XX - The Guardian

361 7 0
                                    

Hestia's POV

"Hestia Alarcon. Isang magandang oportunidad na makita, makilala at makausap ang kagaya mo." nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong sabihin yan ng Diyos ng Kagubatan.
Isa siyang Diyos! At isa lang akong simpleng mage! bakit nya ikagagalak na makita at makausap ako? Please enlighten me!!!

Habang nagtataka ako sa isip ko agad nag seryoso ang Diyos ng Kagubatan. Naging pormal pa lalo ang ayos at tindagan nito. At ikinagulat ko ang sunod nitong ginawa!

Iniluhod nya ang isa nyang tuhod habang nakayuko ang kanyang ulo! Akala ko ay yun na ang pinaka nakakagulat na gagawin nya kaya naman mas higit akong nagulat sa Kanyang sinabi.

"Maligayang pagdating Guardian of the Forest."

Hindi ko ipinahalatang lubos kong ikinagulat ang kanyang sinabi. Yumuko rin ako bilang tugod at agad kong pinatayo ang Diyos sa aking harapan. Mukhang hindi ito ang oras para sa mga biro at mukhang hindi naman ugali ng mga Diyos na mag biro. Kaya naman isinatinig ko na ang laman nang isip ko mula pa kanina Nang magpakita sya.

"Hindi ko po maintindihan Diyos ng Kagubatan ang iyong sinasabi? Ako isa akong Guardian? Guardian Of the Forest? Paano po iyon nangyari? Ang pag-aakala ko ay ang Diyos ng kagubatan ang nagbabantay sa kanyang kaharian?"
Sunod sunod kong tanong

"Aking paumanhin binibini ngunit hindi magandang dito natin pag usapan ang usaping ito. Paumanhin ngunit maaari ba kitang imbitahan sa kaharian ng mga Diyos?" dahan dahang lumaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi!

Oh! My! God! Tama ba ang narinig ko? dadalhin nya ako sa Kaharian ng mga Diyos? Limitado lang ang nilalang na maaaring magtungo sa Crenyar Palace.  Ang Crenyar Palace ay ang kaharian ng lahat ng mga Diyos. Walang nakakaalam kung saan ito matatagpuan tanging mahahalagang nilalang sa mundo namin ang syang naka-a-alam kung saan marahil ang lugar na iyon. Kaya naman nakakagulat na pangyayari ang nangyayari sa akin ngayon!

" Paumanhin Mahal na Diyos ngunit bakit mo ako nais na dalhin sa inyong kaharian isa lamang akong normal na mag aaral sa akademya sa mundo namin." Isang ngiti lamang ang itinugon sa akin ng Diyos.
Kinumpas nya lang pa-ikot ang kamay nya sa aming dalawa at bigla na lamang nag iba ang aming paligid! Nagpalinga linga ako at lahat ng aking makita ay nakakamangha! nandirito lang naman kami sa harap ng napakalaking palasyo na tila kumikinang sa ganda pati narin ang kapaligiran nito! Napakagandang ng Crenyar Palace!

Dahan-dahang lumakad ang Diyos na aking kasama, ngayon ko lamang napansin na napakarangya nang kasuotan ng Diyos! Isang kulay berdeng kasuotan ang suot nito na tila sobrang taas at hindi matatawaran ang kalidad ng telang gamit dito, at nang mapatingin ako sa buhok nya ay mayroon itong pinaghalong puti at kulay berdeng buhok na pinatungan ng kuronang mula sa sanga ng puno, at mayroon ring kunting dahon sa sangang nito.

Nang mapagtanto kong napatagal ang titig ko sa Diyos na naging dahilan para maiwan ao nito ay agad akong sumunod para  makpasok  na sa palasyo. Lahat ng aming madadaanan ay nakatingin sa amin. O sa Diyos lamang? Nang makarating kami sa harap ng napakalaki at napakagandang pinto ay dahan dahan itong bumukas. At mula sa kinatatayuan namin ay nakita ng sarili kong mga mata ang lampas sampung Diyos na nakaupo sa kani-kanilang trono.
Holy God! What is this!?
Literal na napanganga ako sa harap nilang lahat! God! Ano ba itong pinasukan ko? May lubha ba akong karamdaman at ipinapakita nyo sa akin ang mga Nilalang na ito?!

"Hzian. Maligayang pagbabalik maaari mo bang dalhin rito ang ating unang panauhin sa araw na ito?." Saad ng lalaki na mayroong pulang damit at tila may kuronang apoy. Maybe He's the God Of Fire.

"Masusunod God of Fire." tugon ng Diyos sa tabi ko at iginiya nya ako patungo sa harap ng lahat nang Diyos na ito. Sa totoo lang ay nanginginig na ang aking mga tuhod!

"Mapagpalang araw binibini marahil ikaw ay naguguluhan ka sa lahat ng iyong nasaksihan. Ngunit ang lahat ng iyon ay aming kagagawan at nang Mahal Na Prinsesa nais nya lamang kayong tulungan sa paghasa nang inyong mga kapangyarihan." Simula ng Diyos ng Apoy.

"Ipagpaumanhin mo kung hindi muna kami magpapakilala sa iyo. Isa iyon sa kahilingan ng Mahal Na Prinsesa sa aming lahat. Ang magpapakilala lamang sa iyo ay ang diyos ng kagubatan dahil sa kanya ka ipinagkatiwala ng Prinsesa. Nais lamang naming makita ang isa sa tagapagligtas ng mundo." Matapos yun ay sinenyasan na nito ang Diyos ng Kagubatan.

"Mauna na kami Mga Kapatid ko."
Lahat sila ay tumango lang sa Diyos. Gulong gulo na ako! pero mayroon na akong munting ideya. Nang imulat ko ang aking mata ay nakaupo na kaming dalawa ng Diyos ng Kagubatan.

" Paumanhin Diyos Ng Kagubatan  ngunit maaari ka na po bang magsimula sa iyong paliwanag?." tanong ko sa Diyos na kasama ko. Tango lang ang kanyang tugon at nagsimula na sa kanyang paliwanag.

"Ilang araw ang nakalipas bumisita sa aming kaharian ang Mahal na Prinsesa. Sobra namin iyong ikinagulat na magkakapatid, alam kong alam mo na ang Prinsesa ang nilalang na pinakamalakas sa mundo natin kahit kaming mga Diyos ay nais na pagsilbihan sya.
Ngunit hindi iyon maaari hindi kami makatutulong sa kanya. Kaya naman mayroong itinakda kaming mga diyos na nilalang na nagtataglay ng bawat kakayanan namin upang maging gabay ng Prinsesa, simula ng unang henerasyon ng mga Diyos ay amin na itong ginagawa, Kami lamang at ang Prinsesa ang nakakaalam kong sino sino ang mga gabay nya, at isa ka sa mga iyon. You're the Guardian of the Forest." Panimula ng Diyos ng Kagubatan.

"Simula pa lang ng tumapak ka sa pudium na ginawa ng Prinsesa naramdaman na namin ang presensya nyong dalawa." wait dalawa? ah si Katte!

" Ang isa pang Guardian na nasa loob ng isang pagsubok ay si Katte Annerry Lux. " Tama nga ang hinala ko na nasa loob rin ng isang pagsubok si Katte, so dalawa na kaming Guardian? Marahil ay Guardian rin ang natitira ko pang mga kaibigan.

"Makinig ka Binibining Hestia ang pagiging isang Guardian ay hindi magiging madali, una mong dapat gawin ay palakasin ang iyong sarili maging isip man yan, pangangatawan o kapangyarihan, lahat iyan ay dapat mong pagyamanin dahil isa ka sa kailangang magproprotekta sa Prinsesa sa lahat ng kapahamakan ang mahal na Prinsesa lamang ang may karapatang magpaliwanag ng lahat sa inyo sa tamang panahon, sa ngayon ang tanging magagawa ko lamang para sa iyo ay ang maibahagi ang kapangyarihan at kaalaman ko sa iyo dahil hindi sapat ang kakayahan mo para protektahan ang Prinsesa. Nais kung tumayo ka sa gitnang parte ng silid na ito kung saan mo matatagpuan ang bilog at sa gitna nito ay mayroong isang iginuhit na dahon." Pakiusap ng Diyos sa aking harapan.

Agad naman akong tumayo at hinanap ang kanyang tinutukoy at ng makatayo na ako at humarap sa kanya ay nakita ko syang tumayo at pumikit ang kanyang mga mata Unti unti syang nagbigkas ng hindi ko maintindihang mga lenggwahe at dahan-dahang tumaas kanyang mga buhok habang ang kanyang katawan ay nagliliwanag. Sobrang lakas ng enerhiyang inilalabas nya!

Nang sa tingin ko ay tapos na syang magbigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan ay bigla nyang iminulat ang kanyang Mga matang tila umiilaw rin at bigla niyang itinaas ang kanyang kanang kamay at itinapat ito sa akin. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at naghintay akong makaramdam ng sakit ngunit ang tangi ko lamang Naramdaman ay  ang malakas na enerhiyang pumasok sa aking kaloob-looban! Nang maramdaman kong naglaho na ang malakas na enerhiyang iyon sa silid ay bigla kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang Diyos ng Kagubatan sa aking harapan.

"Babalik ako matapos ang isang araw mula ngayon upang kunin ka at turuan ng mga dapat mong matutunan sa iyong bagong kapangyarihan sa ngayon maaari ka nang bumalik sa realidad. " Saad nya at ikinumpas nya lamang ang kanyang isang kamay at nakaramdam naman ako ng pagkahilo kaya naman ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at matapos yun ay wala na akong nakita.

------

CuriousPillow💕💕💕



The Cursed - Eyed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon