General Community Quarantine : Finale

16 1 0
                                    

"Himala sumama ka para mag grocery ngayon.", alaska sa akin ni papa.

"Wala din naman po akong gagawin sa bahay ngayon. Tsaka ayaw nyo nun, may katulong kayo sa pagbuhat ng mga bibilhin natin."

"Asus, kunwari ka pa. Ayaw mo lang tulungan mama mo sa paglilinis ng bahay."

"Hindi po ah.",

It's been a month and wala na akong narinig pa kay Gerick. I don't know if he will ever message me again. Nung denelete nya ang mga accounts nya sa social media, nabura na din ang mga convo namin na pwede ko pa sanang balikan upang magpaalala sa kanya sa akin.

Gerick, yun lang ang aking pagkakakilanlan sa lalaking naging tagapaligtas ko sa ilang buwan ng lockdown. I practically do not know his fullname. At ang nakakalungkot dun, ni hindi nya alam ang tunay kong pangalan. All he ever knows about me is my username and my number. He knows about my dreams but he never knows my name. I never imagine I will get this hooked about someone I just met online. Pero katulad nga ng lagi kong sinasabi, sya ang nagligtas sa akin sa mundo ng depression at boredom nung mga panahong yun.

After a while, I managed to move on. Maybe, but not entirely. Hindi naman pwede na manatili nalang akong ganito for the rest of my life. Hindi pa din naman nawawala ang lockdown sa lugar namin. Naging maluwag lang ng konti pero nandun pa din ang mga precautionary measures. I was able to chat with some people over the internet pero hindi ko mahanap yung connection na nahanap ko kay Gerick.

There are times na sumisilip pa din ako sa bintana ng kwarto ko para makita kung may tao na sa dati nilang bahay. I was surprised nung isang linggo ng makita kong may kurtina na ulit sa mga bintana nito. Agad akong tumakas kina papa para dumaan sandali pero nalungkot ako ng isang middle aged na babae ang lumabas sa may pinto upang magtapon ng basura sa may labas nila. Marahil ay sila na ang bagong nakatira doon.

"Ganito ba ang feeling ng walang closure?", minsan kong naitanong sa sarili. Hindi man kami naging magkarelasyon ni Gerick ay parang ganun ang dating sa akin ng sandali naming pagkakakilala. Ito na ba ang new normal? Lahat ay nangyayari na lamang online? Wala ng totoong koneksyon sa kapwa. Labis na lungkot pa din ang aking nararamdaman sa tuwing maalala ko ang mga ito ngunit tulad nga ng sinabi ko, hindi pwedeng manatili akong ganito.

Unti unti ay sinisikap kong lumabas ng bahay. Bumili sa tindahan kung kailangan. Magpahangin habang nagwawalis ng bakuran namin. Gusto kong maramdaman na bahagi pa din ako ng isang mundo na nasa bagong estado, ang new normal. Ayokong ikulong ang sarili ko sa kwarto at makipag chat na lamang sa taong hindi ko naman talaga kilala. Ayoko ng ganitong mundo, hindi pa din nagbabago ang pananaw ko sa new normal ngunit hindi maaaring hindi ako makibagay.

Tinuruan ako ni Gerick kung paano magpakatotoo sa aking sarili. Tinuruan nya ako na may mundo maliban sa mundo na kasalukuyan kong ginagalawan. Tinuruan nya ako kung paano mangarap at abutin ang mga iyon. Nakakalungkot man na hindi ko na sya makakasama, ayoko namang maging hadlang ito para hindi ko tuparin ang mga iyon. Isang malaking balakid man ang lockdown sa panahon ngayon, hindi pwedeng walang bukas upang sumubok muli.

Sinikap ko na gawing maganda ang alaala ni Gerick sa aking puso at isipan. Hindi man sya totoo sa tingin ng iba ngunit para akin, hindi sya kathang isip lamang.

***

"San mo gustong kumain?", alok ni papa matapos naming mag groceries.

"Parang nag crave ako sa Chowking pa. Gusto ko ng Lauriat. Pwede na mag dine in diba?",

"Oo, pwede na. Sige, i-baggage counter muna natin ang mga ito tapos balikan natin mamaya para wala tayong bibit pagkakain."

Parehas lang na nasa ground floor ng Robinsons Galleria South ang groceries at Chowking kaya madali lang puntahan. Kahit pwede ng lumabas ay sadyang kaunti pa din ang mga tao dito. Karamihan sa mga nakikita ko kanina pa ay mga riders na nagdedeliver ng pagkain sa mga umoorder sa kanila. Ang iba ay mga katulad din naming bumibili ng groceries nila. Ibang iba sa itsura ng isang mall bago pa mag lockdown. Nakakalungkot ang ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung kailan ngunit medyo matatagalan siguro bago ako masanay sa ganitong sitwasyon.

Two Streets ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon