"May problema ba? Anong nangyari?", maigsing pm ko kay Gerick pagkauwing pagkauwi sa bahay.
Matapos kong marating ang likod ng clubhouse kung saan kami magkikita ay may nagsalita mula sa aking likuran. Nagitla pa ako dito dahil madilim dilim. Lumapit ito ng bahagya sa akin. Naka black t-shirt ito, naka face mask at kasing tangkad ko. Hindi ko man ito lubusang maaninaw sigurado akong hindi ito si Gerick.
"Musta", ang bati nito sa akin.
"Musta din.", ang nag-aalangan kong tugon. Inaaninaw ko pa din ng husto ang mukha nito ngunit sigurado talaga akong hindi sya si Gerick.
"Hindi ikaw si Gerick.", ang sabi ko.
"Mas mabuting hindi mo na sya hanapin pa.", malamig nitong tugon.
"Bakit anong nangyari sa kanya."
"Hindi naman talaga kayo magkakilala ni Gerick diba?"
"Ha?"
"Sa grindr lang kayo nagka-chat. Nag pm. Nagvideo call. Tapos ngayon balak nyong mag meet-up."
"Bakit, sino ka ba?", bahagyang pagtaas ng boses ko.
"Kung sasabihin ko ba kung sino ako, titigilan mo na ang pakikipag video call kay Gerick?"
"Bakit naman ako titigil? Wala naman kaming ginagawang masama. At isa pa, si Gerick ang ka-meet ko dapat ngayon, hindi ikaw. Asan ba sya?"
"Hindi na mahalaga kung bakit hindi sya dumating ngayon."
"Panong hindi mahalaga? May usapan kami at nag agree sya na pupunta. Sino ka ba talaga?!"
Hindi ito umimik, tinitigan lang ako nito at dahan dahang lumakad paatras sa akin.
"San ka pupunta? Sagutin mo ko."
"Sa huling pagkakataon ay sasabihin ko sa'yo na itigil mo na ang pakikipag video call kay Gerick."
"Eh kung ayoko. Isa pa, kami lang ni Gerick ang magdedecide kung titigil na kami sa pakikipag video call sa isa't isa. Ano bang pakialam mo?!", inis ko.
"Bakit ganyan ka nalang kung umasta para kay Gerick eh hindi mo naman kilala ng lubos yung tao?"
"Sapat na yung 3 months na magka chat kami para makilala ko sya. At hindi ako titigil dahil lang sinabi mo."
"Ikapapahamak mo lang ang ginagawa mo."
"Ano? sira ulo ka ba? Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Kung hindi kita mapipigilang makipagvideocall sa kanya, pilitin mo nalang na hindi na makipag meet up pa sa kanya."
"At bakit ko naman gagawin yun?"
Ilang sandali bago ito sumagot sa akin.
"Dahil ayoko na makitang masaktan sya ulit."
***
Lutang ang isip kong naglakad pauwi matapos ang mabilis na usapan namin ng lalaking yun. Hindi ko alam kung paano ako muling nakapasok sa bahay namin ng hindi napapansin ng kahit na sino. Pagkahubad ng hoodie ay agad akong nag pm kay Gerick ngunit hindi ito nagreply. Hindi din ito online. Tulala akong nakatingala sa kisama. Sunod sunod ang mga tanong na nabuo sa aking isipan ng sandaling iyon. Sino ang lalaking humarap sa akin? Anong nangyari kay Gerick? At bakit ako mapapahamak kung makikipagkita ako sa kanya?
Binabalikan ko ang lahat ng napagkwentuhan namin nito for the past 3 months at wala akong maalala na nabanggit nya tungkol sa lalaking yun. Bakit parang kilalang kilala sya nito at sobrang protective at may pagsabi pa na ayaw lang daw nyang makitang masaktan "ulit" si Gerick. Talagang may pag "ulit" sya. Sino bang tinutukoy nun, yung ex kaya ni Gerick? Eh base naman kay Gerick ay ok naman sya sa paghihiwalay nila nung ex nya. Naka move on naman din sya dun dahil kung hindi, hindi nya ako hahayaang pumorma sa kanya. Ako ba ang tinutukoy nyang mananakit kay Gerick? Bakit ko naman sasaktan yung tao? Ngayon pa nga lang kami nagkakakilalan sasaktan ko na agad. Grabe naman sya.
BINABASA MO ANG
Two Streets Apart
Romance"Kung hindi lang sana tayo naka-lockdown ngayon, napuntahan na sana kita. Salamat dahil kahit sa ilang araw na nagkasama tayo, naramdaman ko na may pag-asa pa pala. Hindi man ngayon, siguro sa ibang pagkakataon. At sa araw na yun, sasamahan kita sa...