Chapter 6

33 3 6
                                        

Author's Note:

If you're using an android phone, please play the song through Spotify. Just search for the song, play and go back here.

Song: Crush by Tessa Violet

⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
Gabe

"ARCH, pasa mo sa akin!" sigaw ko habang itinataas ang kamay sa ere, hudyat na open ako at pwedeng pasahan ng bola

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ARCH, pasa mo sa akin!" sigaw ko habang itinataas ang kamay sa ere, hudyat na open ako at pwedeng pasahan ng bola.

Ipinasa naman ni Arch ang bola sa akin na agad ko namang sinalo. Nag-dribble ako papunta sa kabilang side ng court at iniwasan ang mga bantay na ka-teammate din namin. Tumalon ako nang mataas at shinoot ang bola sa ring.

"Good job, Mendoza!" narinig kong sigaw ni coach, "Sa Wednesday ulit ha? 5:00 PM tayo boys. Walang male-late."

Pumunta na sa kanya-kanyang lockers ang teammates ko habang ang iba naman ay nagpahinga muna sa bleachers. Ako naman ay naglakad papunta sa water dispenser upang uminom ng tubig.

"Nice one, dude," si Arch nang nakalapit.

Pinagsalikop namin ang aming mga palad at tinapik ang balikat ng isa't isa. More like a bro hug.

Si Archibald Ibañez or Arch ang matalik kong kaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Si Archibald Ibañez or Arch ang matalik kong kaibigan. Kaklase din namin ni Nat pero madalas missing in action dahil isa siyang troublemaker. Bad boy kung maituturing. May mahaba siyang buhok na lagpas balikat at kagaya ko rin, isa rin siyang habulin ng mga chicks. But unlike him, hindi ako chickboy. Sa loob ng labing pitong kong pamamalagi ko dito sa mundo dalawa pa lang naging girlfriend ko. Samantalang hindi ko mabilang sa mga daliri ko kung ilan na naging syota nito.

Tumawa ako nang pagak bilang sagot, "Maliit na bagay."

"Hambog ka talaga kahit kailan, kaya naman g na g sayo si Eilegna," anito na patawa-tawa.

Hindi ko naiwasang tapunan ng sulyap ang babaeng tinutukoy nito na ngayon ay nakaupo sa katapat na bleacher habang panaka-nakang tumitingin sa sariling relo.

"Bakit nga ba nandito iyan?" Nginuso niya si Eilegna matapos uminom ng tubig.

Napangiti ako nang naalalang nagawa kong isama si Nat. Nung una 'e trip-trip lang pero napag-isip-isip ko ding bakit hindi ko na lang gawin? Tutal pareho lang naman kami ng dinadaanan pauwi.

Nat and GabeWhere stories live. Discover now