⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ──────
Gabe.KANINA pa ako nakatulala sa kisame habang ang dalawang kamay ay nasa ilalim ng ulo ko. Hindi ako makatulog. Dapat inaantok na ako dahil nakainom ako but for some reason I could not find myself sleepy.
Tumagilid ako at inabot na lang ang cellphone upang maglaro sana ng Mobile Legends pero laking gulat ko nang makita sa screen ng phone kung anong oras na.
"Dammit!" Napamura ako nang mahina nang makitang alas-singko na pala ng madaling araw.
Wala naman akong importanteng gagawin ngayon. Tatambay lang siguro sa basketball court or maglalaro ng Dota bilang Sabado naman pero kahit na. I deserve a good sleep lalo na't na-stress ako kanina.
Napahilamos ako ng mukha nang sumagi sa isip ko ang huling eksena namin ni Nat kanina bago kami naghiwalay ng landas. Takte! Parang sirang plakang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi niya.
"Ikaw ang nakakatawa. Bakit ako magcha-chat sa'yo? Ano ba kita?"
"Ikaw ang nakakatawa. Bakit ako magcha-chat sa'yo? Ano ba kita?"
"Ikaw ang nakakatawa. Bakit ako magcha-chat sa'yo? Ano ba kita?"
Bakit ko ba kasi sinabi iyon? At saka tama naman siya, wala siyang responsabilidad sa'kin para sabihin kung nakauwi na siya o ano. Dammit! I look liked a loser infront of her baka isipin pa nun type ko siya. Ack!
"Pero takte talaga, nakakahiya! Inom pa more!" basag ko sa sarili.
"Gabe, gising ka na ba?" si mama sa likod ng pinto ng kwarto ko. Kumatok siya ng tatlong beses bago buksan ang pinto.
"Ma!" nagulat kong sambit, "Can't you wait for me to respond?"
Sinagot lang ako ng ngiti ni mama at lumapit sa kama. Hinigit niya ang kumot na nakabalot sa kalahating katawan ko at pinilit akong bumangon, "Bumangon ka na diyan, kumakain na si Mimi sa baba."
"Sabado naman ngayon, ma. Baka naman." sagot ko at dumapa sa kama upang matulog.
"'O anong gagawin mo? Matutulog ulit? Aba Gabe, gawain ng tamad iyan. Bumangon ka na para makapaghanda ka na."
Kinuha ko ang isang unan sa gilid at tinabunan ang magkabilang tainga. Ang aga-aga nagsesermon na naman si mama tapos wala pa akong tulog. Hayst.
"Ano ba, Gabe," si mama matapos agawin ang unan, "Alas-sais na 'o. Maya-maya niyan dadaan na yung service."
"Service?" nanghihina kong tanong. Ngayon lang ako tinamaan ng antok, "Anong meron?"
"Di ba nga pupunta kayo ni Mimi at ng dad mo sa Bulacan? Hindi mo ba naaalala? Sinabi ko 'to sayo last week. I have an appointment sa derma ko kaya ikaw na lang sinabi kong sasama for the rescue. Bumangon ka na baka ma-late ka pa, alas 7 dadaan ang service."
Shoot! Ngayon na pala iyon. Si mama ay isang sponsor sa Save A Stray. It's a charitable organization that prioritizes stray animals at ngayon nga ay pupunta sila sa isang pound sa Bulacan to rescue captured stray dogs dahil kung hindi sila matubos ay papatulugin na lang sila.
"Pwede bang huwag sumama?"
"Naku Gabe, tigilan mo ako! Mag-ayos ka na diyan. Hihintayin ka namin sa baba," huling saad ni mama bago lumabas ng kwarto.
I buried my face against the pillow and growled. Dammit gusto ko pa talagang matulog pero no choice.
Bumangon na ako at kinuha ang towel para mag-shower.
⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰
Gabe
YOU ARE READING
Nat and Gabe
RomanceEilegna and Gabe are a total opposite of each other. He's pompous, loud, bully and a chauvinist pig while Eilegna is the exact opposite. Pero sabi nga nila opposite poles attract. Eilegna hates it when Gabe calls her Nat. Gabe is enjoying it on the...