⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
Eilegna
TINANGHALI na ako nang gising dahil sa pagod at puyat. Inabot kami ng hating gabi sa daan dahil sa traffic pero okay lang iyon. Ang mahalaga kasi lahat ng mga aso ay na-rescue. They are in the shelter except for that one dog na inampon ni Gabe. Sounds weird knowing that he was afraid of that poor thing minutes before we had an interaction.
"Saan ka na naman pupunta, Justin?" si mommy nang nakita niya si kuya pababa ng second floor from his room.
"May practice kami ng basketball, mom."
"Yeah, right." I commented, "Sino niloko mo, kuya?" dugtong ko.
Sino ba kasi ang maglalaro ng basketball na naka-casual attire. Hinuha ko ay magkikita sila ng girlfriend niya dahil bigla na lang siyang nawala sa party with other girl. He has a lot of explaining to do.
"Sheesh. Shut up, Elle." sagot ni kuya.
"Magdala ka ng bulaklak baka sakaling patawarin ka ni Gwen, " panunukso ko.
"Wag kang maingay. Sshh." sabi ni kuya habang dinadampi ang hintuturo sa kanyang labi.
"Anong sabi mo, Elle?" mom asked.
"Ah- wala yun, ma." si kuya, "Alis na ako, bye." dugtong ni kuya habang papunta ng pinto.
"Umuwi ka kaagad." sabi ni mom.
Hindi sinagot ni kuya si mommy habang nagbubukas siya ng pinto. Nagulat na lang kami nang sumigaw siya ng, "Elle, boyfriend mo nasa pinto!"
⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
WHAT the actual fudge?! That brother of mine is a devil. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin naman sa akin si mommy at akmang magagalit dahil wala itong alam na may boyfriend na pala ako.
Geez, mom. If you only knew na wala rin akong alam na may boyfriend na pala ako.
"Eilegna Natata, anong boyfriend?!"
"Mom, I swear I don't know what kuya is talking about," depensa ko, "Sino ba kasi 'tong bisita na 'to?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa pinto para makita kung sino ang nasa likod nun.
I was shocked. The least person that I was expecting to show up was infront of me.
"Wha- what are you doing here?"
"Oh huwag ka namang assuming, Natata. I didn't come for you." Gabe said and handed a container na may lamang ulam.
"Ano 'to?" pagtataka ko.
"Caldereta. Pinapaabot ni mama kay Tita Lucille."
"Gabe, ikaw ba yan?" Si mama habang papalapit sa pinto, "Sabi ko na nga ba ikaw yan." dugtong ni mama nang makalapit. Siniko niya ako nang marahan.
"Hi po, tita. Naghatid lang po ako ng ulam."
"Naku salamat. Halika, pasok ka," ani mama habang naglalakad, "Girlfriend mo daw si Elle?"

YOU ARE READING
Nat and Gabe
RomanceEilegna and Gabe are a total opposite of each other. He's pompous, loud, bully and a chauvinist pig while Eilegna is the exact opposite. Pero sabi nga nila opposite poles attract. Eilegna hates it when Gabe calls her Nat. Gabe is enjoying it on the...