"Ui musta ka na!!", pm ko kay Gerick. Halos isang linggo ko din syang hindi nakausap. Kahit sa pm hindi sya sumasagot. Kahit text wala.
"Ok naman."
"Anong nangyari sayo? Tagal mong hindi nagparamdam ah."
"Sorry pre, medyo naging busy lang."
"Busy? Ano namang pinagkabusihan mo?"
"Tinulungan ko si dad sa ilang mga gawain nya sa work. Since bahay lang daw ako baka pwede syang magpatulong."
"Ah ganun ba. Sobrang busy naman yata ang inabot mo na kahit sa text hindi ka manlang sumasagot."
"Sensya na. Natabunan kasi kami ng paper works talaga. Naipon simula pa nung lockdown."
Sinubukan kong i-video call si Gerick pero ni-reject nya.
"Bakit mo ni-reject?"
"Sorry. Medyo mabigat pa pakiramdam ko eh. Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi."
"Ganun ba."
"Pero pwede naman tayo pm."
"Sige, hmmm nanonood ka ba ng mga kdrama?", tanong ko para lang may pagkwentuhan kami.
"Hindi. Ikaw ba?"
"Hindi din kaso since lockdown, sinubukan kong manood."
"Kdrama ba talaga o yung mga BL series?"
"Alam mo yun?"
"Oo."
"Talaga?! Nanonood ka?"
"May mga napanood na din akong ilan. Ikaw ba?"
"Konti palang naman pero sobrang kilig na ako hahaha. Ang korni ko."
"Ok. Normal lang yan sa mga nakakapanood nyan."
"Bakit ba ikaw hindi?"
"Sakto lang."
"Panong sakto lang?"
"Tamang ngiti ganun. Pero hindi kilig na parang ikaw ngayon."
"Grabe sya oh. Parang ang taas ng energy ko kiligin tapos ikaw, sakto lang."
"Eh ano bang gusto mong sabihin ko, na nagtititili din ako sa sobrang kilig?"
"Hindi naman sa ganun. Para lang kasing wala kang karomaromansa sa katawan nyan ih"
"Hindi na kasi bago sa akin yung mga ganung plots."
"Talaga ba. Bakit naman?"
Hindi agad ito nagreply sa tanong ko.
"Nagsusulat na kasi ako dati ng mga novels. Saktong novels lang naman. Pang amateur ba."
"Talaga ba! Kelan pa? Nakapublish ba?"
"Sa wattpad lang naman yun. Hindi pa naman sya na isasalibro."
"Pero published pa din online!"
"Oo"
"Kelan ka nasimulang magsulat?"
"Second year yata ako nun. Nakita kong nagbabasa ang mga classmates ko. Nung una nacocornihan ako kasi sabi ko pang bata at pang hopeless romantic lang yun. Wala kasi syang pinagkaiba sa precious hearts romances na novels. Mga fictional love stories ba."
"Eh ano namang masama sa mga fictional love stories?"
"Yun ang number 1 reason kung bakit maraming mga tao ang single at hindi makahanap ng maayos na karelasyon."
BINABASA MO ANG
Two Streets Apart
Romance"Kung hindi lang sana tayo naka-lockdown ngayon, napuntahan na sana kita. Salamat dahil kahit sa ilang araw na nagkasama tayo, naramdaman ko na may pag-asa pa pala. Hindi man ngayon, siguro sa ibang pagkakataon. At sa araw na yun, sasamahan kita sa...