Chapter 1 *HOSPITALIZED*

205 8 3
                                    

Chapter 1
-
'so bulag na ako?' Tanong ko sa secretary ko.
"Ngayon po yes, pero maybe daw po next week maooperahan na po kayo para makakita na kayo."
'Ok. You can go ahead. I can handle myself now' sabi ko sabay taklob ng kumot sa ulo ko.
"Are you sure ma'am?"
'Look Cherry, bulag lang ako. Hindi ako paralisado. Sige na, you can go.' kalmadong sagot ko.

ITIM.

Yan lang nakikita ko pero parang nag-eenjoy yata ako. Di ko rin alam! Ang sarap lang siguro sa pakiramdam na 'di mo muna makikita yung mga taong nandyan lang para sumipsip sayo, na tanging promotion lang ang hangaring makamit sayo. You know? mga taong TUPPERWARE. ang kapal na nga, plastic pa.
Bukod pa dyan ang sarap lang talagang sa pakiramdam pag 'di mo nakikitang nag-iisa ka lang talaga. Na wala naman pala talagang nandyan para sa'yo. Oo nararamdaman ko parin sya, pero atleast nababawasan naman yung sakit na nararamdaman ko. Kung baga kung dati isang kilo, ngayon mga isang guhit ang nabawas. Atleast nagkadiscount naman kahit papano.
*tok tok!*
"Come in!" sabi ko sabay upo na para bang di bulag.
"Good Morning Ma'am. Its time for your medicine." Sabi ng nurse na di ko maunawaan kung lalaki ba o babae.
"Excuse me."
"Yes ma'am?"
"are you a boy or a girl?" Letse, bat ko naitanong yun?
"I'm both." Sagot niya.
"So you're a ----"
"Joke! Babae po ako! Si ma'am naman jokers!" Pahabol ng nurse.
"Aheeehehee" nagpilit akong tumawa.
"Yan.. Ok na po ma'am mamayang tanghale naman po ule yung next pagtake nyo ng medicine. Bale ok na po. Wala na po kayong gagawin. Gusto nyo po bang buhayin ko yung tv?" ABA MATENDE! Mukha ba akong nakakunuod ng TV sa kalagayan ko ngayon? Di ko alam kung nagjojoke lang siya oh nananadya na eh.
Sure ba yung secretary ko ng naadmittan kong ospital? Baka naman mental 'to at parang puro mga waley na stand-up comedian ang tao.
"Joke lang po ule!"
"Ahhahaha.." K.
"Uhm baka gusto nyo po muna lumabas? Pwede ko kayong dalhin sa garden." Sabi nung nurse. Boring din naman dito kaya pumayag na ako.
"Sige. Total wala naman akong gagawin ngayong magdamag kundi humiga at matulog." Pagsang-ayon ko.
"Uhm.. Could you lend me a hand?" needless to say, Tinanong ko narin baka pagsarilihin pa ako nitong nurse na'to alam na ngang bulag ako. Aba baka pag hanapin pa ako nito ng wheel chair eh baka pag nahanap ko na eh lasog lasog na katawan ko.
Tinulungan nya akong makababa sa kama ko and guided me to the wheel chair. Unti-unti kong naramdaman ang pag-usad ng inuupuan ko. Medyo kinabahan ako. Baka sa sobrang pagpapatawa ng nurse nato eh sa morge ako patambayin nito edi ako naman sarap na sarap sa paglanghap.
*tog*
tumigil na ang takbo namin.
"Andito napo tayo ma'am" sabi ng nurse.
Suminghot akong mala the hulk. Sinisigurado ko lang na garden tong napadpadan ko. Iba rin talaga ang tama ng nurse na nakadelegate sakin eh. Kaialangan chinicheck mo rin siya.
"Hmmmmmmm....Ok. Garden na nga." Sabi ko na parang natanggalan ng isang kilong tinik sa dibdib. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ang nakatanim dito pero i guess its roses base sa nalalanghap ko.
"Anong akala mo dito, morge?" Tanong ni kuya.
Teka?
Kuya?
May kuya ba?
May kasama ba akong kuya kanina? Huh? Napalingon-lingon ako sa paligid. Pero kAhit anong gawin ko, black parin nakikita ko.
"So bulag ka." Salita ulit ni kuya.
"Wag po.." Sabi ko na may halong takot at pangamba. Malay ko ba kung rapist 'tong nasa tabi ko. Kung serial killer to, pano ako tatakas? Bulag ako! Teka nasan naba yung nurse na kasama ko?
"nurseee!" Sigaw ko.
"Nurse!"
"Nurse!"
Sh*t bakit wala yung nurse? Jinojoke nanaman nya ba ako?
"Umalis yung nurse na kasama mo, may emergency ata." Sabi sakin ni kuya.
Hala! Edi yung guard nalang!
"Guard!"
"Guard!"
Bigla ko nalang naramdaman ang isang bagay na nakatakip sa bibig ko.
"Oh bakit?" Sabi ni kuya.
"Inaano ba kita? Wala akong gagawing masama sayo, tsaka pasyente din ako."
Tinanggal nya yung kamay niya sa bibig ko.
Napanuntong-hininga ako.
"Eh kasi baka mo'ko re---" natigilan ako.
"Re?" Napatanong si kiya na parang hininhintay ang kasunod.
"Resbakan! Yon! Baka mo'ko resbakan! Malay ko ba nakaaway kita dati eh." Nailed it.
"Oh? Siguro. Pero ngayon hindi." Sagot niya.
"Huh? Pinagsasabi mo?" Napatanong ako.
"Baka nung nakakaalala pa ako, kaso wala na eh."
"Pwedeng magsalita ka ng tagalog?" Badtrip. Kung di naman mga komedyante mga tao dito, aba! Mga manunulat naman ata ng literatura.
"May amnesia ako."
"Ah.." JUICE COLORED. Iba din tong lalaking to eh. May amnesia lang pala kala ko naman kung ano ng sakit ang meron at kung ano-ano ng sinasabi.
"Bulag ka no?" Needless to say.
"Yep."
"Napano ka?" Tanong niya na parang dianig pa ang doctor ko.
"Car accident. Ikaw?"
"Ganun din."
"Ah.. What a coincidence." So parehas lang kami, nagkataon lang mata sakin, ulo sa kanya.
"Ako nga pala si Orion" sabi ni kuy-- Orion nga pala.
"Hi."

*silence*

*silence*

*silence*

"Huy!" nabigla ako sa lakas ng boses niya.
"Oh baket?!"
"Hi lang?" Tanong nya. Oh? Anong problema? Nagpakilala siya tapos nag hi naman ako? Ano bang kulang? Uhmmm...
"Ay oo ngapala. hi PO. Oh ok na?"
"Huh? Hi PO?" Nagtataka niyang tanong.
"Huh? Oh diba nilagyan ko ng PO para may pag galang." Gulo din nitong si Orion.
Nagbalik ako sa pagsasight-seeing- este! Sight-smelling.
"Huy!" Napa igtad nanaman ako.
"Ano ba?!" Papansin na to ah. Nilagyan ko na nga ng PO eh. Ano pa bang kailangan niya?!
"Ano ba pangalan mo?" Ahhh. Yun naman pala. Magsasabi ka kasi!
"Anthimony Grace" sagot ko sabay abot ng kamay.
"Wow, nice name. Hah." Complement niya.
"Sayo din. Parang pagkain. Yun bang biscuit na may milk filling?" Sagot ko. lOl
"Iba naman yun! OREO 'yon! Ako Orion!"
"Ah.. Iba nga pala."
"May tanong ako." Biglang naging seryoso ang atmosphere ng paligid.
"Diba bulag ka?" Tanong niya.
"Hindiii. Napuwing lang ako.de joke. Oo." Di ba halata?
"Bakit ang saya mo parin?"
Natigilan ako. MASAYA. Nagpapatawa ba siya. Ang masaya yata ang slaitang hindi nabibilang sa bokabyularyo ko.
"Orion, ito ang tatandaan mo." Malumanay kong tawag sa kanya.
"Hindi lahat ng nakangiti masaya." Kung alam niya lang. Sa buong buhay ko I never felt happy. It never felt so good being Anthimony Grace Layco. Kung pwede nga sana 'di nalang ako pinanganak.
"Hoy!" Bigla siyang sumigaw.
"Oh! Bakit?" I came back to my senses.
"Masaya ka ba?" Papansin talaga to.
"Joke ba yun?" Napangisi ako.
"ano ka ba, dapat masaya ka!" Aba matindi talaga tong lalaking to.
"Bakit naman?"
"Anong bakit? Nagpapatawa ka ba?" So gnagaya mo na ngayon mga linya ko?
"Alam mo maraming magagandang bagay ang dapat mong ikasaya. Sa simpleng pagkaligtas mo sa aksidente dapat naging masaya ka. Maswerte ka nga eh."
"Bakit naman?"
" kasi paningin lang nawala sayo, sakin?-- alaala."
----
Please vote, comment, or suggest. I will humbly accept your opinions. Can we get this chapter to 100 reads?!

The Patients [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon