PRESENT

11 2 0
                                        

Dalawang linggo na ang lumipas at sobra na ang pagkabagot ko


wala pa kasi akong napapatay


Matapos ang nangyari sa manliligaw ko, inobserbahan ko muna si Ally. Mahirap na, ayaw ko man syang paslangin pero kung makita kong magiging sagabal sya sa mga plano ko ay hindi ako magdadalawang isip.


Parang iba rin kasi ang pakiramdam ko, parang may palaging nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung konsensya ko lang ba yon o talagang totoong may sumusunod sa akin.


kelan ka pa nagka-konsensya?


"Ayan ka na naman e, nakikinig ka ba?!" bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Ally, tiningnan ko ito na nakataas ang kilay sa akin ngayon.


"Sorry, may iniisip lang" sagot ko naman. Bumuntong hininga sya at hinawakan ako sa balikat. Seryosong tumingin sakin.


"Hayaan mo na, magpapakita din yun." malungkot na saad nya. Napakunot naman ako ng noo. 


"Sino naman" nagtatakang tanong ko. Para namang nagtaka sya sa tanong ko, e sa hindi ko naman talaga kilala sinong tinutukoy nya e?


"Sino pa ba, edi yung manliligaw mo. Dalawang linggo na atang walang paramdam yun sayo e, pag tinatawagan ko naman ayaw sumagot." sagot nya naman. Bigla akong nakaramdam ng kaba, nag-ingat ako sa loob ng ilang linggo at ayokong masira lahat ng pinaghirapan ko dahil lang sa usapan na to.


"A-ah, o-oo nga hahaha, hayaan mo na. Baka nakahanap na nang iba" pakunwaring sagot ko. 


"Ayun maghahanap ng iba? e halos maglaway na nga sayo yun e, bakit ba kasi di mo pa sinagot?"  napakadaming tanong naman nito. Kinakabahan ako kasi baka isang sagot ko lang, masira na lahat ng plano ko.

Nag-ayos na ako ng gamit at tumayo.

"Di pa ko ready." sabi ko at lumabas na ng pinto. Hindi ko na inantay pang makasagot si Ally. 


Hay nako, Ally. 


Nakauwi na ako ng bahay at sumalubong sa akin ang tahimik na paligid. Pero ang nakakapanibago dito ay walang masangsang na amoy sa bahay ko. Nilinis ko kasi ito nang mabuti matapos nung nangyari nung nakaraan. Baka kasi may unexpected guess tayo dito, mahirap na.


*ring* *ring* *ring* 

Napatingin ako sa cellphone ko, may unknown number na tumatawag. Pina-ring ko muna ito nang ilang ulit saka ko sinagot.


"Be ready." napatalon ako sa narinig, takot kong binalik ang tingin sa cellphone na hanggang ngayon ay naka-on pa rin ang tawag.


"S-sino t-to?" sagot ko ngunit pagtingin ko uli ay nakapatay na ang tawag.


Shit. 


Hindi ko kilala ang boses ng tumawag, wala rin akong idea sino yun. 


Kung prank call lang yon ay humanda talaga sya, dahil hindi nya kilala kung sino ang pinaglalaruan nya.


Pero may iba sa pakiramdam ko, totoo ito.


at hindi ko alam, kung ano pang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon