Chapter 7

33 3 6
                                    

Author's Note:

If you're using an android phone, please play the song through Spotify. Just search for the song, play and go back here.

Song: Enchanted by Taylor Swift

⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
Eilegna

TOTOO ba ito? Si Calder ang maghahatid sa akin? Diyos ko anong gagawin ko? Oo, crush ko siya at kahit papaano nakakausap ko siya gawa ng kaibigan siya ni kuya pero magkaiba iyon ngayon. Imagine being in one space with your crush ng kayo lang, may composure ka pa kaya? Ang awkward ko kayang tao. Ano pag-uusapan namin on the way? At wait kakausapin ko ba siya? Paano kung bad breath ako? Shizzles I should have chewed a gum.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," Bumalik ako sa kasalukuyan nang narinig kong nagsalita si Gabe. Hinawakan nito ang kamay ko na para bang pagmamay-ari niya. Hindi naman ako makakilos dahil hindi pa rin mag-register sa isip ko na pinuntahan ako ni Calder.

Kumunot ang noo ni Calder at tumingin kay Gabe na nagtataka, "I'm sorry, who are you?"

Gabe snorted and raised his left eyebrow, "Ako? Ako lang naman ang captain ball ng Maryland High," buong pagmamalaki nitong saad.

Pinasadahan ng tingin ni Calder si Gabe at tumango-tango, "Yeah, yeah. I remember you. Nakalaban ng team namin ang team niyo last year," inabot ni Calder ang kanyang kamay upang makipagkamay, "Calder nga pala, pare."

"Gabe," tipid nitong sagot na hindi man lang kinamayan si Calder, "Okay na?"

Wait, bakit naman parang ang sungit ni Gabe ngayon? Inaano ba siya?

"Gumagabi na, uuwi na kami," dagdag ni Gabe at hinila ako palayo kay Calder.

Hindi ko naman inasahan ang gagawin ni Calder. Hinawakan niya ang kabila kong kamay at hinila pabalik sa kanya, "I'll take her home. I promised her brother to keep her safe."

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Gabe sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin. Nakita kong tumiim ang bagang niya. Is he mad?

"At ano ibig mong sabihin? Na mapapahamak si Eilegna kapag ako ang kasama niya?"

What the hell is happening? And did he just call me Eilegna?

"Whoa. Chill pare. Wala akong sinabing ganoon. Ang akin lang ay maihatid si Eilegna sa bahay nila dahil sa akin siya hinabilin ng kuya niya."

"Kaya ko na. Magkapitbahay kami nito," sagot ni Gabe matapos akong ituro ng kanyang kabilang kamay.

"Boys, boys, please stop," I interjected baka kung saan pa mauwi ang pagtatalo nilang dalawa.

Ito kasing si Gabe masyadong mainit ang ulo. I mean, what the hell is wrong with him? Unti-unti akong kumawala sa pagkakahawak ni Gabe na ipinagtaka naman niya, "I think I'll go with Calder.

Napamaang si Gabe sa naging desisyon kong kay Calder sumama. Nagtiim ang bagang nito na para bang kaunti na lang ay magtra-transform na into hideous monster.

"Bahala ka nga," malamig na tugon nito at naglakad palayo.

"Bahala ka nga," malamig na tugon nito at naglakad palayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nat and GabeWhere stories live. Discover now