Chapter 9

28 1 1
                                    

Gabe

Earlier

"SAAN ba 'tong party na pupuntahan natin?" nagtatakang tanong ko kay Arch.

Hindi ko kasi alam kung saan e, basta sumama lang ako kasi baka mabaliw ako sa bahay sa kakaisip sa mga bagay na hindi naman dapat.

Damn, napaka-swerte talaga ng Natata na iyon. Kaliit-liit pero kaya niyang bulabugin ang isang kagaya ko. Kainis!

"Kina Calder, dude. Tinext lang din ako ni Kayla."

"Ano? Calder?" napahilamos ako sa mukha sa narinig. Gusto kong agawin ang manibela sa kanya para bumalik, "Tangina naman pare! Bakit 'di mo naman sinabi agad?"

Lumingon sa akin si Arch na nakakunot ang noo, "Galit na galit gusto manakit?" anito sabay tawa.

"What the fuck dude?!" mura ko, "Bakit hindi mo naman sinabi na doon pala tayo pupunta?"

Natawa ito sa tinuran ko, "Hoy gago bakit ka ba galit na galit? Inano ka ba nun?"

Oo nga. Inano ba ako ng kalderong iyon? Bigla akong napaisip. Bakit ba galit na galit ako doon? 'E sinundo lang naman niya si Nat. Tsaka ano naman sa akin kung sinundo niya at sa kanya sumama si Nat? Mabuti nga iyon 'e, hindi pa ako naabala.

"Ang yabang kasi nun," tipid kong sagot matapos ibaling ang atensiyon sa labas ng bintana.

"Mayabang talaga iyon, star player iyon ng Northville Academy e," sagot nito na nakatuon pa rin ang atensiyon sa daan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nilingon siya, "Mukhang idol na idol mo ah? Crush mo, dude?"

"Gago pare hindi ako bakla! Hingin ko nga number nun mamaya," pagbibiro niya.

Pinalantik ko ang aking mga daliri bago nagsalita, "Sabi ko na Barbie!"

Nagtawanan kami sa loob ng sasakyan. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa nakarating na kami sa bahay ni Calder.

Bumaba kami ng kotse at pumasok sa loob ng gate. Tangina ang laki ng bahay niya. Meron siyang malaking swimming pool at sa gitna nun ay may mga taong naglalaro ng inflated balloon. Ang iba naman nagchi-chill lang sa gilid ng pool habang umiinom.

May dumaan sa harap namin na babae na nakasuot ng two-piece bathing suit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May dumaan sa harap namin na babae na nakasuot ng two-piece bathing suit. Nakita ko naman na bumaba ang tingin ni Arch sa bandang pwet ng babae habang papalayo ito.

"Damn, bro! This is what I'm talking about!" bakas sa boses ni Archibald ang excitement. Gumala ang mga mata nito sa paligid habang nakangiti nang napakalapad.

 Gumala ang mga mata nito sa paligid habang nakangiti nang napakalapad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nat and GabeWhere stories live. Discover now