Quarantine Day 42: Takas

16 0 0
                                    

"Bakit bigla kang natahimik?", basag ni Gerick sa katahimikan ko.

Isang boring na tanghali ay nag videocall kami. Matapos mananghalian ay pumayag itong makipagkwentuhan dahil wala din naman daw syang gagawin. Habang nakahiga sa kama ay nakabukas ang viber namin.

"Ha? Wala naman. Anong ginagawa mo ngayon?", tanong ko dito.

"Kausap ka.", pilosopo nitong tugon. "Sorry naman, ito nakahiga lang din. Bakit parang nag-iba ang timpla mo?"

"Ilang beses ng na-extend ang quarantine?"

"Hmm, tatlo na. Bakit?"

"Pano kung pag natapos itong quarantine na ito, ma-extend sya ulit?"

"Kapag mataas pa din ang bilang ng mga nagiging positive sa covid, ma-eextend sya talaga."

"Pano kung hindi na sya matapos?"

"Matatapos yan. Ano bang sinasabi mo?"

"Kung matapos man, magiging new normal na tayo diba?"

"Yun ang sinasabi ngayon sa mga balita. Marami na talagang magbabago."

"Ayoko ng ganito Gerick."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayoko ng new normal.", at sa sandaling iyon ay gumuhit ang lungkot sa aking mukha.

"Ok ka lang ba?"

"Gerick, gusto kong lumabas. Gusto kong maglakad ulit sa kalsada. Gusto kong mamasyal ulit. Gusto kong makita ulit yung mga lugar na dati ko ng pinupuntahan. Gusto kong makita yung mga lugar na nasa bulletin ko. Gusto kong puntahan yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. At higit sa lahat, gusto kitang makita."

Hindi ko alam kung maiiyak ako sa sitwasyon naming iyon pero wala naman kaming magagawa. Ito na marahil ang magiging bagong buhay namin dahil sa covid. Maraming magbabago. Maraming mawawala. Mapapalitan ng mga bagay na puro limitasyon.

"Alam mong hindi pwede."

"Alam ko naman yun. Nakakalungkot lang dahil baka nga ito na ang magiging buhay natin. Parang nakakulong. Parang wala ng kinabukasan."

"Wag kang magsalita ng ganyan. Lilipas din ito. Pansamantala lang ito, alam mo yan."

"Iniisip ko naman yan. Ang hirap lang talaga tanggapin minsan."

"Alam mo, kung pwede lang kitang yakapin ngayon ay yayakapin kita."

Ngumiti ako dito dahil simula nung naglockdown, maliban sa mga magulang ko, ay si Gerick lang ang naging kasama ko.

"Alam ko. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo dahil lagi kang nandyan eh. Mabuti at hindi ka nabobore na kausap ako. Parang lagi nalang tayo ang magkausap simula nung lockdown."

"Anu ka ba, wala yun. Pasalamat din naman ako sayo dahil kinakausap mo ako. Hindi naman ako ma-videocall talaga. Ikaw lang naman ang kausap ko dito."

"Bakit? San mga classmates mo. Hindi mo ba sila naka text o pm manlang?"

"Hindi masyado. Hindi sila nagpaparamdam after ng lockdown eh. Baka busy din sila sa kanila."

"Ganun ba, mabuti nalang talaga at naging magkachat tayo nun noh."

"Kaya nga eh."

"Gerick......."

"Anu yun?"

"Gusto mong lumabas?"

"Ano? Pano?"

"Hmmm. Pwede naman tayong lumabas kung dito lang tayo sa atin. Hindi tayo lalayo."

Two Streets ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon