto ko sana munang umidlip para mawaglit kahit sa maikling oras ang pag e-emote ko kaso mukhang gustong makipag-usap itong katabi ko.
"Ah Okay, Saan pala ang punta mo?" pasimpleng tanong nito na kinasingkit ng mata ko. Feeling close, at bakit ko naman sasabihin sa kanya, Aber?
BINABASA MO ANG
I hate you Boss
NonfiksiHindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bago pa ito dumating sa opisina.