Quarantine Day 8: The Meet Up

73 1 0
                                    

"Ready ka na?"

"Yes, kanina pa."

"Ok, here it goes...."

Mula sa kinatatayuan ko, sa bintana ng kwarto, nakita ko ang green na ilaw mula sa kabilang helera ng mga bahay. Patay sindi, nagsisignal sa akin na nandun sya, si Gerick.

"Nakita ko na!", masiglang pm ko kay Gerick. Isang malaking ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng mga sandaling iyon.

Simula kasi ng mag-quarantine, nanatili nalang kami ng family ko dito sa bahay. Sino ba naman ang magagawang lumabas kahit na gustong gusto mong lumabas. Pagbabawalan ka hindi lang ng mga kasama mo sa bahay kundi maging ng mga tanod sa barangay, huhulihin ka pa. Kaya ito, babad ako sa internet. At dito ko nakilala si Gerick or at least yun ang pakilala nya sa akin.

Halos lahat ng gay dating site na pwede kong i-download sa google play nai-download ko na yata dahil sa sobrang pagkabagot; Planetromeo, Blued, Daddyhunt, Grinder. At ito nga, just last week lang, I encountered Gerick sa Grinder.

Hindi katulad nung mga dati kong preferences na malalayo para discreet at walang makakakilala sa akin, napilitan kong makipagchat sa mga nearby chatters dahil nadin sa quarantine. At dahil sa lahat kami ay naka-quarantine, andami kong nakaka-chat na nasa paligid lang pala. Pero katulad ng inaasahan sa Grinder, kung wala kang maipakitang pic, hindi ka naman nila i-eentertain. Pero hindi ganun si Gerick.

Gerick is almost like me, same kami ng profile and preferences. At parehas kaming nakatira dito sa Saint Justine Village. Dalawang streets lang ang layo namin sa isa't isa. Kung tutuusin siguro baka ay nagkikita na kami sa sakayan ng jeep hindi lang namin alam. Parehas kaming nag-aaral sa college. Sa bandang Muntinlupa nga lang ako samantalang sa may Binan naman sya. Parehas kaming graduating na. Nakakadismaya nga dahil itong batch pa namin ang nagkaroon ng ganitong pendemic. Cancelled tuloy lahat ng gathering sa buong Luzon at kasama na dun syempre ang graduation namin. Hindi nga namin natapos talaga ang thesis namin. Mabuti nalang at nakapag data gathering na kami nun bago pa magka-quarantine kundi wala kaming matatapos.

Dahil sa mga ganitong sentiments sa school kaya kami nagkaroon ng pagkekwentuhan ni Gerick. Unlike most of the guys I chatted in Grinder, iba si Gerick. He is very sensible and funny ka-chat. Dami nyang kwento tungkol sa parents nya, sa mga classmates nya, maging yung alaga nyang aso nakwento na nya. Sa loob lang ng isang linggo naming naka-quarantine ay parang kilalang kilala ko na sya agad.

Despite of both of us being so discrete sa friends and family namin, I convinced him to at least tell me kung saan sya nakatira. At first, very hesitant sya. Ilang beses nya akong na-ghost sa Grinder sa tuwing nababanggit ko yun until napapayag ko sya pero with limitations. We agreed na magtu-turn on lang sya ng desk lamp sa bintana ng kwarto nya para makita ko kung saan ang bahay nila. Fortunately, nasa second floor ang kwarto ko facing the street kung saan daw sila nakatira kaya makikita ko kaagad kung saan ang bahay nila. Hindi na ako umangal pa sa kundisyon nyang iyon.

He said, we will "meet" daw tonight at my room. Natawa ako sa term na ginamit nya dahil technically hindi naman talaga kami magkikita but at least, this is the closest we will ever get lalo na at quarantine pa din ngayon. So right after dinner ay umakyat na agad ako sa room ko. I chatted him and he replied. Inaayos lang daw nya yung desk lamp nya at binabalutan pa nya ng green na colored paper. Puno ng excitement ang dibdib ko ng mga sandaling iyon. This is the first time na makikipagmeet ako sa ganitong paraan. Usually kasi diba, sa restaurant, sa mall, sa coffeeshop or kahit saang random place kung saan walang makakapansin sa inyo ang meet up.

I waived the curtains on my bedroom window and waited for him. Nakadungaw ako sa bintana ng kwarto ko at nakatingin sa katahimikan ng kalsada. Dahil sa quarantine, 8pm palang ay totally deserted na ang buong subdivision namin. Maging ang basketball court na madalas ay pinaglalaruan ng mga kapitbahay namin kahit gabi na ay tahimik na tahimik. Tulad ng ibang mga gabi, puno ng bituin ang kalangitan. Hindi ko alam kung excited din ang universe sa "meet up" naming ito pero ramdam ko ang pakikisama ng universe.

"Ready ka na?", basa ko sa pm ni Gerick.

"Yes, kanina pa." sounding so excited.

At sa ilang sandali pa nga ay nakita ko mula sa bintana ko ang maliit na liwanag na nagmumula sa helera ng bahay sa di kalayuan, mga dalawang kalsada mula sa amin. Ito ang pinaka exciting na meet up na nagawa ko. Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging set up namin pero nevertheless, I am happy.

"Hi, happy to finally meet you.", pm ko.

"Yeah, hahaha. Happy to finally meet you also.", sakay naman nito sa kalokohan ko.

"Hindi ka ba naman ba nahirapan i-set up yang desk lamp mo?"

"Ang totoo, improvise lang ito. Flashlight na nakatali sa monopod. Wala akong desk lamp eh hihi."

"Wise kid!"

"Kailangan gumawa ng paraan eh. Gusto kasi talaga kitang ma-meet."

"Hahaha, talaga lang ah."

"Oo naman. Hindi ka ba enjoy sa meet up natin?"

"Enjoy syempre. Ang cool nga eh."

"Mabuti naman at nagustuhan mo."

"Sa susunod, kapag walang ng quarantine, merienda tayo ah. May masarap na barbeque dun sa kabilang street. Baka gusto mo?"

"Yung nasa tabi ng clubhouse?"

"Oo dun nga. Nakain ka ba dun?"

"Oo naman. Dun ako nabili ng ulam kapag hindi ko gusto ang luto dito sa bahay eh."

"Masarap nga ang barbeque nila dun. Sige dun tayo ha. Libre ko na."

"Sige ba. Kaso baka mamulubi ka sa akin. Malakas akong kumain."

"No prob. Ako na bahala sayo. Basta ikaw sa sago't gulaman ah."

"Oo ba. Kahit isang timba pa. Basta ikaw."

"Tapos tambay tayo dun sa ay basketball court."

"Yung malapit sa inyo ba?

"Oo, yung nandito sa street lang namin."

"Wala bang makakakilala sa atin dyan?"

"Bakit, maghoholding hands ba tayo habang nakatambay?"

"Sira, hindi syempre!"

"Yun naman pala eh. We can play it cool. Parang tropa lang na nakain ng bbq habang nanonood ng naglalaro. Tingin mo?"

"Pwede din naman. Naglalaro ka ba ng basketball?"

"Hindi masyado. Badminton kasi ang laro ko. Ikaw ba?"

"Wala akong alam na sports. Mas prefer kong mag gala."

"Lakwat chero ka pala."

"Medyo. Hindi mo ko mapapaupo sa isang lugar lang ih."

"So, I can only imagine kung gaanong kating kati kang lumabas ngayong naka lockdown tayo."

"Sinabi mo pa. Nakakabaliw dito sa bahay. Sobra!"

Humaba ng humaba ang convo namin ni Derick ng gabing iyon. Nakapatay ang ilaw ng room ko kaya hindi na siguro napansin ni mama na gising pa ako. Bago kasi ito pumasok sa room nila ni papa ay nakatok muna yun dito to check on me pero tonight ay mukhang hindi na.

Umabot ang convo namin ng halos alas 2 ng madaling araw pero wala sa amin ang gustong tumigil.

"Ala, 2am na pala.", pagtingin ko sa oras.

"Oo nga noh. Haba ng text natin."

"Kaya mo pa ba?"

"Actually medyo inaantok na ako eh."

"Ganun ba, sige bukas nalang ulit."

"Ok lang ba?"

"Oo naman. Salamat sa meet up natin."

"Haha, salamat din. We should do more dates like this sometime."

"So, this is a date?"

"Gago hahaha, meet up lang."

"Ok, sabi mo eh lol."

"Oh sya, tulog na tayo. Tetext nalang ako bukas."

"Ok, sleep na. Good night Gerick."

"Good night din.



to be continued...

Two Streets ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon