"Meron ka bang regrets in life, so far?", tanong ni Gerick .
"Pinagsisisihan? Parang wala naman. Bakit mo natanong?"
"Wala, sure ka? Sige baguhin ko tanong, kung sakaling last day mo na, kung sakali lang naman, ano yung mga bagay na masasabi mong sana ay ginawa mo nung pwede mo pang gawin?"
"Grabe naman sa tanong tong taong to, parang mamamatay lang?"
"Exactly my point, say nagka corona virus ka, kunwari lang, ano yung pwede mong maging regrets sana in life?"
"Ang deep naman ng tanong na yun, pero sige papatulan ko."
Ilang sandali din akong nag-isip ng sagot sa tanong ni Gerick.
"Kung magkakaregret ako sa buhay ko, siguro yun ay yung hindi ko nagawang maging pasaway na tao sa parents ko or sa mga classmates ko."
"Ha?"
"Gerick, I have always been a good son to my parents and I love them so much. Lagi kong ginagalingan sa pag-aaral dahil ayokong madisappoint sila sa akin. Lagi kong sinusunod ang mga utos nila. Hindi man lahat pero ginagawa ko yung mga bagay na sinasabi nilang makakabuti sa akin. College na ako pero wala pa akong bisyo dahil sabi nila makakasira daw sa pag-aaral ko. Lahat ng ginagawa ko ay base sa standards na nabuo nila para sa akin."
"... so kung bibigyan ako ng chance, gagawin ko lahat ng kalokohan na hindi ko nagawa noon. Gusto kong pumasok sa comedy bar, sa gay bar, sa farenheit, sa nectar or kahit saang bar na merong mga bakla where they can express themselves ng walang huhusta sa kanila. Gusto kong hindi umuwi ng maaga dahil mag-aalala sila mama at papa. Gagala ako kasama mga classmates ko or kahit ako lang mag-isa kahit saan basta pwedeng mapuntahan. Gusto kong mag jowa na pwede kong ipakilala sa kahit na kanino, jowa na hahalikan ko kahit nasa kalsada kami at maraming tao ang nakatingin at wala akong pakialam sa kanila. Gusto kong bumili ng san mig flavored at mag-inom hanggang mag madaling araw. Kakain ako ng kahit na anong masarap at hindi ko iisipin kung tataba ba ako. Bibili ako nga kahit na anong gusto kong bilhin gamit ang savings ko ng hindi iniisip kung may pera pa ako kinabukasan."
"....kahit minsan sa buhay ko gusto kong maging masama. Gusto kong gawin ang mga bagay na yan ng hindi inaalala ang kung ano mang ang iisipin ng ibang tao, ng mga magulang ko. Kahit minsan, gusto kong maging malaya sa lahat ng standards at expectations ng mundong ito sa akin."
Matapos kong sabihin ang lahat ng iyon ay parang gumaan ng loob ko. Matagal ko ng kinikimkim sa dibdib ang mga bagay na iyon at hindi ko akalaing magiging ganun kasarap sa pakiramdam na mailabas ito lahat, kahit sa kunwa kunwarian lang. Alam ko mahirap gawin ang mga yun pero masarap pala sa pakiramdam na may nakakaalam ng ganitong part ng sarili ko.
"Ang sama kong tao no?"
"Oh, bakit mo naman nasabi yan."
"Kasi imbis na magfocus ako sa family ko which what most people would do on their last day, sarili ko pa ang iniisip ko."
"Wala naman sigurong masama na magpaka totoo diba kahit hypothetical lang."
"Thanks. Hindi ba nagbago ang tingin mo sa akin?"
"Hindi. Infact mas nagustuhan nga kita eh."
"Talaga ba."
"Oo naman."
"Salamat. Eh ikaw ba?"
"Ako ang alin?"
"Kung halimbawa last day mo na din, anong pwede mong maging regret in life?"
Akala ko, katulad ko, mag-iisip muna sya bago sumagot. Pero kagulat dahil parang may sagot na syang kanya bago pa nya itanong iyun sa akin kanina.
"Kabalikataran ng regrets mo."
BINABASA MO ANG
Two Streets Apart
Romance"Kung hindi lang sana tayo naka-lockdown ngayon, napuntahan na sana kita. Salamat dahil kahit sa ilang araw na nagkasama tayo, naramdaman ko na may pag-asa pa pala. Hindi man ngayon, siguro sa ibang pagkakataon. At sa araw na yun, sasamahan kita sa...