Chapter 5

61 12 50
                                    


Author's Note:

If you're using an android phone, please play the song through Spotify. Just search for the song, play and go back here.

Song: Can't Get Out by Jem Macatuno

⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰

Eilegna

NAPANGANGA kaming lahat sa sinabi ni ma'am. Hindi namin in-expect lahat na sasabihin niya iyon. Alam kasi ng mga kaklase ko na para kaming aso't pusa ni Gabe naturingan pang mag-seatmate kami at mag-bestfriends si mama at mommy niya. 

"Well, I just thought you might need it to cap the altercation. Sabi niyo okay na kayo di ba?"

Atubili kaming sumagot ni Gabe ng 'oo'

"Ganoon naman pala. So, okay lang na mag-embrace kayo. Besides, I don't want this thing to happen again. I want to make sure that you two are not holding grudges against each other."

"O- okay po, ma'am," atubiling sagot ni Gabe.

Naghiyawan ang mga kaklase namin nang tumayo si Gabe mula sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang binagtas ang daan patungo sa harapan ng klase.

Holy molly, what is this mess I am in? I didn't sign up for this.

Pakamot-kamot si Gabe ng ulo habang naglalakad papunta sa akin. He seemed shy.. or is he hesitant? As if naman gusto ko rin.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase namin nang nakatayo na sa harap ko si Gabe. He's standing 6'0 tall. Sa sobrang tangkad niya nagmukha akong keychain sa liit. 5'2" lang naman kasi ang height ko. I looked up to him and for the first time I can see in his eyes that he is embarrassed infront of me. He tried to veer away from my gaze.

"H- hi," bati niya at umiwas uli ng tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"H- hi," bati niya at umiwas uli ng tingin

"Hi mong mukha mo," pagtataray ko.

Ibinulsa ni Gabe ang dalawang kamay at bumaling sa akin. This time mababakas sa mukha niya ang pagkayamot, "Huwag ka ngang maarte. Akala mo naman gustong-gusto kong nandito ako sa harap mo ngayon."

I was about to snap when I saw in my peripheral vision that our teacher was looking at us so I plastered a fake smile and spoke while clenching my teeth, "Kashalanan mo kashi 'to, Gabe. May shori, shori letter ka pang nalalaman kashi," then I gave him a sarcastic smile.

"Ano nangyayari sayo? Bakit ganyan ka magsalita?" nakakunot noo nitong tanong.

Mapapa-face palm ka na lang talaga sa sobrang dense ng taong 'to. God, give me patience. More patience.

I rolled my eyes and spoke again with clenched teeth, "Shi ma'am kashi nakatingin."

"Ano?" He looked down at me in his still furrowed brows and hands in his pockets.

Nat and GabeWhere stories live. Discover now